COMA..

11 4 1
                                    

TRIANA'S POV

Kailan kaya ako makakawala dito? Alam kong maliligtas ako nila kuya tristan, naniniwala ako sa kanya..

"bwesit kayo zach! Mga walang hiya!"- sigaw na naman ni mitch

"hali ka dito!papunta na yung mga pulis!"- mitch at hinawakan nya ako sa balikat at lumabas kami sa may exit door, hindi ko pa kaya mag lakad pero kinakaya ko, hindi ko alam kong saan ako dadalhin ni mitch, may hawak syang baril na nakatutuk saking ulo.

"sumuko ka na Mitch Aguilar kong ayaw mong masaktan"- sigaw nang isang lalaki, siguro mga pulis na ito, salamat talaga at maliligtas na ako dito..

ASHER'S POV

Nakarating na kami dito sa isang abandunadong lugar sa antipolo, tama nga ang mga pulis na hindi ito makikita kong hindi sasadyain kasi maraming halaman ang nakapalibot dito.. pumasok kami sa loob at wala kaming nakita na tao sa loob..

"sure ba kayong nandito sila? O baka naman patibong nyo lang to?"- tanong ni tristan kina zach

"oo tris,andito sila, pero mukhang nalaman ni mitch na may mga pulis na dadating kaya umalis sila"- paliwanag ni zach

"ayun! Sila!"- sigaw nong isang pulis kaya agad kaming pumunta sa exit door at nakita nga namin si mitch na bitbit si triana..

"sumuko kana Mitch Aguilar kung ayaw mong masaktan!"- sigaw nong pulis

"hindi! Papatayin ko pa sya! Wag na wag kayong mag kakamaling lumapit kundi tutuluyan ko sya!"- sigaw naman ni mitch, may baril itong nakatutok sa ulo ni triana..

"wag kayong kumilos, baka anong gawin nyang masama sa kapatid ko"- sabi ni tristan samin, nakita naming sumenyas si triana na wag kaming lumapit, by just looking at her face, I know that she's in so much pain right now..

Pinakawalan ni mitch si triana kasi may kinuha syang susi ata sa bag nya, at nong time naman na pinakawalan sya ni mitch ay...

"trianaaaaa waaaag!!!"- Sigaw ni tristan kasi bigla na lamang tumakbo si triana papalapit samin,

BANG!

nakita namin ang pag bagsak nya sa lupa at ang pag pikit nang kanyang mga mata, nung time nayun ay nag silabasan na kami at pinaputukan nang baril si mitch.. lumapit ako agad kay triana..

"TRIANA! Gumising ka!dadalhin ka namin sa ospital! Tulong!"- sigaw ko habang ni yuyug-yog ang mukha ni triana, natamaan sya sa likod at marami na ang dugong dumadaloy..

"princess!"- tawag ni kuya tristan dito at binuhat ito agad at pinasakay sa kotse nito.

"kayo na muna ang bahala kay mitch"- sabi ko sa kanila at sumama na kay tristan, nakita ko naman sina mj at dayne na umiiyak.

Nakasunod lang kami kay tristan, mabilis itong mag patakbo, ilang sandali lang ay huminto ang kotse niya sa hospital na nadaanan namin, ito yung pinakamalapit kaya dito nalang muna namin sya dinala. Kompara sa Hospital na pag mamay-ari nila Tristan ay maliit lamang ito. bumaba na si Tristan agad buhat-buhat ang walang malay na si triana, bumaba rin kami at sumunod sa kanya may mga nurse naman agad na lumapit sa kanila at dinala sa emergency room si triana..

"sorry sir pero hindi po kayo pwede sa loob, mag hintay na lang po kayo dito"- sabi nong nurse kay tristan..

"please help her, gawin nyo ang lahat kahit na mag kano pa yan, mag babayad ako"- pag mamakaawa ni tristan don sa nurse,

"wag kayong mag alala sir, gagawin namin ang lahat maligtas lamang sya"-nurse at pumasok na ito sa ER

Kumpleto na kami ngayon pati sina zach at ang iba pang PHOENIX ay nandito rin..

The Enigmatic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon