Alam kong naiinis ka sakin minsan
Dahil palagi akong merong tanong
Pero iniisip mo ba ako?
Iniisip mo ba kung okay lang ba yung araw ko?
Iniisip mo ba kung nahihirapan ba ako?
Iniisip mo ba kung masaya ako ng wala ka?
Iniisip mo ba kung nakakatulog ba ako sa gabi?
Iniisip mo ba kung iniiyakan ba kita?
Iniisip mo ba kung namimiss kita?
Iniisip mo ba kung mahal pa rin kita?
Iniisip mo ba na sana pwedeng bumalik nalang sa dati?Kasi ako, iniisip kita palagi
Kahit sabi nila wag na kita isipin
Kasi hindi mo daw ako iniisip
Kasi wala ka na daw pakielam sa akin
Totoo ba ang sinasabi nila?
Ayokong maniwala o makinig sa sabi ng iba
Kahit nararamdaman ko na tama sila
Magpapakatanga ako
Hangga't marinig ko ang mga kasagutan galing sa bibig mo
Mahal mo pa ba ako?-lostysa
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
PoesíaAng mga tulang ito ay nabuhay dahil sa lalaking minahal ko ng sobra.