Chapter 12

81 3 0
                                    

Drake's despedida party

Manila Peninsula

"Ryan, can we talk? – it was Drake."

"Drake? Ano naman pag-uusapan natin?"

"Marami, dun tayo sa may lounge, malapit sa lobby, para kung sakaling gulpihin mo ako, malapit na yung security – pabirong tugon ni Drake."

Pumunta nga sila sa may lounge at doon nag-usap. It was Ryan, who first talk.

"Drake, I'm sorry sa nagawa ko, immature ako noon, broken hearted kaya ikaw yung napagbuntunan ko ng galit."

"You know what, wala naman talagang nangyari nun after that bar encounter. Dinala lang kita sa bahay dahil concerned ako."

"Forgive me sa nagawa ko."

"Napatawad na kita, pero di ko yun makakalimutan. You know what, thanks to you, dahil napilayan ako nun, di na ko nakasayaw, I went out the walls of PJAS and don't know what awaits me."

"I'm sorry."

"Stop saying sorry Ryan, coz you're not. Because of you, kaya napadpad ako sa Fashion Design, siguro I'm into dancing parin ngayon, without a stable career, but now I'll be working sa New York. Because of you kung bakit namatay ang bestfriend ko."

"Sinong bestfriend?"

"Wag kang tanga Ryan, pumasa ka sa UPCAT, si Sigrid. Sigrid was my bestfriend, para ko nang kapatid iyon, since primary grade, kasama ko na siya, sila ni Coleen. Ewan ko ba dun, kung bakit siya malandi, siguro kasi sa states kami lumaki, kaya ganun yun, o di kaya dahil narin siguro sa walang time ang parents niya for her kaya sa iba niya hinahanap ang love na di niya makita sa family niya. Why are you crying?"

"Wala, ituloy mo lang, I want to know everything."

"So yun nga, before that break up sa mall, Sigrid broke down to me."

Flashback:

"Bes, di ko na kaya ito, mahal ko siya, pero natatakot ako sa pwedeng mangyari" tugon ni Sigrid.

"Wag mong sabihing buntis ka bes"

"Oo, I'm pregnant, I don't know what to do, ano nalang sasabihin nina Dad & Mom sa akin"

"Gaga, yan kasi, malandi, oh ano ngayon ang gagawin mo, hindi mo naman maitatago yan, lalaki yang tiyan mo, di kasi nag-iingat, porket masarap, ganun nalang, may utak ka naman, bat di mo kasi ginamit, punyeta"

"Kaya nga, nagsisisi na ako, kung pa-abort ko kaya"

"Gaga ka talaga, mamamatay tao ka na ngayon, may buhay na yan, bigay ng Diyos yan, bunga yan ng di ko maipaliwanag na pagmamahalan, sabihin mo nalang kaya kay Tita Eli at Tito Jon, siguro naman mauunawaan ka nila"

"Paano nga?"

"Shunga teh, pipi ka?, di marunong magsalita?, edi sabihin mo, magsalita ka, magpaliwanag, ikwento mo, teka teka, alam ba ni Ryan yan?"

"Wala akong balak ipaalam, makikipag-hiwalay na ako sa kanya"

"Ganun lang? Sa anong dahilan?"

"Basta, bahala na"

"Naku Sigrid ah, natatakot ako para sayo, lalo pa ngayon lumalala ang kondisyon ng puso mo, natatakot akong mawala ka, ikaw lang ang nag-iisang sister ko"

- "That time, iyak nalang kami ng iyak ni Sigrid sa room niya, after that day, nakipag hiwalay siya sayo, dun din kita unang nakita, dun sa bar, at dinala kita sa bahay, dahil yun yung sabi niya. Sa gabing din iyon sinabi ni Sigrid ang totoo kina Tita Eli, Tito Jon, Tita Ana at Coleen. Tinanggap nalang nila ito, dahil nga wala naman na sila magagawa, tsaka alam nila ang kondisyon ng puso ni Sigrid that time. They've decided na sa states nalang manganak si Sigrid. That day nung papa-alis na sila papuntang states, opening nun sa PJAS, magpapa-alam sana siya sayo, kaya lang pinigilan siya ni Coleen. Ako lang nakaka-alam sayo that time, they know your name, pero they don't really know who you are."

"Sana, sinabi niya noon, sana pinagtapat niya ang totoo"

"Kung ginawa ba niya iyon, anong gagawin mo, papanindigan mo siya, ipaglalaban mo ang pag-ibig niyo? You know what, madali mag-salita Ryan, medaling sabihin ang mga bagay bagay, madali mag I Love You, pero sa application, talo tayo. Dahil bata pa kayo noon, you don't know the consequences of your actions. Ewan ko ba kung bakit mapusok kayo, yun yung problema sa mga teens these days. Pinapadali ang pag-tanda, pinapasok ang mundo ng nakakatanda, why not enjoy teen life in the legal way. Kayo kasi nagpa bulag sa mga nararamdaman ninyo, I also have flaws Ryan, but I used my mind."

"I'm a fool, di ko mapapatawad ang sarili ko."

"Regrets are in the end. Nang manganak si Sigrid, mahina yung puso niya, kaya kailangan naming mag-desisyon kung sino ang isasalba. Sigrid did the decision, kung siya daw ang isasalba baka daw hindi niya rin makaya, since mahina na ang puso niya, at wala pa silang nakikitang heart donor that time. She told us, na yung bata ang isalba, na pangalanan siyang Rhian Scarlet. Na si Coleen nalang daw ang mag-alaga sa anak niya. Before siya manganak, she talked to me, na patawarin kita, na ako na daw bahala kina Coleen, Tita, kay Rhian, sayo. It was like she's giving her last words na. Gusto ko umiyak that time, kaso baka panghinaan siya ng loob, kaya nagpakatatag ako. After nga niya manganak, 15 minutes lang niya nasilayan si Rhian, then she passed away."

Patuloy parin sa pag-iyak si Ryan sa kanyang mga narinig. Sini-sisi niya ang kanyang sarili sa mga maling nagawa niya.

"Bago yun, he gave me a sealed envelope, ibigay ko daw sa iyo, at the right time, here it is"


Where Angels Fall....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon