Chapter5: agreement

45 6 0
                                        

Chapter5: agreement

Summer POV

       Pagkatapos ng 'meeting' namin kasama ang president ng san juan entertainment ay agad kong niyaya si Keisha sa isang malapit na cafe sa kanilang building. Aayaw pa sana ito pero hindi na nya nagawa, dapat lang noh. Kailangan naming pag usapan at pag planuhan ang gagawin namin.

       'Oh wait, nakalimutan kong naka plano na nga pala at ngayon kailangan nyang sundin ang lahat ng gusto ko.'

      "ANO?!" pasigaw na sabi nito, 'ohhkayyy~ may pagka O.A din pala Ito.'

        Hinila ko naman sya sa kamay at pinapaupo bago mapang asar na sinabing: "Wag kang sumigaw, pinag titinginan ka na oh. Tsk Tsk, gusto mo talagang palaging gumawa ng eksena pag kasama ako.."

       Napa yuko naman Ito para siguro maitago ang pamumula ng mukha nya pero syempre nakita ko pa din Ito and I find it very cute^^ "seryoso kaba kasi dyan sa pinag sasabi mo? Hindi ba parang.. ang weird naman nyan."

       Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi nya, kaya naman hinawakan ko sya sa mukha bago iniharap sa akin.. nakipag titigan din ako sa kanya, at swear . Nung nag tama ang mata namin daig ko pa ang nag excercise for 5 hours sa bilis ng tibok ng puso ko.. di ko rin maipaliwanag kung ano yung mga bagay na parang nagwawala sa loob ng tyan ko. 'Whats happening?' Takang tanong ko sa sarili ko.

       "Weird? Hindi ba mas weird ang bigla mong panghahalik sakin?" Mahinang sabi ko at pinag masdan ang buong mukha nito.. ang magandang pares ng mata, ang maliit pero matangos na ilong nito..at mamaya maya pa ay napatigil ang tingin ko sa maliit pero sobrang pinkish na labi nito na ngayon ay medyo nakabuka pa.. 'arrghh~~ bakit parang gusto kong matikman ulit ang labi nya?'

      Nakita kong napatingin din ito sa labi ko at napalunok. "P-pinaliwanag ko na naman sayo diba?" narinig kong sabi nito at hindi parin maialis ang tingin sa labi ko..'nararamdaman din kaya nya ang nararamdaman ko' and just thinking about this, wala sa sariling napa smirk ako..

    'Ohh.. this must be interesting than i thought.'

      "Hmm~~ yung sinabi mong hindi mo alam na ako yun? Dahil naka talikod ako?" Mahina at dahan dahan kong sinabi dito .. Gusto kong mapatawa lalo na nang mapansin kong sa bawat pagsasalita ko ay kasabay ng paglunok nya.. 'bakit ba kahit parang wala sa sarili Ito ay ang cute pa din nya?'

    Wala sa sariling napa tango naman Ito. 'Naiintindihan nya ba talaga ang sinasabi ko?' Di ko maiwasang itanong sa sarili ko dahil parang sa labi ko lang naman sya naka focus e! =_=

     "Sabihin mo, nag sisisi kaba na ako  yung taong napag nakawan mo ng halik?"

      Naitanong ko sa kanya ang bagay na gumugulo sa akin nitong mga nakarang araw. Kasi naman di ba, madaming naging epekto nito sa kanya. Pero syempre, may mga good din naman.

          Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay di parin Ito sumasagot.

           "Hey I'm asking you..." tawag ko dito.

          "Huh?" napa smirk naman ako dito. 'Ganito ba kalakas ang epekto ko sa kanya at nawawala na sya sa sarili nya?'

          Isang pilyang Plano naman ang  naisip ko.. ^^,

          "Sabi ko....Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?"

          Agad naman itong namula at tarantang nagpaalam "m-mag cr lang ako." Mabilis na tumayo Ito at umalis..

      Napatawa naman ako ng malakas ng makita ang reaksyon nito. At kahit na nakalayo na Ito ay alam kong namumula pa sya sa kahihiyan dahil sa pamumula ng tenga nito. ^^

my b*tchy starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon