TRIANA'S POV
"wake up sleepy head"- pukaw sakin ni kuya habang tinatapik ako sa balikat..
"kuya naman eh! gusto ko pang matulog, just give me 5 minutes, please?"- reklamo ko habang nakadapa at tinatakpan ang mukha gamit ang unan. hindi na nangulit si kuya, pero akala ko lang yun!
"hindi ka pala babangon princess ha, magsisi ka!"- kuya sabay buhos sakin ng malamig na tubig
"KUYAAAAAA!!! YOU ALIEN MONKEY, WHAT HAVE YOU DONE?"- napatayo na ako agad habang nanginginig dahil sa lamig nang tubig na binuhos ni kuya..
"sabi ko sayo na bumangon na dahil malalate kana sa school, ang tigas kasi ng ulo"- kuya habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi
"isusumbong kita kay dad!!"- ako at nag martsa na papuntang banyo at iniwan ang baliw kung kapatid na tawa ng tawa..
"aish!"- napasabunot nalang ako sa buhok ko ng wala sa oras.. Gosh! Ba't ba ako binigyan ng ganitong kapatid? Yong may saltik sa utak?
Nang matapos akong maligo ay agad na akong nag bihis ng uniporme ko, nag lagay ng light make up at kinulot ko yung dulo ng buhok ko. Bumaba na ako para makapagbreakfast..
"Ganda ng princess namin oh, upo kana dito anak"- puri ni mama sakin pag baba ko.
"Ganda sana pero nakabusangot naman ang mukha"- sabat naman ni dad habang umiinom ng coffee
"Kung alam nyo lang ang ginawa nyang alien monkey kong kapatid, buhusan ba naman ako ng maginaw na tubig? Tama ba yun ha mom, dad? Humingi lang ako ng limang minuto para umidlip sandali kaso ayun! Binuhusan agad ako ng tubig.."- sumbong ko kina mama habang naka pout pa.. nakita ko namang nakangiti lang si kuya ng malapad habang ngumunguya ng pagkain..Haha lagot ka ngayon kuya!
"Alam mo anak, kami ng mama mo ang nag sabi sa kuya mo na buhusan ka nang malamig na tubig if ever hindi ka pa babangon, nag matigas ka siguro kaya ayun nga"- paliwanag ni dad na ikinalaki ng mata ko, tumango tango lang si mama samantalang si kuya Tristan ay tawa na naman ng tawa..
Hindi ako umimik, nag tampu-tampuhan kunwari ako sa kanila..
"Hahaha grabe yung mukha niya kanina, naku mom, dad kung nakita nyo lang napaka epic nya, hahaha"- pang aasar ni kuya, kung nakamamatay lang yung tingin ko, for sure may lamay na ngayon dito sa bahay namin.
"Mabulunan ka sana!"- at tumayo na ako kaagad.
"I'll go ahead mom, dad"- paalam ko sa kanila at hinalikan sila sa mag kabila nilang pisngi..
"Ingat ka princess"- sabay na sabi nina mommy at daddy
"Bye SLEEPY HEAD!"-habol na asar ni kuya bago ako nakalabas ng bahay..
Bwesit! Gusto ko pang kumain ng bacon eh! Kaasar naman oh! Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa kaasaran..
Hinatid ako ni manong Ed sa school..
"Andito na tayo ija".
"Salamat po"- tumango lamang ito, Bumaba na ako at pumasok sa gate ng academy..
"Sis maaaaaarz!"-heto nanaman po ang nakakarinding boses ng bestfriend kong si mj..
"Kung makasigaw ka naman sis parang ilang taon tayong hindi nag kita"- sita ko sa kanya..
"He he sorry na"- mj sabay kurot sa pisngi ko, ganito talaga to kaya masanay na kayo
"Hi sis"- nakangiting bati sakin ni dayne.. Himala tong isang to, hindi nang aasar hahha salamat naman kasi hindi maganda ang umaga ko ngayon dahil sa kuya ko..
BINABASA MO ANG
The Enigmatic
Teen FictionMahal mo sya pero hindi mo ito kayang sabihin sa kanya dahil merong isang Tao na bumabagabag sa puso't isipan mo, gusto mo itong hanapin pero hindi mo ito mahanaphanap.. Paano nalang kung ang hinahanap mong tao ay yung taong minahal mo na ngunit hin...