Salitang Nakalimutan

69 0 0
                                    

Humingi ako ng pabor sayo noon
Kung nagkakagusto ka na sa iba
Sabihin mo na sa akin kagad yung totoo
Hiniling ko yan para hindi ako gaanong masaktan
Sa mga bagay na pwede mangyari
Sabi mo sa akin, seryoso ka
Seryoso ka na ako ang babaeng gusto mong pakasalan
Pinaniwalaan ko yun
Pinaniwalaan ko kasi alam kong mahal mo talaga ako
Pero ano nangyari?
Nakalimutan mo ang hiling ko sayo
Nakalimutan mo ang sinagot mo sa akin
Nakalimutan mo na sabihan ako
Nakalimutan mo na ako yung babaeng gusto mong pakasalan
Nakalimot ka

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon