Chapter 173 - 07.12

1.3K 59 31
                                    

July 12

"Wonwoo!" Sigaw nina Seungcheol at Jeonghan nang sabay, saka dali-daling tumakbo palapit kay Wonwoo.

"W-Wonwoo-ya!" Sabi ni Seungcheol, at mahinang tinatapik ang pisngi nito.

"Wonwoo, gumising ka," sabi ni Jeonghan.

But there was no response from Wonwoo. His eyes were shut closed. He fainted again.

Dali-daling kinuha ni Jeonghan ang telepono, at tumawag ng ambulansya, na mabuti na lang ay kaagad na rumesponde.

Kaagad na hinatid si Wonwoo patungong ospital, at pagdating na pagdating sa ospital ay pinaalam ni Jeonghan ang kalagayan ni Wonwoo sa ina nito.

Sinubukan niya ring tawagan si Mingyu pero it's either hindi niya sinasagot, o binababa niya ang tawag.

Jeonghan was starting to panic, so does Seungcheol, but he tried to calm himself. If he'd panic with Jeonghan, who would calm the atmosphere?

"K-Kumalma ka, baby..." Sabi ni Seungcheol, at niyakap si Jeonghan, saka hinihimas-himas ang likod nito.

"S-Si Wonwoo... O-Okay lang siya, 'di ba?" Nauutal na tanong ni Jeonghan, saka niyakap din si Seungcheol.

"He's strong. Hindi siya mapapano," he assured.

"K-Kung ganito lang mangyayari... Sana hindi na ako nagpumilit na ilabas siya. Kasalanan ko 'to, e," bulong ni Jeonghan.

Hinigpitan ni Seungcheol ang yakap niya kay Jeonghan, at pinatong ang baba sa balikat nito.

"Sshh. Don't blame yourself. Neither of us knew this would happen, okay?" Bulong ni Seungcheol. "Wala kang kasalanan dito. All you wanted was to cheer Wonwoo up."

"C-Cheollie, kinakabahan ako..."

"So am I. Pero kailangan nating manatiling positibo, baby. At alam kong kaya niyang lumaban. He's one tough stubborn guy."

"S-Si Mingyu..." Bulong ni Jeonghan. "Kailangan niyang malaman ang tungkol dito... W-Wonwoo needs him —"

"And do you expect him to come right at this moment where he just turned his back on him... Again?" Tanong ni Seungcheol na siyang nagpatahimik kay Jeonghan.

Jeonghan buried his face against Seungcheol's chest, feeling his heartbeat, and Seungcheol feeling his, too, so fast.

"Kumalma ka na, baby..." Bulong ni Seungcheol, saka hinalikan ang ulo ni Jeonghan. "Everything will be fine."

Tumango lang si Jeonghan bilang sagot kay Seungcheol. Kumalas si Seungcheol, hinila ang kasintahan sa upuan, at magkatabi't magkahawak-kamay na umupo.

Ilang minuto rin nilang hinintay ang ina ni Wonwoo na kaagad silang sinalubong na ang mga mata ay lumuluha.

"W-Wonwoo!" Sigaw nito nang makita ang anak sa hospital bed na natutulog.

Kaagad na napatayo sina Jeonghan, at Seungcheol saka nag-bow nang kaunti.

"T-Tita..." Mahinang sabi ni Jeonghan.

Dear Mingyu ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon