La Fayette Dance Company
Recital day
Mga 8 am palang, nagpunta na si Ryan para sa rehearsal nila ni Coleen. Pagkadating niya doon, nagwawarm-up na si Coleen.
"Ang aga mo ata?" tanong ni Ryan.
"Ah, sumabay kasi ako kay Ma, kaya ma-aga ako, so start na tayo?"
"Sure."
Nagstart na nga sila sa kanilang rehearsal, at umabot sila till 12:30 para mapolish ito. May inabot si Coleen kay Ryan, it was a white small envelope.
"Ano to? tanong niya kay Coleen."
"Invitation, para sa party ni Drake, iinvite daw kita, baka daw kasi wala akong makasama dun, tapos sa PJAS ka rin daw kaya di ka na iba, punta ka ha."
"Sige"
That night, kinakabahan si Coleen, lalo pa at may isang portion sa recital kung saan magsasayaw sila base sa tugtog na ipi-play. Bagamat handa sila dito ni Ryan, hindi parin niya alam kung kakayanin niya.
"Rye, kinakabahan ako, what if bigla nalang akong ma-blanko at di makagalaw, baka di kita madala."
"Don't worry, ikaw ang dadalhin ko."
At nagsimula na nga ang recital, naunang mag-perform ang sa Ballet class, sumunod ang Hip Hop, Mix, nahuli ang Jazz. Humakot ng standing ovation ang "Dati" routine nila Ryan at Coleen, na nagportray ng story about sa dalawang ibon. Pansin sa mga galaw nila na may koneksyon sila sa isat-isa, sa kanta at sa manonood. Nakuha nila ang damdamin ng manonood at ibinigay nga ng stage ang gusto nila. Claps, applauses, nods, everything.
"Teacher Sky, you really did a great job"- tugon ng Directress
"Thank you Director, but I'm not the one behind their performance. It was Coleen who came up with that, and it was Ryan who pushed her to dance, siya yung nag-tiyagang magturo kay Coleen."
"Well I commend you parin for a job well done sa class mo."
"Thank you again, director." – sagot ni Teacher Sky, na abot tenga ang ngiti.
Sa backstage, niyakap ni Coleen si Ryan, dahil naperform nila ng maayos ang piece nila. Maluha-luha na si Coleen that time.
"Ba't ka umiiyak?" tanong ni Ryan
"Happy lang ako kasi I can now dance, thanks Rye, sa pagtitiyaga."
"Wala yun no, tsaka pinanganak ata ako para magturo, para ibahagi ang talent ko." – then he kissed Coleen in the forehead.
Nabigla naman ang dalaga at tinignan si Ryan sa mata.
"Sincerity? Para saan yun Rye?" tanong ni Coleen.
"Wala, nadala lang ako, let's get ready for the next segment."
The next segment, kabado na ang lahat, dahil dito na mate-test ang versatility nila as Dancers. Hindi kasali ang Ballet class sa segment na ito, dahil iba ang discipline nila. It will be a battle among the 3 classes, Jazz, Hiphop and Mix. In here, walang pang Jazz, Hip Hop or Mix, basta sayawin lang nila kung ano mang ipatugtog.
Nabunot nina Ryan at Coleen ang number one spot, at Hip Hop ang category nila. It was Katy Perry's Roar remix. Nagtinginan nalang ang dalawa saka nginitian ang isat-isa. Kabisado kasi nila ang steps para dun, sadyang nagkataon lang.
Palakpakan talaga ang mga tao, it was like watching a Step Up movie, yung Step up na una. Yung si Chaning Tatum yung bidang lalake, tapos ballet & hip hop yung nag jive. T'was perfect, the Directress even wondered kung bakit marunong si Coleen sumayaw ng ganun.
"Just what I told you Director, magaling magturo yang partner niya, they were like bestfriends, and take note, he's a PJAS alumna."- tugon ni Teacher Sky.
"Kaya pala, talagang magagaling tayong mga galing PJAS, am I right Madame Shin?" Sabi ni Directress.
"Of course!"- sagot naman nito.
That night, is also the graduation for the Dance Class. Ryan got the highest remarks sa Jazz. At meron din siyang special award for being a good trainer. La Fayette also offered him to be part of the Company, pero he can't decide pa daw.
The next day, umattend sina Ryan at Coleen sa despedida ni Drake. It was a night full of fun, a night of confrontation, truth and closures.
A week after, nagpatawag ng outing ang La Fayette, it was held in Boracay, syempre pumunta sina Coleen and Ryan dun. While nandun sila, unti-unti nang nafall si Ryan kay Coleen. That time, mas naging close sila, magaan ang loob nila sa isat-isa. Habang nasa dalampasigan sila, Ryan started the conversation.
"Coleen, next year, graduate na tayo, ikaw sa conservatory, ako sa AAS, after that anong plano mo?"
"Siguro, babalik kami ni Rhian sa Los Angeles, at susubukan ko din kung makukuha ako sa Juliard."
"So andito si Rhian?"
"Oo, ini-uwi ko siya this summer. Eh ikaw, ano plano mo after graduation?"
"Sasamahan ko na yung Mommy ko sa Canada, matagal narin niya akong kinukulit eh."
"Ganun? Ah Rye, matanong ko lang, that night, during Drake's despedida, I saw you talking to him, tapos bigla nalang kayong nawala, what did he tell you?"
"Wala, sabi niya he wants to get to know me more. He told me to take good care of you, dahil daw sa New York na siya."
"Take good care, of me? Hala, ano naman yun?"
"Coleen, don't you like me? Kasi to tell you honestly, I'm falling for you, may chance ba ako?"
"Are you kidding?"
"No I'm not, sagutin mo nalang yung tanong ko."
"Ah, Rye, gwapo ka, gentleman, caring, masaya kasama, may sense kausap, pero I look at you as a best friend eh, sorry, I don't feel the same way as you did. Hope you understand."
"Oo naman, pero maghihintay parin ako, sa time na hindi na one sided ang love na ito." – pero sa kaloob looban ng puso ni Ryan, nasasaktan ito, at nag flashback nanaman yung confrontation nila ni Drake dun sa party.
BINABASA MO ANG
Where Angels Fall....
Short StoryWe have our own choice, we have our own destiny. We draft our own destiny, we write our own life story. We commit mistakes, but as we fall, we learn and stand strong.