The preparation flowed smoothly, Drake designed the gowns and suits, siya narin yung event planner, ang head ng reception. Then, inantay nalang nila na dumating ang summer, at sila ay ikasal. 5 days before the wedding, after nilang pumunta sa church, sinabi ni Justin kay Coleen na may pupuntahan daw sila, may pasasalamatan lang. Coleen just nod, at sumunod nalang kay Justin. Long drive din iyon, kasi galing pa silang Batangas patungo sa Manila, kaya nakatulog si Coleen sa biyahe. Malapit na sila, sa pupuntahan nila when Coleen woke up, she looked puzzled kung bakit nasa isang cemetery sila, at sa Eternal Gardens pa.
"Ba't andito tayo? Sino pupuntahan natin?" tanong ni Coleen
"Basta, just follow me"
Parang kinakabahan si Coleen sa mga nangyayari, lalo pa nang magsimula na silang tahakin ang sinasabing pupuntahan nila ni Justin. I looks familiar, papunta iyon sa puntod ni Ryan.
"Andito na tayo"
"This is not a good joke hon, ba't nandito tayo sa puntod ni Ryan?, akala ko ba may pasasalamatan ka, asan?"
"Siya, si Sir Ryan, because of him, I met you, because of him kaya nadugtungan ang buhay ko, siya yung heart donor ko, because of him kaya ikakasal tayo, kaya gusto ko magpasalamat sa kanya ngayon, gusto ko rin na ipagpaalam ka sa kanya, hindi ko kasi siya nakita during his wake, nasa ospital na kasi ako noon, Sir Ryan, this is the girl I'm talking about, this is the girl we both love"
Patuloy parin sa pag-iyak si Coleen, dahil sa tuwa, na parte parin ng buhay niya si Ryan, Ryan's heart is a part of Justin's life.
"Alam mo ba, nung nagco-conceptualize kami ng design for his house, he is full of love noon, nang tanungin ko siya kung anong gusto niyang mangyari sa bahay niya, sinabi niya nalang na bahala na ako, basta gusto niya pag pumasok siya, mararamdaman niya ang pagmamahal. He told me a story that time, about ito sa limang babae na nagpabago sa buhay niya, yung una is his mom, the second he named her, JC, the next girl na minahal niya kahit 1 month lang sila, was Sid, then her daughter Rhian, pero yung huli talaga yung inspiration niya, sa kanya daw siya nakaramdam ng tunay na pagmamahal, she was CJ, di ko siya maintindihan nun, ang labo niya, gusto niya matapos yung bahay ng madalian, nagpabili siya ng piano pero di naman siya marunong tumogtog, para daw yun kay CJ, I realized what he's saying nung una kitang makita, tama nga siya, you are the perfect match, the woman who can disturbed the man who can't be moved, parang may spark nung nakita kita, ang bilis ng tibok ng puso ko, yun pala ikaw yung babaeng sinisigaw ng puso niya, na puso ko na, I didn't love you because of what my heart dictates, but I love you because it is what all my senses feels, it is what my mind tell me to do"
Coleen hugged her, then they kissed each other again. When suddenly bigla nalang umulan ng malakas.
"Ito na siguro yung blessing ni Sir Ryan, tara basa na tayo oh, Thanks Sir Ryan"
Tumakbo na nga papuntang kotse sina Coleen at Justin, at nagtawanan.
"Kaya pala, that moment I first saw you, nakita ko siya sa iyo, nain-love agad ako, pero I loved you just the way you are, at hindi dahil nakikita ko siya sa iyo"
"I'm really thankful to have you hon"
Lalong lumakas ang ulan, pero mas mainit ang halikan ng dalawa sa kotse.
The day came, ikinasal na nga sila sa simbahan and they had their honeymoon sa Italy. Every minute of every day, masaya sila. That night when they made love, it was like a fairy tale, every rythmn and movement was like a dance, perfect, close to perfect.
BINABASA MO ANG
Where Angels Fall....
Historia CortaWe have our own choice, we have our own destiny. We draft our own destiny, we write our own life story. We commit mistakes, but as we fall, we learn and stand strong.