Chapter 04

126 4 0
                                    

Summer ended at nag-resume na ang klase sa PJAS. That time, hindi na pumasok si Sigrid. Days passed so quickly, at busy na ang schedule ng mga Seniors lalo na yung mga may solo act sa recital.

Dahil nga low ang remarks ni Ryan kaya nagreremedial class siya, at wala siyang solo act.

One time, during their contemporary jazz class, na-partner siya kay Jessie, at doon lang sila nagkausap. Nalaman niya na nasa states na si Sigrid at doon na mag-aaral.

"Sayang nga eh, siya sana yung magdedeliver ng Valedictory sa graduation natin, she was the brightest, both academic, art class at pati na sa extra, but bigla nalang sila nag-migrate sa states. Diba nga naging kayo, tell me what happened?"

"One month lang kami Jess, it was summer, when she broke up with me, ewan ko ba, she doesn't feel the same way na daw. But anyway, wag na nating pag-usapan yun, nasasaktan lang ako eh, ikalawa na ito, na babae nakikipag break sa akin. Well, congrats sa iyo ah, you're happy with Nolan, at ikaw pa yung running Valedictorian."

Ryan walked out the room, dahil narin sa di na niya makaya pa ang kanyang nararamdaman.

Days passed, at lumalapit na ang araw ng recital. All things went smoothly, Jessie topped the recital, first time na sa Jazz Class ang nag-uwi ng highest remark, palagi kasing sa Ballet Class ang topnotch pag recital. Well thanks din sa Hip Hop Class for that fantastic collaboration, para ka talagang nanunood ng Step Up Movie.

After the recital day, ay Academy Day na, it was a school fair, inaabangan din ang yearly Graduation Ball lalo na ang Cotillion de Honor, kung saan lahat ng Dance Major will be dancing the night away. Tuwing Academy Day din, ginagawa ang traditional pranks, kung saan mang go-good time ang mga Seniors sa mga Juniors, yung baliktad na version ng ginagawa sa PMA. Bad mood si Ryan that time, kaya nung makita niya si Drake, mas lalong nabwisit siya, at si Drake ang pinagbuntunan niya ng galit.

He dragged Drake hanggang sa rehearsal room na ngayon ay ayos na. Hindi naman pumalag si Drake dahil ang alam niya ay parte parin iyon ng pranks for that day. Pero it was too late, ng isang suntok ang binitawan ni Ryan.

"Yan ay para dun sa pagsasamantala mo sa akin, that night in the bar"

"What the fuck, walang nangyari" – sagot ni Drake, na dumudugo na ang pumutok niyang labi.

"At sumasagot ka pa ah" – sabay suntok nanaman sa tiyan ni Drake, talagang binubogbog ito. Tinigilan na ni Ryan ng makita niyang, nawalan na ng malay si Drake.

Iniwan na ni Ryan si Drake sa old rehearsal room, na walang malay. Nagawa niya iyon dahil sa nawawala ang bracelet na bigay sa kanya ni Sigrid, pati na ang promise ring nila, saka pa dumagdag nang makita niya si Drake, kaya ito ang napagbuntunan niya ng galit.


Where Angels Fall....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon