Triana's POV
Bukas na ako lalabas nang hospital, excited na ako kasi makikita ko na si dad, kahapon pa sana yun kaso lang sinabihan ko na wag nalang nya muna akong dalawin, tumawag nalang ako sa kanya kanina, ayaw pa nga nyang pumayag eh kaso mapilit rin ako kaya ayun napapayag rin..
"kuya, kailangan pa ba talaga nating bumalik dito kahit na okay na ako?"- tanong ko kay kuya tristan, nalaman ko kasi na kailangan parin naming bumalik dito para sa check ups, at nalaman ko ring may sakit pala ako sa puso, dapat nga raw ay ooperahan na ako kaso raw nong time na yun ay sobrang hina pa raw nang katawan ko at baka hindi ko makayanan ang operasyon at matuluyan ako.. yun yung time na nabaril ako ni mitch..
"kailangan talaga princess, it's for your health para ma operahan kana as soon as possible"- paliwanag ni kuya sakin, tumango na lamang ako at humiga sa kama.. ilang minuto ang lumipas ay nag paalam sakin si kuya tristan, may pupuntahan raw sya saglit..
Sa totoo lang excited na akong makalabas syempre kasi miss ko na si dad at si mommy, pero isa rin sa rason ko ay para makita ko na ulit si ash.. Gosh! I really love him!
'sana mahalin mo rin ako ash' sabi ko sa aking sarili at napabuntong hininga nalang ako.
TRISTAN'S POV
"oh ano na ang balita?"- tanong ko kay zach na halatang abala ang mukha.
"anytime ay pwede nila tayong sugurin kaya doble ingat tayo ngayon lalong-lalo na sa kapatid mo tris"- sabi ni zach sakin, andito kami sa kanilang tambayan sa PHOENIX, kumpleto kami ngayong lahat at napag kasunduan namin na mag sama bilang isang grupo, hindi biro ang kalaban namin ngayon ang BLACK KNIGHT..
"hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay triana, pinapangako ko yan"- biglang sabi ni ash
"iba talaga pag inlove drei!"- biro naman ni brent sa kanya kaya ayan, binato ni ash nang unan, sapol!
"aray ko naman ash! Masakit!"- sigaw nito, sinamaan lamang nya ito nang tingin.
"I think, tayong lahat naman ata dito gustong protektahan si triana, hindi lang ikaw ash"- sabat ni jonathan kaya napatingin kaming lahat sa kanya, seryoso lang ang mukha nitong nakatingin kay asher, ang isang to ay halatang may gusto sa kapatid ko, pansin ko lang noon pa..
"alam ko yun, hindi ko hahayaang may makalapit na kahit sino sa kanya maliban sakin at sa pamilya nya kaya kung wala ka don, wag mo nang subukan pa"- sagot naman ni ash sa kanya at tinignan rin ito nang seryoso..
"hindi mo sya pag mamay-ari kaya wala kang karapatang sabihin yan"- jonathan
"kung sa ngayon hindi pa, pero sooner or later pwede na"- sabi ni ash ,mukhang nag iinitan na ang dalawag to ah..
"hep hep! Easy lang mga drei,masyadong mainit ang mga ulo nyo"- awat na ni ren sa kanilang dalawa, buti nalang kasi kung hindi baka mag suntukan pa sila..
"si red nga na matagal nang gusto si triana eh nananahimik lang eh"- biglang sabat ni marco na ikinagulat naming lahat dito..
"ANO??/GAGO KA!"- Sabay na sigaw ni jonathan at ni asher habang nakatingin kay red na gulat ang mukha..
"hihihi joke ko lang yun"- pilit na tawa ni marco habang naka peace sign,bakas sa mukha nito ang takot, sino bang hindi matatakot eh kinwelyuhan na sya ni red ngayon
"gago ka ba? Ha?"- singhal ni red dito
"kunti lang naman"- birong sabi ni marco, akala ko ba seryoso tong si marco na tao, yun pala may tinatago ring kapelyuhan, hahaha natatawa nalang ako sa kanila..
BINABASA MO ANG
The Enigmatic
Teen FictionMahal mo sya pero hindi mo ito kayang sabihin sa kanya dahil merong isang Tao na bumabagabag sa puso't isipan mo, gusto mo itong hanapin pero hindi mo ito mahanaphanap.. Paano nalang kung ang hinahanap mong tao ay yung taong minahal mo na ngunit hin...