Chapter 17

20 2 3
                                    

Matagal na pala nilang alam. Grabe, grabe talaga. Inilayo ko muna sakanila si dad at kuya para makausap ko sila privately and then pagkalayo ko sakanila, kuya started explaining.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayong magiingat ka kasi may private investigators sila mom? Hahaha! Di ka kasi maingat eh ayan tuloy nalaman." -Kuya

"Eh? Aren't you mad at me dad? I broke the only rule that you told me." -Ako

"No. I'm not mad at anyone. I'm not mad because I saw that you're happy with Jairus. Magagalit lang naman ako kung sasaktan ka ni Jairus." -Dad

"Pero bakit hindi niyo sinabi saamin na alam niyo na pala dad?" -Ako

"Because we're just waiting for you to have the guts to tell us." -Dad

"Natatakot po kasi ako sa magiging reaksyon niyo dad eh." -Ako

"You know I love you Mhari. You're my only daughter that's why I treasure you so much."
-Dad

"So ibig sabihin ba niyan dad kinancel mo na din yung pagkakaaranged marriage ko?"
-Ako

"No anak. I'm so sorry. That's already settled wala na talaga akong magagawa para doon. Pero pwede kitang pabayaan na gawin kung anong gusto mong gawin. Kung gusto mong mag boyfriend then you could."
-Dad

"Okay dad. Thank you." -Ako, sa totoo lang? Di pa sapat yun eh. I really don't want that arranged marriage thing. Ayoko nun. Pero what could I do? It's all settled. Hihintayin nalang talagang grumaduate ako ng college para makilala ko na siya.

After that little talk with dad and kuya. Nagpasukat nalang kami ni Jao ng isusuot namin para sa pageant. She's mom and tita Eliza's favorite designer. Sobrang gaganda ng works niya kaya naman hindi na ako nagtaka nang siya ang nakita ko dito. After niya kaming sukatan ay nagdesisyon kami na dito nalang mag dinner kila tita Eliza.

While waiting for the dinner to be cooked, nagdecide kami ni Jao na pumunta doon sa garden nila.  Medyo madilim na din kaya naglatag nalang kami ng cloth sa may grass tapos doon kami humiga. We just talked while looking at the sky full of stars.

"I was really planning to tell them a while ago pero alam na pala nila." -Ako

"Why didn't you tell me? Natulungan sana kita in case na hindi pa nila alam." -Jao

"Their my parents Jao. Alam kong hindi sila magagalit saakin. I've known them for so long. They'd probably be mad for a day or so but as the time passes by, mawawala din yun." -Ako

"*sigh* Thank you Mhari." -Jao

"For what?" -Ako

"For being with me kahit na alam mong bawal." -Jao

"Jao, una sa lahat, dapat ako yung nagtethank you sayo. Thank you kasi hindi ka nawala sa tabi ko since the day you saw me crying." -Ako

"I'm gonna tell you the reason why I never left you." -Jao with a smile on his face

I just gave him an "I'm listening go ahead" face

"I never left you because the first time I saw you cried was the time I fell inlove with you. At first akala ko I just liked you. Pero nung nakita kita dun sa may shore? Hindi ko na alam yung nararamdaman ko. I instantly felt my urge. The urge to comfort you. I tried to stop that urge pero wala hindi ko napigilan. Alam mo kung bakit hindi ko napigilan? Kasi alam kong may problema ka, may problema yung taong gusto ko." -Jao

"I slowly walked by your way. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko. Nang makalapit ako sayo ay agad kong inabot yun. I knew that you would reject my offer kaya naman umupo ako sa tabi mo and insisted for you to get my hanky. The moment na kinuha mo yung panyo ko dun na ulit magsimulang bumilis yung tibok ng puso ko. I grabbed the opportunity to talk to you kasi I don't have the guts to talk to you at school. Kasi akala ko takot ka sakin kasi I'm the certified bad boy sa school na laging nakikipagaway. Pero I was wrong kasi you still talked to me." -Jao

"And take note, we became closer to each other." -Ako

"I know. And then I courted you. Pero sabi mo hindi ka pa ready na magkalovelife ulit. Pero naintindihan ko yun dahil nga sobra kang nasaktan. Hanggang sa you already felt the same for me and then eto na, tayo na. Alam mo ba na ako ang pinaka masayang tao nung sinagot mo ako?" -Jao

"Bakit naman?" -Ako

"Kasi yung taong matagal ko nang hinihintay sa wakas sinagot na ako. It's actually like a dream come true." -Jao, yiiii kinikilig akoo, nagiinit na talaga yung pisngi kooo..

"Tsk ang cheesy kadiri. Nakakabakla yan pre. Baka bukas saakin ka na mainlove." -Kuya, panira talaga ng moment to.

"Tsk panira ka pre." -Jao

"Haha ready na yung pagkain sa loob eh. Tara na?" -Kuya

"Kanina ka pa ba diyan?" -Ako

"Yup. Pero wag kang mag alala Mhari. Yung huling sinabi lang ni Jao ang narinig ko haha. Tara na sa loob, kanina ka pa namumula diyan mhari haha. Ganun ba talaga ka sweet yung mga pinagsasabi ni Jao sayo? Sayang naman hindi ko narinig.*sad face*" -Kuya

Nakakainis talaga to si kuya kahit kailan =__=. Pagkatapos nung paninira ng moment ni kuya, pumasok na kami. No choice eh. Pag pasok namin ay naka ready nang kumain sila mom, dad, tita Eliza, at tito John(dad ni Jao) sa may dining area. Umupo na din kami, nasa gitna ako ni Jao at ni kuya. For the past few hours kumain lang kami habang nagkwekwentuhan ulit. I really enjoyed this day. Aside from the fact na alam na pala nila mom and dad, ay pinakilig pa ako ni Jao ng sobra.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagdesisyon na sila mom na umuwi na kami kasi medyo gabi na daw. Me and my brother were on the same car while si mom and si dad naman ang magkasama. Nagpasoundtrip lang si kuya habang bumabiyahe. Si kuya naman todo kanta na haha. Maganda naman ang boses ni kuya ha pero nakakasawa na hahaha.

Buong biyahe kumanta lang si kuya hanggang sa nakarating na kami sa unit ko. Dito na kasi ako nagpahatid ka kuya kasi medyo malapit lang naman ito sa bahay nila Jao. At tsaka dito din kasi ako susunduin ni Jao bukas.

Pagkaakyat na pagkaakyat ko ay may nakita akong lalaki na nakatalikod sa may tapat ng unit ko kaya naman hindi ko makita yung mukha niya. Naka formal attire yung lalaki na parang kakagaling lang yata sa office. Nung malapit na ako sakanya ay bigla naman siyang humarap.

"Oh sht."

Unexpected Love (on going/slow update)Where stories live. Discover now