Chapter15: enjoying this

36 6 0
                                    

Chapter15: enjoying this
Summer POV:

Kinakabahan ako habang nagda drive papunta sa location ng tapping namin.

'pano ko sya haharapin? Paano ako aakto ngayon? Aissh~ nakakainis!'

Nakapark na ang kotse ko pero wala pa din akong lakas ng loob para lumabas dito.. ano bang gagawin ko?! Nakakainis na talaga.. kinakabahan ako.

'Okay, here goes nothing.' Sinuot ko na ang shade ko at lumabas ng kotse, nagkagulo naman ang mga fans namin na nakaalam na may tapping kami dito. Pero buti nalang at nahandle ito ng maayos ng security.

Kumaway ako at ngumiti sa kanila, meron din akong ilang nabigyan ng autograph at ilang nakapag papicture. "Okay, thanks. But im late and i have to go." Paalam ko at umalis na..

"Summer! Late ka na, kanina kapa namin hinihintay!" Bungad saakin ni manager kim. Nagpaliwanag naman ako at humingi ng tawad.

Umiling nalang sya at sinabing ako na ang next na ang scene ko. "Umupo ka na muna doon sa tent mo, malapit na din matapos si keisha." pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalan nya ay agad bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya habang naglalakad ako papunta sa tent ay wala ako sa sarili ko.

"Cut! good take keisha!" Narinig kong sigaw ni direct "okay.. prepare for the next scene."

Lalo naman akong kinabahan dahil malamang ay papasok na din dito sa tent si keisha. arrghh! Anong gagawin ko? pero bago pa man ako makapag isip ay nakarinig na ako ng yabag at nakita kong si keisha na ito kasama si manager kim at ate ghela. Nag uusap sila about sa ilang scene pero ako ay nakatitig lang sa kanila at walang naiintindihan.

"summer, get ready. Any minute from now ay tatawagin kana." Sabi ni manager at iniwan na kami.

Nakita ko naman ang pag aalangan nitong umupo sa tabi ko habang ako naman ay hindi na halos makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Umm.. hi." Mahinang sabi nito. Hindi naman ako makapagsalita kaya naman tumango nalang ako. 'akala ko ba , any minute from now?! Eh bakit feeling ko 1 year na ay hindi pa din ako tinatawag?!'

"Summer.." tawag ulit nito sa pangalan ko pero naputol ang anu mang sasabihin nya ng biglang may lumapit saaking stuff at sinabing ako na daw.

Tumayo agad ako at nagmamadaling nag paalam bago umalis.

"damn." Bulong ko ng makalayo na sa kanya.

Keisha POV:

pinagmasdan ko ito habang nagmamadaling umalis o mas mabuting sabing nagmamadaling tumakas mula saakin...Napa sandal nalang ako sa kinauupuan ko. 'Bakit naman kasi sinabi ko pa yun kahapon? Yan tuloy ito pa ang nangyari!' Naiinis na sita ko sa sarili ko.

'Ahh, basta! Kailangan kong ibalik yung meron kami.. dahil hindi ko kayang maging ganto nalang kami noh!' Sabi ko sa isip at nag isip na ng plano.. ng biglang may maisip ako^^ 'i hope magwork 'to.'

.........

5:30 na ng matapos ang shooting , at medyo madilim na din. Ganun pa din kami ni summer hanggang ngayon, sinusubukan ko syang kausapin pero lagi itong nakakahanap ng paraan para iwasan ako.

Pero i swear na aayusin ko na ito , as in now na!

"Summer.." tawag ko sa kanya.

"Bakit keisha? Kasi a-----" bago pa man sya makapagdahilan ay pinutol ko na ang anumang sasabihin nya ng hawakan ko ang kamay nya.

"Bawal kang magdahilan dahil sasama ka saakin sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ko sa kanya.

"Pero kasi..." magdadahilan pa sana ito ng samaan ko sya ng tinggin. Napayuko nalang ito at hindi na nagsalita.

my b*tchy starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon