Luha

75 0 0
                                    

Habang pinupunasan mo ang luha ko
Sabi mo wag na kita iyakan
Gusto kong sumunod kasi sayo nanggaling yun
Pero patawad mahal ko
Hindi ko masusunod ang sinabi mo sakin
Hindi ko mapigilang maisip
Hindi ko mapigilang malungkot
Sobrang mahal na mahal kita
Kaya hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako
Araw-araw
Umaga, hapon, gabi, o madaling-araw
Iniiyakan kita
Mukhang nagbibiro ako pero totoo ang sinasabi ko
Kung pera lang ang kapalit ng bawat patak ng luha
Siguro, naliligo na ako sa pera
Minsan naiisip ko
Hindi mababalik ng pag-hagulgol ko ang kung ano mang meron tayo noon
Hindi mabalik ng luha ko ang pagmamahalan nating dalawa
Hindi ka niya mababalik sa akin

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon