July 17
Happy birthday sa akin... Huling birthday ko na siguro 'to.
Sabi ng doktor kanina hinay-hinay na akong namamatay. Dapat maging masaya ako, 'di ba? Kasi malapit na ang pahinga ko. Pero bakit gano'n? Bakit ako umiiyak ngayon?
Dapat maging masaya ako kasi magkikita na kami ni bes Kamatayan... Kasi sa wakas magiging manhid na rin ang buong katawan ko, at wala na akong mararamdamang kahit anong sakit, o kirot. Pero bakit nasasaktan ako? Parang gago lang, e, 'no?
Ah, siguro dahil mamamatay na lang ako hindi ko pa rin naaayos ang kung anumang nangyari sa amin ni Mingyu... Mamamaalam na lang ako hindi ko pa rin siya nakakausap.
Nararamdaman ko nang kaunti na lang talaga ang oras ko, kailangan ko nang kausapin si Mingyu, pero hindi ko alam paano... Lalo na't nakakulong ako dito sa kwartong 'to.
Paano ba 'to... Kung mamamatay na ako, sana man lang malinaw ko sa kanya lahat... At kapag sa oras na malalaman niya na ang lahat, at hindi pa rin siya babalik... Diyan, pwede na akong sunduin ni bes.
WONWOO
BINABASA MO ANG
Dear Mingyu ∞ MEANIE
FanfictionWill you still love the person with the deepest, darkest secret from the past which turned your present? DEAR SERIES #2 SEVENTEEN Fanfic | MEANIE Epistolary | tryxea_