Chapter4: seductive lips
Keisha POV:
"ANO?!" pasigaw na sabi ko dito at napatayo pa sa pag kakaupo.
Agad naman ako nitong hinila at pinaupo ulit, at sinenyasan na wag maingay.
"Wag kang sumigaw, pinag titinginan ka na oh. Tsk Tsk, gusto mo talagang palaging gumawa ng eksena pag kasama ako.." may himig pa ng pang aasar na sabi nito.
Napayuko naman ako para maitago ang pamumula ng mukha ko "seryoso kaba kasi dyan sa pinag sasabi mo? Hindi ba parang.. ang weird naman nyan."
Naramdaman kong hinawakan ako nito sa mukha at pinag pantay ang mukha namin..
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng mag tama ang mata namin. sobrang lapit lang ng mukha namin, na kung sa malayo o sa ibang side ay aakalain mo ng magkahalikan na kami..
"Weird? Hindi ba mas weird ang bigla mong panghahalik sakin?" Mahinang sabi nito habang ang mata nya ay pinagmamadan ang mukha ko at mamaya maya pa ay tumigil ang mata nito sa labi ko
Wala sa sariling napatitig din ako sa labi nito, napalunok naman ako ng makita kung gaano ka pinkish Ito naparang nang aakit na tikman ko ulit Ito. "P-pinaliwanag ko na naman sayo diba?" Sabi ko dito at hindi pa din inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
Nakita ko naman ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito.. and I find it very... sexy.. and seductive..
"Hmm~~ yung sinabi mong hindi mo alam na ako yun? Dahil naka talikod ako?"
pinagmamasdan ko ang bawat pagbuka ng bibig nito.. at sa bawat sasalita nya ay kasabay ng pag lunok ko..
Wala sa sariling napa tango naman ako.
"Sabihin mo, nag sisisi kaba na ako yung taong napag nakawan mo ng halik?"
Gusto ko mang mahiya dahil sa choice of word nito ay hindi ko na nagawa, Dahil ang utak ko ay naka focus lang kung gaano ka seductive ang pagsasalita nito.. Ang marahang pag buka ng kanyang bibig, pati na din ang mabangong hiningang naaamoy ko.. Ang pagka natural pinkish ng labi nito.. is not helping me at all, Dahil patagal ng patagal mas lalo lang akong na te temp na-----
"Hey I'm asking you..." narinig kong sabi ulit nito..
"Huh?" Dumbfounded na sabi ko..
Nakita ko naman na napa smirk Ito.. "Sabi ko...." pabitin naman na sabi nito.. kaya napatingin ako sa mata nito. "Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?"
Agad naman akong namula ng marealize ang ibig sabihin nito. "m-mag cr Lang ako." Sabi ko at agad tumayo at iniwan Ito.
Mas namula naman ako ng marinig ko ang pag tawa nito.
"gosh!! Ano bang nangyayari saakin?!" Galit na tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang itsura ko sa salamin.
"Imposible, imposibleng ma.. ma..." di ko na maituloy ang sasabihin ko dahil parang hindi ko matanggap na, na tetemp akong halikan ulit sya, sa pangalawang pagkakataon! "Imposible talaga! Imposible.." naiiling na sabi ko..
"Ngayon Keisha.. lalabas ka dito at aakto ka ng tama at normal! naiintindihan mo? Wag kang mag paka shonga dyan." Pag kukumbinsi ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Nag lakad na ako papunta sa table namin, actually na dito nga pala kami sa loob ng cafe. Dito kasi ako dinala ni summer after ng 'meeting' na hindi naman ako hinayaang mag usap nito. Well, thankful pa nga ako na hindi nya ako pinag usap dahil sa ayokong makipag plastikan sa president namin.
"Buti naman at lumabas kana din." May halong pagkainis na sabi nito.
'Ohh~~ ayaw nga pala nitong pinag hihintay sya.. '
"Sorry.." Yun nalang ang nasabi ko at umupo nasa tapat nito. Pero isang irap lang ang isinagot nito.. 'hay~~ eto na.. lumalabas na ang pagka b*tchy nya..'
Hindi ko nalang pinansin Ang pagtataray nya at tinanong nalang ang 'proposal' nito.
"So, pwede bang pakiulit ulit ang sinabi mo sakin kanina?" Tanong ko dito, Malay ko ba naman kung nabingi lang ako kanina.. kasi napaka Imposible naman na yayain nya akong maging------
"what?! Seryoso kaba dyan?! Napaka haba ng sinabi ko at ngayon, ipapaulit mo lang saakin?!" Hindi maka paniwalang sabi nito sabay tingin ng masama saakin..
'Okay~~ b*tchy mode activated na nga sya=_='
..................
:Jhaydee<3
BINABASA MO ANG
my b*tchy star
Romance"The stolen kiss that change everything" Hate/love chuchu~ :Jhaydee<3
