Chapter 10

84 3 0
                                    

Hindi na maipaliwanag ni Ryan ang nararamdaman. Ngayon na alam na niya ang dahilan kung bakit nakipag-break si Sigrid noon, alam na niya ang kasagutan sa marami niyang "bakit" noon, masakit sa kanyang damdamin. Masakit sa kanya na hindi niya pinaglaban si Sigrid, hindi niya ito nadamayan nung panahong naghihirap siya, nung panahong may dinadamdam siya. Kung sinabi lang ni Sigrid ang lahat noon, na may sakit siya, na buntis siya, pinanindigan sana ni Ryan ito.

Di na niya napigilan ang sarili at napa-iyak. Lalo pa nung maalala niya ang sinabi ni Coleen. "Rhian is 5 years old, you know what, pareho kayo ng mata, at labi".

It was like destiny na ang nagsasabi ng lahat, inilalapit niya si Ryan sa isang link mula sa past niya.

Ryan fixed himself at bumalik na sa table nila.

Before Ryan came back sa table, Coleen's phone rang. It was Drake.

"Hi Bessie! Asan ka? I drop by sa La Fayette kanina, pero Madame Shin told me lumabas ka daw."

"Yupp, nasa may Starbucks kami dito sa harapan, punta ka nalang dito."

"Kami? Ok sige, sige, punta na ako diyan."

After a while, dumating na si Drake sa Starbucks, at nag beso kay Coleen.

"Asan si Enzo?" tanong ni Coleen.

"Naku, wala na kami nun no, I want something New, like a New Yorker, yung kuya mo kaya, ayaw niya?"

"Sira, may asawa na si Kuya Zen no,"

"Diba divorced na sila, so ok na uli ako manligaw."

"Ewan ko sayo Drake, 'bat ka ba narito at nang-gugulo?"

"Yun nga, Despedida ko na sa Saturday, sa Manila Pen, punta ka ah, magtatampo ako sa iyo pag di ka pumunta, at iperform mo pala yung All of Me version mo, gusto ko yun, marami din akong PJAS friends na dadalo."

"Nalulungkot naman ako, mas bata ka pero, graduate kana, Designer ka na oh, may pa New York ka pang nalalaman na. Mami-miss kita beh."

"Naku, eto naman, kala mo naman di rin mag aamerica after, eh malapit na ngang maging Citizen dun."

"Pero mami-miss talaga kita beh, uyy, recital pala namin bukas, makakapunta ka ba?"

"I'd love to, kaya lang I have to fly to Cebu for a Fashion Show, alam mo naman sana maintindihan mo."

"Oo naman no, at ayoko din na pagtawanan mo ako, dahil hindi pa ako marunong sumayaw, lalo na forte mo yung Jazz."

"Maiba tayo, asan si Rye?"

"Kilala mo siya, paano mo nalaman pangalan niya?"

"Shunga, starbucks to teh, may nakalagay na pangalan sa cup."

"Sorry naman daw."

"Lalake? Gwapo? Matangkad?"

"Oo,"

"Naku naku naku, ang ate niyo, lumalandi oh, alam ko na yang mga OO mo na yan, mahal mo na?"

"Ikaw naman, sinabi ko lang OO, mahal na agad? Kaibigan ko lang yun."

"Mag-ingat ka teh, yang mga kaibigan na yan, kung hindi nauuwi sa hiwalayan, malamang siyam na buwan na kahirapan, tignan mo si Sigrid, ayun, mahimbing na ang lola, sumalangit nawa ang kaluluwa ng malanding best friend ko."

"Alam mo, matabil yang dila mo kaya ka nabubogbog noon, eto kasi, di na natuto."

"Kasi nga di pa ako sinasagot ni Zen noon, kaya eto kinahinatnan ko."

"Dala mo kotse mo, hatid mo ko sa bahay ah."

"Bakit? Tag hirap? Walang pang gas, ganun?"

"Eto naman, mapang husga,"

"Asan na ba kasi yung kasama mo, bakit di nalang siya yung mag-hatid sa iyo?"

"Ayan na pala siya."

Nabigla si Ryan ng makitang nag-uusap sina Drake at Coleen. Wala na talaga siyang kawala, instant throwback talaga.

"Ryan, meet my Bessie, Drake, Drake meet Rye."

At nag hand shake ang dalawa.

"Baka kilala mo rin siya, Rye, sa PJAS din siya nag-aral"

Pero bago pa man makasagot si Ryan, nagsalita si Drake.

"Di ba nga hindi ako nagtapos sa PJAS, at saka, 1 year ahead siguro sila, kaya ngayon lang kami nag-meet, diba"? Tugon ni Drake, sabay tingin sa kinatatayuan ni Ryan

"Ah, oo tama siya."

"Rye, pwede mauna na kami, may pupuntahan pa kasi kami ni Drake, ok lang ba?"

"Ah, oo naman, sige, kita nalang tayo bukas ng maaga para mag rehearse before nung recital tomorrow."

"Ok, txt txt nalang."

At umalis na nga sina Drake at Coleen, pumasok sa kotse at nagdrive na si Drake para ihatid ang kaibigan.

"Ano yung txt txt, ano kayo teen ager? Mahilig sa GM? PBB Teens?"

"Ewan ko sayo."

"Alam mo, gwapo siya, mukhang masarap ah, parang siya yung bida sa Step Up. Gets mo?"

"Oo, napanood ko yung Step Up, no."

"So, nanliligaw sayo yun?"

"Hindi nga, mag-kaibigan lang kami."

"Wag mo kong chinacharot ha, kilala kita, tapatin mo ako. Bet mo teh?"

Hindi umimik si Coleen kaya napilitang tapikin siya ni Drake sa balikat.

"Ano ba, mapanakit ka."

"Sumagot ka kasi."

"Gwapo siya, maalaga, gentleman, caring, pero I look at him as a friend, best friend na straight guy, walang love."

"Ganun ba? Baka ma-fall ka ah, dapat natuto ka na dun sa ex mong si Bret, na iniwan ka na nga sa ere, niloko ka pa."

"Iba si Ryan kay Bret, ibang iba."

"Wag kang mag-conclude kung wala kang alam"

"What do you mean?"

"Wala, basta pag ayaw mo sa kanya, akin nalang."

"Sira, mag drive ka na nga lang."


Where Angels Fall....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon