Chapter8: bipolar=_=
Keisha POV:"Cut!!" Narinig kong sabi ni direct. "Good take, keisha. Di ako nag kamali na magaling ka talaga." Papuri nito saakin.
"Salamat po direct." Nahihiyang sabi ko.
"Haha. O sya, upo ka na muna doon at mamaya naman tsaka mag start ang part ni summer." Sabi nito at umalis na. Ako din ay umalis na at umupo sa katabi ni summer.
"nice one heart, parang profesional ka na talaga ah." Naka ngiting sabi nito.
"Tse, tigilan mo ko. Mas magaling ka pa nga sa akin." Sabi ko. At medyo naiilang pa din sa tawag nya saakin.
"Haha, sinabi ko lang naman na parang profesional. Di ko naman sinabing super star kana." Pag yayabang nito.
"Yabang mo!" Sabi ko at ibinato ko ang pagkain na kinakain ko sa kanya na agad nya namang kinuha at kinain na=_= kukunin ko sana ulit kaso ayaw ng ibigay!!
"Akin na yan!" Sabi ko sabay agaw ulit pero ang bruha tinawanan lang ako.
"Haha~~ kunin mo muna.." pangaasar nito at tumayo pa para di ko maabot. >_<
Ilang minuto ko ding pinilit na abutin ito kaso di talaga kaya ng powers ko. Kaya umupo nalang ako at tumalikod na at di sya hinarap=_= bahala sya dyan.
"Oyy~~ tampo ka dyan, eto na oh. Binibiro lang naman kita eh." Sabi nito.
"Wala na ako sa mood kumain, kainin mo na yan" pag susungit ko dito.
"ah okay." Sabi nito. 'Ayy, taragis.. wala manlang pilitan?!'
Badtrip naman na tumayo na ako at nag walk out. >_<
"Oyy~~ San ka pupunta?" Narinig kong sigaw nito.
"Sa moon!!" Ganting sigaw ko.
"Sige, ingat ka. Say hi for me sa mga kauri mong alien!!" Tatawa tawang sigaw nito.
>_< 'manhid talaga!!' Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Para makalayo na dito sa bruhang babaeng ito.
Sa isang part ako ng area na walang tao nag decide na magpahinga.
Start na pala ng shooting namin ni summer kaya sobrang busy namin ngayon.
Simula ng maging 'kami' ay madami na talagang pagbabago. Naging mas maayos na ang buhay namin ng mga kapatid ko kasi malaki na ang nagiging income ko. Madaming nag offer sa akin na malalaking kompanya at sobrang saya ko dahil doon.
Nag quit nadin ako sa mga part time jobs ko kasi kaya na naman ng pag aartista ko ang gastos namin at para na rin makapag focus ako sa career ko. Umalis na din ako sa sanjuan entertainment at nasa ZEROne na ako ngayon .
Sobrang thankful ko na talaga sa mga nangyayari.
At sa mga nagdaang araw nga ay mas naging close kami ni summer. Na sanay na ako sa mga pag susungit at pang aasar nya. Sa palaging pang babara at pagyayabang nito. Pati nadin sa minsang pagiging sweet nya at maaalahanin..
Sa katunayan ay parang naging normal na saakin na sya ang palaging kasama ko. hindi ko tuloy hindi maiwasan na hindi malungkot kapag naiisip kong ititigil na namin ang pag papanggap na ito.
May narinig akong yabag sa likod ko kaya nilingon ko agad Ito. "aish! Sorry, hindi ko alam na may tao pala dito." Sabi ng babaeng nasa medyo malayo saakin.
halos mapanganga naman ako sa kagandahang taglay nya. Ang amo lang nang mukha nya , yung parang walang kahit ano mang bagay na masama ang kaya nyang gawin. 'hindi na ako mag tataka kung may isang magandang anghel ang nawawala sa heaven ngayon!'
"Pasensya na, aalis nalang ako." Sabi nito at tumalikod na.
"No.. wag kang umalis, dito ka nalang." Nakita ko namang kumunot ang noo nya.
"I mean, wala naman kasi akong kasama dito so kung gusto mo dito ka nalang." Pagpapaliwanag ko dito.
Nakita ko namang napa ngiti sya, bago naglakad papumunta sa pwesto ko.
'Ang ganda nya talaga.' Wala sa sariling sabi ko sa isip ko.
"Umm.. hi, I'm Angela gonzaga." Pakilala nito.
Napatawa naman ako. "Of course, kilala kita.. Sobrang sikat mo kaya."
Namula naman agad sya at napatingin sa baba.. "thanks." mahinang sabi nito.
"Ako ang dapat magpakilala, baka ako ang hindi mo kilala." Sabi ko
Agad naman itong mapatingin saakin. "Kilala kita, sino ba namang di makakakilala sayo." Sabi nito at tumawa pa.
Napangiti nalang din ako. 'Grabe, kung gaano kabait sya sa tv ganun din pala sya sa totoong buhay. Nakakatuwa lang.'
Lumipas ang oras at nadun Lang kami at nag uusap tungkol sa kung ano anong bagay. Nalaman ko na kasali pala sya sa movie at natuwa naman ako na maliban kay summer ay may nakilala at naka close ako
Tumatawa pa ako nang marinig ko syang nagsalita. "Nadito na pala ang girlfriend mo. Sige alis na ako." Sabi nito at umalis na.
Anong nangyari dun at Nagmamadali?
Napalingon naman ako sa likod ko at automatic akong kinabahan sa nakita ko. Gusto ko man umalis kagaya ng ginawa ni angela ay hindi ko magawa dahil alam kong mas malalagot ako.
Napalunok nalang ako at nilapitan ang parang galit na si summer..
"Mmm.. kanina kapa?" Kinakabahang tanong ko dito.
"Ano sa palagay mo?" Pag susungit nya at tinalikuran ako. At nag umpisa nang maglakad paalis.
'Aish~~ ano na namang problema ng babaeng ito=_=?'
"Hoyy~~ anong problema mo?" Tanong ko dito.
"Wag mo nga akong kausapin!" Abat... tsk.. napaka talaga nitong babaeng ito.
Naka dating na kami sa kotse at pumasok agad ito sa loob.. kaya pumasok na din agad ako.
Wala pa sila manager dito at kami palang ni summer.
"Tapos na ba ang shooting?" Tanong ko ulit.
"Pano mo malalaman e busy kang makipag usap kung kani kanino."
=_= tumahimik nalang ako dahil alam kong wala akong makukuhang matinong sagot sa isang Ito.
"Okay na ba kayo girls? Uuwi na tayo." tanong ni manager Kim saamin pag kasakay nya. Ngumiti Naman ako at sumagot pero ang katabi ko ay dedma lang..
Nagtatakang tiningnan naman ako ni manager pero umiling nalang ako at nagets naman nya na may sumpong lang ang alaga nya.
Buong byahe ay tahimik lang kaming lahat. Wala manlang kahit isang nagtangkang magsalita dahil alam namin lahat na wala sa mood si summer. 'duh~ mahal pa namin ang buhay namin. Alam kasi naming konting ingay lang ay hindi magdadalawang isip itong itapon kami sa kalsada=_='
Tsk.. napaka bipolar talaga ng babaeng Ito. Kanina lang ay ang saya saya nyang mang asar tas ngayon sobrang badtrip na..=_=
hanggang sa makarating na kami sa bahay ko at binaba na ako nila manager ay di parin ako kinikibo nito..
Nag paalam na ako kila manager kim at kay ate ghela na assistant nito. At nung nagpaalam naman ako kay summer ay isang irap lang ang isinagot saakin!!
Nailing na lang ako habang naglalakad papasok sa bahay.. hayy~~ summer.. Ang lakas talaga ng tama mo... napaka bipolar=_=
.....................
:Jhaydee<3
BINABASA MO ANG
my b*tchy star
Romance"The stolen kiss that change everything" Hate/love chuchu~ :Jhaydee<3