Sana

69 0 0
                                    

Sana tumigil nalang ang oras, sa mga oras na kasama kita
Sana lagi kang nasa tabi ko habang nanonood tayo ng mga pelikula
Sana kayakap mo ako palagi habang tayo'y nakahiga
Sana lagi kong naririnig ang tawag mo sa akin
Sana lagi kong nararamdaman ang tingin ng mga mata mo tuwing nagkwekwento ako
Sana lagi mong hinahalikan ang noo ko at sinasabing "mahal kita"

Sana lagi kong nakukurot ang abs mo na lagi kong inaasar at sinasabing "taba yan"
Sana lagi kong nahahawakan ang kili-kili mo at sinasabing "patingin nga", dahil isa rin ito sa kulitan natin
Sana lagi kong nakakagat ang mga braso at mukha mo, dahil doon ko pinapakita na mahal kita
Sana lagi ko rin natititigan ang mata mo, ang mata mo na may lamang pagmamahal
Sana lagi ko ring napipisil ang ilong mo, dahil yun ang paborito ko sayo
Sana lagi kong naaasar ang iyong bigote at kulay mo, dahil ito ay isa sa mga minahal ko sayo
Sana lagi ko ring nahahalikan ang iyong mga labi, at nabubulong na "Mahal kita"

Sana pinanghawakan mo ang mga pangako mo sa akin
Sana hindi ka nagpahawa sa mga taong nasa paligid mo
Sana hindi ka na naghanap ng iba pa
Sana nakuntento ka sa akin
Sana ikaw pa rin yung taong minahal ko
Sana hindi pa siya nawawala
Sana bumalik ka sa dati

Sana masaya pa rin tayo
Sana nagagawa pa rin natin ang mga bagay na nagagawa natin noon
Sana nagkakausap pa rin tayo at nagkwekwentuhan tungkol sa araw natin
Sana pwede pa rin kita tawagan at sabihin na "miss na kita"
Sana pwede ko pa rin sabihin ang nararamdaman ko na mahal pa rin kita
Sana pwede tayo bumalik sa dati
Sana tayo pa rin
Sana ako pa rin ang taong gusto mong pakasalan
Sana ako pa rin ang mahal mo
Sana

Pero hanggang sana nalang ang lahat


-lostysa

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon