TRIANA's POV
Hindi na naman ako nakatulog kagabi. Masyado kasi akong na excite kakaisip sa mga sinabi ni ash sakin.. hindi ako makapaniwala na ang akala kong one sided love ay hindi pala. Mahal pala ako ni ash.. napapasigaw nalang ako at napapatili nang wala sa oras. Kinikilig kasi ako masyado eh...
'princess!'
"ay palakang bakla!"- sigaw ko dahil sa gulat.
"anong palakang bakla? Sa gwapo kong to?? naks!"- sabi ni kuya tristan sakin habang naka pogi sign pa.
"tss! Hangang hanga sa sarili.."
"naman!, nga pala princess, aalis raw kayo ni ash ngayon? Pinag paalam ka na nya kina mama, ang aga-aga nga nya eh, susunduin ka raw nya mga around 1 in the afternoon"- nagulat ako sa sinabi ni kuya. Seryoso??
"si ash? Pumunta dito at pinag paalam ako kina mommy?"
"yup! Ikaw princess ha ayieeeee"- si kuya na parang bakla sabay wink sakin at lumabas na sa kwarto ko.
"OH MY GOSH!" na ibulalas ko nalang pag ka labas ni kuya. Tiningnan ko ang oras at mabuti nalang maaga pa. It's still 10 a.m. Nag madali akong bumangon at pumunta agad sa banyo ko para maligo.
Pag katapos kong maligo ay pumunta na ako sa walk in closet ko para pumili nang masusuot ko. Pinili kung suutin yung bagong bili ni mommy na dress. It's a plain pink dress na above the knee, fit sya sa akin kaya klaro yung kurba nang katawan ko. I paired it with my black doll shoes. Yung buhok ko naman ay kinulot ko yung dulo at hinayaan ko lang na nakalugay.. I put light make up para naman mabuhayan yung mukha ko.
Mga dalawang oras at kalahati rin yung pag aayos ko. Nang matapos ako ay bumaba ako at nadatnan ko si kuya na busy sa phone nya. Parang may tinetext habang naka kunot yung noo. Nag hinay hinay ako sa pag lakad papunta sa kanyang likuran at..
"BOO!"
"BUTIKI!" sigaw ni kuya at bigla nyang natapon ang cellphone nya. Dami Kong tawa HAHAHA kasi feeling ko naka ganti ako sa lahat nang pang-aasar nya sakin.
"ano ba Princess! Bakit ka nang gugulat bigla!?" galit na sigaw nya.
"sorry kuya haha napaka seryoso mo kasi eh. Ano bang pinag kakaabalahan mo ha" tanong ko sa kanya habang natatawa parin.
"hayy..work" simpleng sagot nya lang at nag kibit balikat. Medyo naawa ako kay kuya kasi sya na talaga ang nag mamanage sa business namin.
"okay lang yan kuya, kaya mo yan. Tutulong po ako pag nakapag tapos na po ako sa pag-aaral."
"don't worry about me princess. May mga tauhan naman si dad at mom na tumutulong sa akin kaya kayang kaya ko to at syempre andyan kayo para sa akin" at ngumiti. Bigla kaming naka rinig nang busina sa labas.
"oh mukhang andyan na ang sundo mo"
"oo nga, sige kuya, bye po.." paalam ko dito at hinalikan sya sa pisngi bago lumabas nang bahay.
Kinakabahan ako habang papunta sa Gate. Hindi ko alam kong okay lang ba yung sinuot ko kasi wala akong ideya kung saan kami pupunta. 'kung ba' t ba kasi ako nag suot nang ganito eh, kung sana nag t-shirt at jeans nalang ako' bulong ko sa sarili.
Pag bukas ko sa gate ay akala ko artista ang nasa harap ko. Artistang nag aabang sa babaeng kapares nya sa pelikula habang naka sandal sa red porsche boxster nya. Napaka gwapo ni Ash lalo na't naka suot sya nang Black V-Neck T-shirt at white Jeans.
"hi"- nahihiya kung bati dito nong napansin ko ang pag titig nya sa mukha ko.
"you're so beautiful triana"- sabi nya sakin habang nakatitig at naka ngiti.
BINABASA MO ANG
The Enigmatic
Novela JuvenilMahal mo sya pero hindi mo ito kayang sabihin sa kanya dahil merong isang Tao na bumabagabag sa puso't isipan mo, gusto mo itong hanapin pero hindi mo ito mahanaphanap.. Paano nalang kung ang hinahanap mong tao ay yung taong minahal mo na ngunit hin...