Chapter 25
Shane's POV
Hindi na din pinatagal ni Mark at ng mga magulang ni Pinky ang burol niya at inilibing din agad, dahil na din sa kambal at sa hiling na din ni Pinky. Ika tatlong araw ngayon mula ng ilibing si Pinky naka uwi na din ang kambal na sina Eric and Erika, nandito ako ngayon sa bahay at nag huhugas ako ng pingan na pinag kainan ko ng oats ng marinig ko si Cherry at Mark sa may sala.
"Ate Shane!" sigaw ni Cherry"Nasa kusina ako Che!" sigaw ko naman sa kanya
"Shane, nag tatanong si mama kung bakit hindi ka nag breakfast sa bahay?" silip ni Mark sa kusina
Habang si Cherry naman ay nasa ref at kumakain ng kisses na chocolate,
"Ate Shane!" sigaw na sabi ni Cherry
"Cherry ang ingay mo!" sabi ko sa kanya
"Ate tubig!" sabi nya naman
"Cherry naman nasa tabi mo lang ang dispenser" sabi naman ni Mark
"Hindi kuya! Tubig sa binti ni Ate Shane at ang dami sa sahig!" sabi ulit ni Cherry at sabay kaming tumingin ni Mark sa paanan ko at nanigas ang ubong katawan ko sa aking nakita
"Oh, Cherry nasa sala ang gamit namin ni baby" yan lang nag nasabi ko
"Sandali ihahanda ko ang sasakyan" natatarantang sabi ni Mark at tumakbo palabas ng bahay at pumunta sa kanila
"Ate Shane! wag ka munang gumalaw diyan" sigaw ni Cherry
"Cherry, medyo sumasakit ang tiyan ko!" sabi ko naman sa kanya at narinig ko siyang tumatakbo palapit sa dinning table naka hawak lang ako sa edge ng table dahil medyo pasakit ng pasakt na ang nararamdaman ko sa aking tiyan
"Cherry, Shane asan na kayo?" sigaw naman ni Mark sa labas
"Kuya nasa sala pa kami ni Ate Shane medyo sumasakit na daw kasi ang tiyan niya!" sigaw ulit ni Cherry, bakit ba kasi nag sisigawan kami?
"Nasa loob na ng sasakyan ang gamit mo Shane at nag pa alam na muna ako nina mama kay sila na muna ang bahala sa kambal" sabi ni Mark habang inalalayan akong makapasok sa sasakyan at nasa back seat na si Cherry habang hawak ang bag ko, natawagan ko na din ang OB-GYN ko same lang kami ni Pinky ng OB kaya tumulo nalang ang luha ko na kina taranta ni Mark
"Shane? ayos kalang? May masakit ba sayo?" tanong niya sa akin habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kalsada
"Oo, ayos lang ako na alala ko lang si Pinky, exited siya na makita ang anak niya pati na rin ang akin, ang dami naming plano pero... pero" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumakit na naman nag puson ko "Shane, tinitignan parin tayo ni Pinky kay mag paka tatag ka para sa mga ina-anak ko!" sabi naman ni Mark na kinatuwa ko. Tama siya andiyan lang si Pinky at ginagabyn kami.
Nakarating kami sa hospital ay naka abang na ang OB ko sa akin dineretso na nila ako sa delivery room dahil handa na daw lumabas ang kambal ko, nakakaramdam naman ako ng matitinding sakit sa bandang puson at paninigas ng aking tiyan.
"Shane that's right Shane push, push ,push, okay stop and Breath, breath, and when you feel another contraction push harder." Ginawa ko ang sinabi ni Doctora at ligtas ko naman na iluwal ang kambal ko, una kong nailabas si Sofia huli na si Justine. I felt happy Nakatulog ako ng kaunti dahil na din siguro sa pagod ko kanina"Ate Shane, mabuti at gising ka na" sabi ni Cherry
"Che, asan ang mga baby ko?" tanong ko agad sa kanya
"Nasa nursery room sila ate pinuntahan ni Kuya Mark ang kambal para madala dito sa kwarto mo" sabi ni Cherry at biglang bumukas ang pintuan ng kwartong inuukupahan ko pumasok ang nurse na may tulak na clear na crib at nika ko ang kambal ko na naka higa at mahimbing na natutulog sunod na pumasok ay si Mark na may dalang mga paleles.
"Hello po mommy, ito na po si baby girl and baby boy Villanueva" sabi ng nurse"Salamat sa pag hatid sa kanila dito nurse" pasalamat ko sa nurse nag bilin lang siya na dapat breast feed ang kambal pag nagising, nag bigay din sya nag instruction kung paano ko kakargahin ang mga sanggol pag ka tapos niyang mag bilin ay umalis na din sya.Lumapit naman si Mark sa akin at binigay ang mga papel na hawak niya
"Shane, fill upan mo itong mga papel para sa bith certificate ng mga bata" sabi ni Mark.
"Salamat sap ag kuha nito Mark" hinging pasalamat ko sa kanya
"Ano ka ba, bakit pa tayo naging mag kaibigan?" sabi ulit nito sa akin at tinignan na lang ang kambal na hanggang ngayon ay tulog parin, pinakain na ako ng Cherry at salitan sila ni Mark sap ag babantay sa akin dahil kailangan din umuwi ni Mark para kina Eric at Erika.
Makalipas ang apat na araw naka labas na din kami ng mga anak ko sa hospital, sinundo parin kami ni Mark habang naka alalay sa akin si Cherry na karga-karga si Sofia nasa akin naman si Justine nasa byahe na kami pa uwi at nap ag desisyunan namin ni Mark na sa bahay na niya kami titira hanggang sa mag 2 yrs old ang mga bata, mahirap naman kasi pag tatawid pa kami ng kalsada para mapuntahan ang bahay ng isat-isa, kasama parin namin si Cherry malapit narin naman siyang matapos sa kanyang pag aaral, kinuha kasi siya ni Pinky sa ma pang abuso at lulung sa droga nyang tatay si Cherry kaya legal na primary guardian ni Cherry si Mark, Pinky at ang secondary gruardian naman niya ay ako, para incase na may mag yaring masama sa isa sa amin ay hindi makukuha si Cherry ng kanyang ama na nasa maynila.
"Shane, nalipat na namin nila mama nga mga gamit mo at ng mga bata sa bahay nasa guest room na ang mga gamit mo nalinis na din nila mama iyon." Sabi ni Mark habang nasa kalsada ang mata
"Nakakahiya naman pati si titan a abala ko pa!" nahihiyang sabi ko sa kanya
"Wag kag mag alala mga mga katulong si mama sap ag kuha ng mga gamit mo, well wala pala siyang ginawa kundi ang mag utos sa mga katulong" natatawang sabi ni Mark. Natawa na rin ako dahil kahit nasasaktan parin sit sa pagkawala ni Pinky ay nagagawa na niyang mag biro.
"Si tita talaga" sabi ko nalang at ilang minute lang ay naka rating nakami sa bahay.
Binuksan ko ang pintuan ng bahay at laking gulat ako "Welcome home Shane, Baby Sofie and Baby Justine" sabi ni Mama at Papa kasama ang mga katulong nila nag handa sila ng kaunting salo-salo may tarpaulin din na ang naka lagay ay Welcome home baby Eric,Erika, Justine, Sofia and Shane, We love you always Pinky! Naluha ako sa inihanda nila para sa amin niyakap naman ako ng mama ni Pinky at tinignan ang karga kong baby na si Justine
"Shane, oaky lang ban a ituring din namin silang apo?" sabi ng mama ni Pinky at hinaplos ang pisngi ni Justine
"Opo, wala naman pog problema sa akin poi yon" masayang sabi ko naman
"Talaga hija?" sabi naman ng Papa ni Pinky
"Oo naman po" sabi ko sabay ngit
"Nako apat na ang apo natin" masayang sabi ni tita.
"dadalaw kami parati dito para makita namin ang mga bata" dugtong niya ulit
Kumain na kami at nasa sala ang apat na binabantayan ng mga katulong ni tita habang kumakain kami.
"Nga pala uuwi na kami bukas may kailangan akong asikasuhin sa hacienda urgent din kasi" sabi ni tito
"Okay lang pa, salamat po sa lahat ng tulong sap ag alalaga sa mga bata at pati na rin sa pag aasikaso sa libing ni Pinky na dapat ako ang gumagawa bilang asawa niya." Sabi ni Mark na may halong lungkot sa mga huling sinabi
"Ayos lang Mark na intindihan ka namin at isa pa pamilya tayo sino-sino pa ba ang mag tutulungan kundi tayo lang." sabi ni tita.
Kinabukasan umalis ng maaga sila tita at tito para maka iwas sa traffic kaya kami na lang tatlo ang na iwan kasama ang apat na mga sanggol. This will be our life starting today.
Bantay mo kami palagi Pinky.Salamat din sa lahat aalagan at mamahalin ko sila Eric and Erika na parang akin.
--------------------------------
comment and voteEnjoy reading :)
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant? and it's a Twins?!(EDITED)
Ficção AdolescenteThis story will be edited because I find the story not connecting from the prev. charpters, please bare with me my readers. Love lots Shane Villanueva Single/NBSB (pero maraming manliligaw) Maganda, matalino, ulilang lubos, nag tra-trabaho sa Dela...