What the hell! Heck no! Ayoko! Hindi pwede! Bahala sila diyan! Kahit hindi na kami magpansinan! Ayoko! Ayoko! Ayoko!
"No!"
"Mhari naman. Sasali ka lang naman sa Mr. And Ms. Brent eh. Dali na. Mhari." -Mysty
"No."
"Mhari, napaka dali lang nun. Magalalakad ka lang tapos magpeperform, sasagot, etc. kayang kaya mo yun. Ayaw mo nun, pagkasumali ka dun madadagdagan yung points mo para sa pagiging valedictorian mo. Tapos makakabawi ka na din dun sa ginawa mo nung Friday."
"Oo nga." -Jacob at Ethan, aba at sabay pa talaga sila.
"Pagiisipan ko! Bahala na nga kayo dyan." -ako
After kong sabihin yun nagwalk out na ako papunta sa room namin. Tutal tapos na din naman na yung assembly. Tama naman si Mysty eh, pagkasumali ako doon madadagdagan yung points ko para sa pagiging valedictorian ko. Tapos makakabawi pa ako dun sa ginawa ko nung Friday. Hayy bahala na nga.
After ng tatlo naming subjects, kinausap na ako ni Mysty haha did rin nakatiis. Maglulunch na kasi eh after ng class ni Mrs. Bernardo.
"Mhari!" -Mysty
"What?" -ako, haha akala niya di ko siya matitiis ah. Binabaan ko na nga yung pride ko kanina para magsorry tapos ngayon ganun pa gusto pa nila akong pasalihin ng Mr. And Ms. Brent. Tsk.
"Anong what! Di ka pa ba nakakapag decide?"
-Mysty, nangiinis ba talaga to? Haha ako din mangiinis, nagiisip pa nga yung tao eh.. Hindi makapaghintay. =____="Nakapagdecide na ako." -ako
"Talaga? 0___0 ano? Sasali ka na ba?" -mysty
"*nakakalokong ngiti* Nope. I won't join that shitty pageant." -ako, haha akala mo ah. Di pa nga kasi nakakapagdecide yung tao eh. Alam ko na kung anong sunod na sasabihin nito hahaha.
"Arrrgghhhhh!! Bahala ka na nga dyan! Wag na wag mo kong kakausapin galit ako sayo!" -Mysty, Hahahaha I knew it. Lagi naman siyang ganyan eh. Malamang susunod yung dalawa.
"Oo nga! Galit kami sayo." -Jacob at Ethan, sabi ko na nga ba eh hahahaha.
After nun umalis na sila. Aba pati si Blake?! Eh siya nga may kasalanan nito eh tapos may gana pa siyang magalit din saakin?! Arrrrgghh! Bahala na nga! Sasali na nga lang ako!
Pagkatapos nila akong iwan nagpunta nalang ako ng rooftop. Wala kasing madalas na pumupunta dito kaya dito ko naisipang tumambay. Habang papunta ako ng rooftop andaming naghahi saakin, di ko nalang sila pinapansin. Sanay naman na siguro sila. Ganon naman kaming lima eh kami na siguro ni Blake yung pinaka mabait haha. Lalo na si Blake, hindi namimili ng kausap yun eh. Di siya kagaya nung kapatid niya. Ano ba tong naiisip ko?! Hayy nako.
Nandito na ako sa rooftop ng school namin. Hayyy ang sarap dito, walang tao at Sobrang tahimik. Eto lang naman yung buhay na gusto ko eh. Simple lang. Kasi yung buhay namin ngayon sobrang hirap. Kailangan laging may nakabuntot sayo. Alam ko naman na may hinire si mom and dad na "hidden bodyguards" daw. Kaya alam nila lahat ng galaw ko except nalang pagka nasa condo ako. Sabi nga nung iba ang swerte, swerte ko daw kasi lahat na daw meron saakin, pero sa tingin ko mas maswerte pa sila kaysa saakin, kasi yung sakanila sakto lang na pamumuhay ang meron sila, hindi sila mayaman at hindi din sila mahirap. Ang akala kasi nila basta mayaman, masarap na ang buhay, ang hindi nila alam sobrang hirap din. Hayyy makatulog na nga lang. Bakit kasi kung ano ano nanaman naiisip ko eh.
YOU ARE READING
Unexpected Love (on going/slow update)
General FictionThis story is about a girl named Mhari. Hindi siya simple. She's living the life we've all dreamed of. Yung buhay na akala natin walang complications, yung buhay na akala natin napakasaya, yung buhay na akala natin perfect kaso hindi pala. Maraming...