July 25
"W-Wonu..."
"Hi~" masiglang bati ni Wonwoo kay Mingyu, at ngumiti nang napakalawak.
Yumuko si Mingyu, at mapait na tumawa. "Stop daydreaming, Gyu," bulong niya sa sarili.
Wonwoo chuckled. He reached out his hand, and held Mingyu's chin, then lifted it.
"Ya," Wonwoo said.
Mingyu stared at Wonwoo. He's now frozen. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya - Oh please... Stop acting as if this is your first time imagining he is alive.
Mingyu moved his head, making Wonwoo's hand let go of his chin. Then he shook his head.
"No, pinapaasa mo na naman sarili mo," bulong ni Mingyu sa sarili niya.
"M-Mingyu -"
Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Mingyu. Napatingin siya rito, at may tumatawag... Pero unknown number.
Sinagot niya ito, at pagsagot na pagsagot niya ay kaagad na isang sigaw ang narinig niya.
"MINGYU-SSI!!!"
"Hello."
"Hoy, gago ka! Kilala mo pa ba ako?"
Saglit na napatingin si Mingyu kay Wonwoo, pero binawi rin ito kaagad nang mapansing nakatitig din si Wonwoo sa kanya.
"Hehehe. Who you?"
"Aba, gago 'tong lalaking 'to, a! Hoy, Mingyu!"
"Jeonghan hyung?!"
"Lakas ng loob mong kalimutan ako, a?!"
"Jeonghan hyuuuung!!!" Sigaw ni Mingyu na sobrang lakas, sa sobrang lakas napatingin sa kanya ang ibang nasa loob ng ice cream shop.
Tumawa nang mahina si Wonwoo dahilan para mapatingin si Mingyu sa kanya.
Napalunok si Mingyu nang marinig ang tawang 'yon. Parang may kung anong elektrisidad ang dumaloy sa kanya. Tangina, tumatawang multo.
"Hahaha. Kamusta na, Gyu-ssi?"
"Okay lang naman, hyung. Kamusta? Nga pala, saan mo nakuha number ko?"
"Okay lang din. Hahahaha. Kinuha ko do'n sa pinsan mo. Teka - Pinsan mo ba talaga 'yon?"
"Oo. Bakit?"
"Hahaha, ang layo ng mukha niyo. Ang cute-cute niya, tapos mukha kang..."
"Sige, hyung, tapusin mo 'yan, at susugurin kita."
"Ikaw dapat susugurin ko, e!"
"H-Ha?"
"Nasaan si Wonwoo?!"
"W-Wonwoo?"
"Bakit?" Napatinging muli si Mingyu kay Wonwoo nang magsalita ito.
"Oo."
"'D-Di ba... P-Patay na si Wonwoo?"
"Mukha ba akong patay sa paningin mo ngayon, Gyu?!" Tanong ni Wonwoo, pero 'di ito pinansin ni Mingyu.
There's something inside Mingyu pushing himself not to believe. Wonwoo was dead long ago, why would he be alive all of a sudden?
"Si Wonwoo 'yon, 'di ba?!" Tanong ni Jeonghan sa kabilang linya.
"Naririnig mo ang multo?!" Gulat na sabi ni Mingyu.
"Aba - tangina mo, Mingyu," sabi ni Wonwoo, at umirap.
BINABASA MO ANG
Dear Mingyu ∞ MEANIE
FanficWill you still love the person with the deepest, darkest secret from the past which turned your present? DEAR SERIES #2 SEVENTEEN Fanfic | MEANIE Epistolary | tryxea_