Chapter 140 - 06.13

1.2K 60 139
                                    

June 13

"Jagiya naman," bulong ni Wonwoo habang hinihintay na sagutin ang tawag niyang ewan ko pang-ilan na... Pero binaba ito ni Mingyu. "Kim Mingyu!" Sigaw ni Wonwoo.

Tinawagan niyang muli si Mingyu, ilang ring lang din ay binaba na naman ito.

"Ya!" Sigaw ni Wonwoo sa telepono, as if maririnig ni Mingyu ang sigaw niya.

"Hoy, Wonwoo! Mag-aala dos na, hindi ka pa rin ba kakain?! Magpapakamatay ka na ba?! May lubid ako dito, tangina!" Biglang sigaw ni Yeonwoo sa anak na nasa labas ng kwarto nito.

"Opo! Huwag kayong mag-aalala, may blade ako dito, hindi kita aabalahin kapag magpapakamatay ako," walang ganang sagot ni Wonwoo sa ina.

Padabog na binuksan ng ina ang pinto, revealing the furious face of Yeonwoo.

"Anong problema?" Tanong ni Wonwoo sa ina.

"Anong 'anong problema'?!" Sigaw ni Yeonwoo.

"Minura mo 'ko, malamang may problema ka," seryosong obserbasyon ng anak.

"W-Wala..." Mahinang sabi ni Yeonwoo. I just hate seeing you locking yourself in here while the reason you're doing this was out there... With someone else. "Nag-aalala lang ako sa 'yo."

"Hindi ako mamamatay, Ma," sabi ni Wonwoo.

"Alam ko," sabi ni Yeonwoo saka umupo sa tabi ni Wonwoo. "Si Mingyu... Nagpaparamdam pa rin ba?" Tanong nito.

Napayuko si Wonwoo, at umiling. "Pupuntahan ko na lang nga 'yon mamaya sa bahay niya... B-Baka may sakit na naman 'yon, at h-hindi ako matawagan..." Pero binababa niya mga tawag ko.

"Ara... Kumain ka na," sabi ni Yeonwoo sa anak, na siyang tinanguan nito.

"Mamaya na..." Sabi ni Wonwoo, saka tumayo, at hinila rin ang ina patayo. "Kaya sige na, lumabas ka na," dagdag nito, at tinulak ang ina palabas ng kwarto.

"Y-Ya!" Sigaw ni Yeonwoo sa anak, pero kaagad na ni-lock nito ang pinto nang maitulak na ito palabas. "Hoy, Jeon Wonwoo!"

"Mamaya na!" Sigaw ni Wonwoo.

Kaagad niyang kinuha ang telepono saka tinawagan si Jeonghan.

---

Dialing Yoon O:)...
00:00

"Hello~"

"Hyuuuuuuuung!!!"

"Huwag kang sumigaw, please lang. Ano ba 'yon?"

"M-May balita ka ba kay Mingyu?"

"... Orange na buhok niya. Bakit?"

"Orange?!"

"Ne... B-Bakit? Hindi mo pa ba nakikita?"

"... Bagay ba?"

"... Hehehe."

"I get it. Mukha siyang orangutan."

"Ya! H-Hindi naman sa gano'n... Pero, pffft. Hahahahahahaha — Ano kasi..."

"Ano?"

"Sobrang bright nang buhok niya... Kaya n-nakukuha no'n ang brightness ng mukha niya — Pft, hahaha."

"Tangna mo, Yoon. At kailan pa naging bright ang mukha niya?"

Dear Mingyu ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon