Tanga

33 1 0
                                    

Tinanong mo ako
"Baby ano ang gagawin mo kapag niloko kita?"
Hindi na ako nag-isip at sinagot ang tanong
"Edi iiwanan kita."

Hindi ko alam na kakainin ko lang ang mga salita ko
Hindi ko akalain na magiging ganto ako
Hindi kailanman naisip kong magpapakatanga ako
Dahil lang sa pag-ibig

Pero habang binabasa ko ang mga text ko sayo noon
Na hindi mo nabasa at hindi mo mababasa
Dahil not delivered ang mga ito
Sinend ko ito nung ika-dalawampu't lima ng Agosto
Gabi na galit ako sayo
Dahil sa picture niyo ng BFF mo
Humihingi ako ng tawad sayo dahil nagalit ako
At nagbitaw ako ng mga eksaktong salita
"Pero okay lang kung sayo ako magpakatanga."
Wala akong ideya na paninindigan ko ang mga salitang ito

Kaya eto ako ngayon
Nagpapakatanga pa rin sayo


-lostysa

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon