Chapter6: nervous
Keisha POV:"Tsk. Kinakabahan ka padin?" May halong pangaasar na sabi ng katabi ko.
Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. "Alam mo kung wala kang maitutulong sa akin, mabuti pang manahimik ka na lang dyan."
Sabi ko dito at pinagpatuloy ang pag papakalma sa sarili ko..Paano ba naman akong hindi kakabahan , eh ngayon gaganapin ang first ever interview ko! At di lang yon dahil live kaming ia-air!! As in pag nagkamali kami (pero syempre alam kong ako lang ang may possibilities na magkamali) ay makikita Ito ng tao sa buong pilipinas!! Lalo na ng million million na fans ng katabi ko..
"Alam mo, kabahan kana talaga dahil sobrang daming mga tao ang makakapanood ng interview natin" pananakot pa nito>_< anak talaga ng tipaklong ang babaeng Ito!!
"Alam mo summer konti nalang.. makakatikim kana talaga saakin." Nag titimping sabi ko dito..
Tsk, Alam naman kasing Kinakabahan na ako tas ganun pa ang sasabihin=_=
"Makatikim?" Sabi nito at pinahalata pa nito ang pagtitig nya sa labi ko 'oh-oh' aalis na sana ako dahil alam kong 'may kalokohan na naman itong iniisip pero nanigas nalang ako sa kinakaupuan ko ng dahandahan itong nag lean in sa pwesto ko.. 'sh*t' "do you mean, titikman mo na naman ang labi ko." At dahan dahan nitong inangat ang tingin nya at ng magtama ang mata namin ay nandito na naman ang weird feeling nasa kanya ko lang nararamdaman. "Ohh~~ I can't wait" narinig kong dagdag nito at mapang asar akong tiningnan.
Halos hindi naman ako makahinga lalo na ng mapansin kong halos magkadikit na ang ilong namin sa isat isa dahil sa pagkakalapit namin.. Kung kanina ay hindi ako makahinga dahil sa kaba dahil sa interview, ngayon naman ay hindi na ako makahinga dahil sa kaba dahil kay summer.
"A-ano bang p-pinagsasabi mo dyan?"nagkandabulol bulol nasabi ko dito.
Napasmirk naman ito at doon ko lang na realize nasa labi nya pala ako nakatitig. 'what the hell' sabi ko sa isip dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko pa din matanggal ang mata ko sa labi nya..
"Tell me... do you wanna kiss me again.." mahinang sabi nito at dahan dahang inilapit ulit ang mukha nya sa akin.
'Oh my gosh....' Yun nalang ang sabi ko at naipikit ang mata ko.
Pero after ng ilang segundo ay wala pa din akong naramdaman at doon ko lang narealize ang nangyayari ng makarinig ako ng malakas na pagtawa nito.
>_< Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa ba ako dahil hindi na tuloy ang kiss namin o sasapakin ko ang babaeng nasa harap ko, na ngayon ay tawa ng tawa at feel na feel pa ang pag hawak sa tyan nya. 'Oh edi sya na ang masaya!'
Tsk, bakit ko ba naman kasi kinalimutan na si summer haze nga pala ang nasa harap ko ngayon?! na simula ng 'agreement' namin 2 weeks ago ay ginawa ng libangan ang pang aasar at ang pangbibitin sa akin? 'Ang saklap lungsszz~'
"Oh ano, tapos kana?" Cold na tanong ko dito ng kumalma ito ng 'kaunti' at seryosong tinitigan lang ito.
At ang bruha, imbis manahimik ay mas lalo lang tumawa ng MAS malakas=_= 'manhid talaga!!!!'
Nababadtrip na tumayo ako sa upuan at iniwan ito. 'Bahala ka dyan mag isa!'
Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may pumasok dito at nakitang nagtatakang mukha ni manager kim. Malamang nagtataka Ito Kung bakit 'napaka saya' ng alaga nga ngayon . "Oh bakit naka simangot ka dyan? At summer, huminga ka naman.. mamamatay kana dyan kakatawa" Takang sabi nito.

BINABASA MO ANG
my b*tchy star
Romance"The stolen kiss that change everything" Hate/love chuchu~ :Jhaydee<3