Chapter2: changes..
Keisha POVIsang linggo na ang nakalilipas simula ng mangyari ang 'insidenteng iyon' sa mall pero imbis na humupa na ang issue ay iba ang nangyayari dahil bawat araw ay mas lalong lumalala pa ang nangyayari.
Sobrang kalat na sa buong bansa ang nangyari, maski na din sa ilang bansa.
'Duh, malamang na mangyayari yan keisha dahil isang summer haze ang hinalikan mo.' Puna ko sa sarili ko.
At about naman kay summer, hindi na kami nag kita after nung incident na yun . Kasi sa sobrang kaba ko nun basta ko nalang syang iniwan sa loob ng mall. At after nga nun, nag aabang na ako ng pulis o kung sinong kawatan ang huhuli sa akin. Pero wala, kahit anong balita sa kanya ay wala.
Nakaka pag taka din nawala pang kahit ano mang reaksyon ang ZEROne intertainment, na humahawak kay summer e alam ko pa namang isa sa pinaka asset nila si summer kaya ang weird lang kung hindi nila ipagtatanggol ito.
Hindi rin nila itinanggi na 'may relasyon' kaming dalawa kaya mas lalong nag assume ang mga tao na kami talaga..
Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyari dahil after ng incident na yun, nag bago ng bongga ang career ko.
Nag karoon ako ng maraming ibat ibang malalaking offer ng sabay sabay.. Alam ko naman ang dahilan nun e, dahil yun sa inaakala nilang may relasyon ako sa isang sikat na tao. Maski sa maliit na entertainment na may hawak sakin ay nag iba din lahat ng pakikitungo nila. Pero di ko pa naman yun nalalaman ng personal kasi di ko pa naman sila nakakausap ng personal, sinasabi lang saakin ng bestfriend ko at nababasa ko lang sa mga messages ng mga kasamahan ko.
Yung kung dati , lagi akong sinisita sita ng mga tao doon. Ngayon naman puro papuri ang sinasabi nila=_= na obvious naman na ka plastikan nila. Nag paalam din ako sa management na mag le leave muna ako para pahupain ang issue na agad din naman nilang in-approved . Tsk, kung dati ay pahirapan, at palagi pa nilang sina sabi na wala daw kaming karapatan na mag leave dahil extra lang daw kami=_=
Kaya nga nag tataka ako ng makausap ko ang 'president' ng aming intertainment at sinabing kailangan kong pumunta doon bukas dahil may 'mahalaga' daw makikipag usap sa akin.
Gusto ko sanang tumanggi kasi baka sila summer na ito pero hindi ko na ginawa dahil alam ko naman na hindi ko pwedeng takasan ang ginawa ko..
Basta , bahala na si batman, worderwoman at superman bukas!!
Summer Haze POV
"Isang linggo na ang issue na yan at palala na ng palala yan." Sabi ni mr. M sa manager ko.
"Pero mr M, wala naman masama diba? I mean, para sa akin ang issue nga na ito parang wala lang. Dahil good thing naman ang pinag sasabi ng mga tao sa kanilang dalawa diba?" Sagot naman ng manager ko dito.
"Good thing man yan o hindi, kailangan nyo pa ding isolve yan.. Hindi basta bastang artista yang si summer manager, kaya dapat nating pahalagahan ang image nya!" May pag kainis nasabi nito.Napa tango naman si manager. "Yes president, ginagawan na po namin ng paraan."
Yun lang ang sinabi nito at nag paalam na kami at umalis.. Nag diretso naman kami sa office ni manager na nasa same building lang naman.
"Anong masasabi mo na ngayon summer?" Tanong nito saakin.
Actually, sa aming dalawa ay may mas kapangyarihan ako. Hindi naman sa wala akong galang or something pero matigas kasi ang ulo ko at kung ano man ang gusto ko ay dapat kong makuha..
"You already find her right?" Tanong ko.
"Oo , at naka usap na din namin ang president ng intertainment nya para maconfirm. At tama nga na dun ito nag tratrabaho." Sabi nito.
"Okay, then set my appointment with her tommorow." Yun lang at tumayo na ako.
Pero nung nasa pinto na ako ay bigla nya akong pinigilan. "Wait, may problema kasi...." Sabi nito.
Hinarap ko naman ito. "Ano?" Takang tanong ko.
"Kasi sabi ng president nila ay humingi daw ito ng leave. At di sure kung kelan ang balik." Alanganing sabi nito.
Agad namang kumunot ang noo ko. "So?" Tanong ko ulit.
"So wala sya dahil kailangan naka leave sya."
"Well, problema mo na yun. Basta ang sabi ko, Ipag set mo ako ng appointment sa kanya bukas." Yun lang at iniwan ko na sya..
'Basta bukas, kailangan magka usap na kami.'
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Just damn, ninakaw nya ang first kiss ko! Kainis lang, hayy.. Ewan ko kung counted ba yun as my first kasi diba parang long smack kiss lang naman ang nangyari pero argggh!! Tsk, ewan ko na.
Pero aaminin ko: maganda talaga sya. At sa loob nung isang linggong simula ng nangyari ito ay hindi sya nawawala sa isip ko.. Ewan ko din kung bakit pero, kahit anong gawin ko ayaw talaga e. Hindi ko malaman kung bakit. Kahit anong gawin ko mukha nya padin ang nakikita ko. At ang mga labi nya... Nararamdaman ko padin itong naka dikit sa sarili kong labi..
Sabi ng manager ko ang maganda daw solusyon dito ay ipahanap yung babae at ipakulong . Kaso hindi ko alam kung anong nangyari saakin at pinigilan ko ito. Basta ang alam ko, ayaw ko syang mapunta sa ganung klaseng lugar=_='
Kaya ang isinaguess kong solusyon ay palipasin na muna namin ang isang buong linggo at kapag di parin humuhupa ang issue ay tska nalang kami gumawa ng iba pang solusyon. Nag tataka man sila sa inaasal ko ay walang nag lakas loob tanungin ang kinikilos ko, nako takot lang nilang mabadtrip ako=_= kaya sinunod na nila ito.
Pero ang hindi alam ng lahat ay nag pa background check ako sa isang private investigator at inalam ang bawat detalye sa babaeng yon.
At napag alaman ko ngang keisha santillan ang pangalan nito. We're both 18 at mahirap lang sya. Nalaman ko din na namatay ang mama nya dahil sa kawalan pampagamot , at iniwan naman sila ng ama nila habang nag bubuntis pa ang mama nila sa bunso nila. may dalawa din syang nakaka batang kapatid na sya ang bumubuhay sa mga ito. Nag papatuloy pa din sya sa pag aaral at pag che chef ang kinukuha nitong kurso. Maliban din sa pag extra extra sa kung saan saang movie ay nag tra trabaho din ito sa isang restaurant. At dahil nga sa bakasyon ngayon, ay nadagdagan pa ng isa ang trabaho nito.
Nung nalaman ko ang background nito ay hindi ko napigilan ang hindi humanga. Kase tamo naman , 18 years old palang sya pero ganun na ang sacrifices na nagawa nya. Sobrang nakakapagod ang trabahong ginagawa nya, kaya nasan naman ang puso ko kung magagawa kong ipakulong ito diba?
Hindi ko din maiwasan na hindi mag taka, dahil ayon sa mga information na nalaman ko ay mukha naman itong mabait. At sinabi din na never daw itong na link sa isang babae, pero bakit nya ako hinalikan?
Dahil ba ito sa pangarap nyang sumikat? At ito ang matagal na nyang plina plano.. Pero , hindi e. Kung ito ang pinaplano nya , bakit hindi nya pa tinatanggap ang maraming offers sa kanya? At ngayon nga ay nag tatago lang ito.
Hayy, keisha.. Nililito mo ako masyado.
Basta bukas, lahat ng katanungan ko sa isip.. Kailangan masagot, kaya kailangan mong mag pakita sa akin.. Keisha..
...........
Jhaydee<3
BINABASA MO ANG
my b*tchy star
Romance"The stolen kiss that change everything" Hate/love chuchu~ :Jhaydee<3