May 26
"Bakit ba ang tagal mo?!" Sigaw ni Jeonghan kay Seungcheol nang hininto ang motor niya sa tapat ng gate ng bahay ni Jeonghan.
"Naubusan ako ng gas, kaya dumaan muna ako sa gasoline station," paliwanag naman ni Seungcheol.
"Ara, ara," sabi ni Jeonghan, saka kaagad na sumakay sa motor ni Seungcheol, pinwesto ang sarili sa likuran nito.
Ilang minuto lang din ay nakarating na sila sa pamamahay ng mga Jeon. They pressed the doorbell, ringing it. Wonwoo quickly got up, and ran out of the house.
"Pasok," sabi nito nang nabuksan ang gate.
Pumasok din naman sina Jeonghan, at Seungcheol, saka naman ni-lock uli ni Wonwoo ang gate sa likod nila.
Sumusunod lamang ang dalawa kay Wonwoo na dire-diretsong pumasok sa bahay. Nang makasalubong nila ang ina ni Wonwoo ay kaagad na nag-bow ang Jeongcheol bilang respeto.
"Annyeonghaseyo," bati ni Yeonwoo sa mga bata.
"Ma, si Jeonghan," pagpapakilala ni Wonwoo saka tinuro si Jeonghan. "At si Seungcheol," dagdag nito saka tinuro rin ang katabing si Seungcheol.
"Seungcheol? Siya ba 'yong nasuntok mo?" Gulat na tanong ni Yeonwoo, at tinitigan si Seungcheol na kaagad namang iniwasan ng tingin nito.
"Sinuntok," pagkoreksyon ni Wonwoo.
"Aba — Kay gwapong bata, sisirain mo mukha niyan?" Pangangaral ni Yeonwoo sa anak.
"Gwapo?! Saan banda?" Tanong ni Wonwoo, at tiningnan si Seungcheol, hinahanap kuno ang anggulong 'gwapo' kay Seungcheol.
Hoy, huwag mong ginagan'yan daddy ko, ha.
Inirapan lang ni Yeonwoo si Wonwoo, at tiningnan na lang si Seungcheol. "Pagpasensyahan mo na anak ko, Seungcheol."
Ngumiti si Seungcheol. "Sanay naman po akong sinasaktan."
Kaagad na napalingon si Jeonghan kay Seungcheol nang may nanlaking mga mata. "Kagaguhan?" Patanong na komento ni Jeonghan.
"O, bakit?! 'Di mo ba ako sinasaktan?" Nakangusong tanong ni Seungcheol.
"At kailan pa kita sinaktan?!" Sigaw naman ni Jeonghan sa kasintahan.
"Kanina nga ni-reject mo 'ko," saad ni Seungcheol, at napahawak sa dibdib, kuno nasasaktan.
"Anong ni-reject?! Usapan natin, 'di ba? Walang date hangga't 'di mo tatapusin 'yang thesis mo," sabi ni Jeonghan, at siniko si Seungcheol.
"Tama na nga 'yan, tangina," mura ni Wonwoo. "Ang landi-landi niyo, akyat na sa taas. Pumunta kayo sa kwarto ko, susunod ako kaagad," dagdag nito, saka humakbang palapit kina Jeonghan, at Seungcheol. "Huwag gumawa ng kababalaghan, ayokong mabahiran ng kahit anong kagaguhan ang kwarto ko. Algetni?!"
"Hoy, anong kababalaghan? Mabait kaya kami," sabi ni Seungcheol.
"Mabait niyo mukha niyo!" Sigaw ni Wonwoo. "Akyat na. Maghahanda ako ng makakain niyo nang hindi niyo kainin isa't isa," sabi nito.
"Wonwoo!" Saway naman ni Yeonwoo sa anak.
"Ano? Malay mo ano na ang ginagawa nila do'n sa kwarto ko, may masasapak talaga ako," sabi ni Wonwoo, saka dumiretso sa kusina.
Ngumisi si Yeonwoo, at napailing. "Sige, akyat na kayo. 'Yang kwarto sa kanan, kanya 'yan," sabi nito. "Pagpasensyahan niyo na lang anak ko."
Ngumiti si Jeonghan kay Yeonwoo. "Sanay na kami, Eomma ni Wonwoo," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Dear Mingyu ∞ MEANIE
FanficWill you still love the person with the deepest, darkest secret from the past which turned your present? DEAR SERIES #2 SEVENTEEN Fanfic | MEANIE Epistolary | tryxea_