TRIANA'S POV
Andito kami ngayon sa Airport nina mommy, kuya at dad. Ngayon na ang alis ni dad papuntang U.S. kaya heto ako ngayon medyo mangiyak-ngiyak sa pag alis ni dad..
"pakabait ka dito Princess ha, habang wala ako si kuya na muna ang bahala sayo and remember that NO SUITORS ARE ALLOWED! Got it?"- pabirong sabi ni dad sakin
"nakuha mo pang mag biro dad kahit na aalis kana,mamimiss kita dad"- sabi ko at niyakap ito nang pagkahigpit-higpit habang umiiyak
"OA mo princess, para namang hindi na babalik si dad eh, pupunta lang sya don para sa Kompanya natin okay? Kung makaiyak ka naman dyan eh"- sita ni kuya sakin
"wala ka na don,matagal din namang mawawala si dad kaya ako emo, wag ka ngang KJ"
"tama na yan mga anak, at princess tama naman ang kuya tristan mo, babalik naman ang dad mo, isipin mo nalang na may Business trip lang sya okay ba yun?"- sabi ni mommy habang pinapatahan ako, iyak kasi ako nang iyak na parang bata eh.
"mag-ingat ka don dad ha at wag mong kalimutan na tumawag sakin"- sabi ko kay dad, papa's girl kasi ako kaya ako ganito at bihira naman kasing umaalis si dad nang matagal eh, tumigil na ako sa pag iyak..
"sir,be ready na po, handa na yung private plane na sasakyan ninyo"- sabi nung body guard ni dad, at kinuha ang dalang maleta nito
"oh, pano, aalis na ako ha, ingatan nyo ang princess natin"- paalam ni dad at niyakap ako ulit pag katapos ay kay mama naman sya yumakap.
"bye dad, ingat"-paalam ni kuya at nag kamayan sila na parang mag kabarkada lang..
Hinintay muna naming makaalis ang plane ni dad bago kami umalis, si mama ay dala nya ang sasakyan nya, ito kasi yung ginamit nila ni dad papunta dito sa airport, at ako naman at si kuya ang magkasabay..
"hey, princess..what's bothering you ?"- takang tanong sakin ni kuya habang nag d-drive, napansin siguro ang pagkatahimik ko.
"huh? Wala naman kuya, yung assignment ko kasi ang hirap eh hehe"- pag sisinungaling ko, pero sa totoo lang iba naman talaga ang bumabagabag sa isipan ko eh hindi ko lang alam..
"sus, ngayon pa kita narinig na nahihirapan ka sa mga assignmants mo, palusot mo lang yan"- kuya na hindi na niniwala sa sinabi ko, hindi ko na sya sinagot pa at hindi narin ako kinulit ni kuya, alam nya kasi na kapag tahimik ako ay wala talaga ako sa mood kumausap nang kahit na sino.
Hinatid lang ako ni kuya sa bahay at umalis rin sya kaagad, may pupuntahan raw.. nag kulong nalang ako sa kwarto ko buong mag hapon wala rin naman kasi si mama andon sa mall kasama mga kaibigan nya doon sya dumeretso pag kaalis namin sa airport.
TRISTAN'S POV
Pagkatapos kung ihatid si triana sa bahay ay umalis rin ako agad, papunta ako ngayon sa hideout namin..
"master! Ang tagal mo"- yan ang bati sakin nang magaling kung kaibigan na si juls pagkarating na pagkarating ko.
"ganda nang bati ah, sarap mong ipatapon sa planet Earth"- sarkastiko kung sabi sa kanya nang makapasok ako sa loob nang hideout
"musta mga drei"- bati ko sa kanila
"okay lang, ikaw ba"- jonathan
"same, nalate ako kasi hinatid pa namin si dad sa airport, ngayon kasi yung alis eh so ano nang plano natin.
"wala naman tayong dapat na gawin sa ngayon, hintayin muna nating sila ang unang kumilos, pero dapat lagi tayong nakahanda"- paliwanag ni asher
"hintayin? Eh nakakatanggap na nga tayo nang text diba? Ano pa ba ang dapat nating hintayin?"- jonathan
"easy lang drei, tama naman si ash, wala pa naman silang ginagawa ngayon tanging text lang naman yung natatanggap natin at hindi pa naman tayo ganun ka sigurado kung ang Phoenix ba talaga yung nagpapadala nang mga text messages na natatanggap natin"- pag sang-ayun ko naman kay asher
"kung hindi ang Phoenix, eh sino, wag nyong sabihing may kaaway pa tayo na hindi ko alam?"- sabat naman ni ryan na nakakunot noo
"wala naman tayong iba pang kaaway bukod sa Phoenix, at kung sila nga talaga ang nag papadala nang mga text, Im sure na may taong nasa likod nito, knowing Phoenix, hindi sila basta basta nag sisimula nang away kung wala namang sapat na dahilan at sa nakikita ko ngayon wala namang rason para makipag-away satin unless kung may ibang nagsusulsul sa kanila"- paliwanag ulit ni asher, tumango naman kaming lima hudyat na sumasang-ayon kami sa sinabi nya.
Nang matapos ang aming pinag-usapan ay umalis na kami sa hide out at napag desisyunan naming mag-inuman sa bar nina juls and john, mag kapartner kasi silang dalawa sa pagtayo nang JJ'S bar, hanep diba?
.
.
.
.
.
.
.
.
~~~
A/N: Next update po ulit dear!#theoinkywriter
BINABASA MO ANG
The Enigmatic
أدب المراهقينMahal mo sya pero hindi mo ito kayang sabihin sa kanya dahil merong isang Tao na bumabagabag sa puso't isipan mo, gusto mo itong hanapin pero hindi mo ito mahanaphanap.. Paano nalang kung ang hinahanap mong tao ay yung taong minahal mo na ngunit hin...