RETREAT (PART4)

12 3 1
                                    

I feel pain everywhere, kahit na kunting galaw ko lang ay para na akong mababalian nang buto..inilibot ko ang mga mata ko..

It was dark here, hindi ko alam kung saang lugar ito,nakaupo at nakagapos ang mga kamay ko sa upuan at may tape ring nakalagay sa bibig ko.. I was being kidnapped, siguro ito yung nag bibigay sakin nang mga threats araw araw..

I heard whispers from behind, ewan ko kung matatawag pa ba itong whisper eh rinig na rinig ko naman..

"Ano ba zach, can't you just support me? Kayo nang mga kaibigan mo, suportahan nyo nalang ako pwede ba?"- sabi nang isang pamilyar na Boses nang babae..

"Whatever mitch, pag nalaman to nang kapatid ko, ewan ko nalang kong ano ang magagawa nya sayo.."- sabi naman nong lalaki, teka lang,tama ba ang narinig ko? Tinawag nong lalaki yong babae na Mitch?? So ibig sabihin...

Bago pa ako makapag isip ay bigla nalang may humawak sa buhok ko..

" gising kana pala bruha, so ano kumusta yung pagtulog mo?"- sabi ni Mitch sakin, ang sakit nang pagkakahawak nya sa buhok ko..

'Ahhhhhhhh'-impit na sigaw ko nong bigla nyang tanggalin ang tape na naka takip sa baba ko, tingin ko ay nag kasugat ito dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Bitawan no nga ako Mitch! Ano bang kailangan mo ha?"- sigaw ko sa kanya, instead na sagutin nya ako ay bigla nalang nya akong sinampal nang pagka lakas lakas..

" tama na yan mitch!"-pinigilan sya nung lalaki, parang pamilyar ang isang to, saan ko nga ba ito nakita?

" SHUT UP ZACH!!"-Hindi sya pinansin nito, bagkus ay tiningnan lamang sya nito nang masama bago tinalikuran at umalis na, kami nalang dalawa ni mitch ang nandito..

"Ano ba talaga ang kailangan mo sakin Mitch ha? Bat ka ba galit na galit sakin??"- takang tanong ko sa kanya..wala naman talaga akong ideya kong bakit sya nagkakaganito eh, dapat nga ako yong galit dito..

"Wag na wag mo akong tatanungin nang ganyan! Nang dahil sayo kaya Hindi ako napapansin!puro nalang ikaw!"- galit nyang sigaw sakin, tinignan ko sya nang masama..

Ilang sandali lang ay may pumasok na limang lalaki, sino naman kaya ang mga ito??

"Bat ngayon lang kayo?"- tanong ni mitch sa kanila

"Business"-sagot naman nong lalaking may maraming earings sa kaliwang tenga

"Whatever!"-mitch

"So ano nang plano?"-tanong naman nong chinito habanh nakapamulsa ito.

"Simple lang naman, make her suffer"- mitch at tumawa ito na parang loka loka

Binigyan lamang sya nang bored look nang mga ito..

"Pass kami dyan, ang usapan natin, tatakutin lamang sya pero ano to ha mitch? Nababaliw ka na ba? Mag isa mo yang gawin, mahal pa namin ang mga buhay namin!"-the one with red hair, so sila siguro ang mga nag bibigay nang threats at inutusan sila ni Mitch..

Tumango lamang ang iba nitong kasama at sa pangalawang pagkakataon ay nilayasan na naman ang bruhang si mitch.. Kawawa naman ang isang to..

"Mga bwesit kayo! Wala kayong pakinabang!'-hysterical nitong sigaw..

"At ikaw, dapat sayo, pinapatay! Pero bago mangyari yun pahihirapan na muna kita"-sabi nya sakin at bigla na lamang akong kinalagan sa pag kakagapos ko sa upuan pero may tali parin ang mga kamay ko, dinala nya ako sa malapit sa dum at walang sabi sabing nginud-ngod nya ang mukha ko sa dum na puno nang malamig na tubig..

The Enigmatic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon