Ayuh's PoV
"Huhuhuhu!! Daddy, wake up! Please! We need you!" iyak ni Aika habang niyuyogyog ang hospital bed kung saan nakahiga si Daddy na hindi na humihinga.
"Aika, stop that. Hindi yan nagugustuhan ni Daddy. Stop crying infront of him!" sabi ko habang pinipigilan ang pagluha.
"But he doesn't deserve to be like this! I-it's unfair! So unfair!! Huhuhu!" sabi niya habang nagpupunas ng luha.
Lumingon ako kay Mommy na nagpipigil na humagulgol. Napahawak nalang siya sa kaniyang bibig at walang magawa kundi ang umiyak ng tahimik. Naaawa ako sa kaniya..
Walang dahilan para iwan kaming gan'to kadali ni Daddy. Anong ginawa namin para kunin siya ng maaga sa amin!? Damn, I hate this feeling! Sana ako nalang ang nagka cancer! Mahihirapan kami.. Lalo na si Mommy. Alam kong mahirap tanggapin ang lahat pero sabi ni Daddy kayain daw namin. Pero paano nga namin kakayaning mawalan ng isang mabuting Ama, Asawa, at kaibigan?!
Napalingon ako kay Tita Dally at Tita Gin pinsan ni Daddy na umiiyak din pero kagaya ni Mommy ay mahina lang. Ang mga pinsan kong nagpipigil ding umiyak pero hindi napipigilan. Si Tito Yushiko na kapatid ni Daddy na naiinis. Paano 'to? Marami kami at isa lang siya! Ang unfair talaga, tama si Aika!
"Aika ijah, tanda mo sinabi ng Daddy mo? Hindi talaga maiiwasan 'to. Nasa pamilya natin ito kaya kailangan talagang mag handa. Masakit man pero kailangan nating tanggapin kung sino man ang magkakaroon nito." sabi ni Tita Gin.
Yeah, she's right! Nasa pamilya namin ang pagkakaroon ng cancer. Nakakainis pero tanggap kong kasama ako sa pamilyang ito. Mayaman kami pero wala kaming magagawa kapag gan'to na ang mga pangyayari. Kapag may isa ng mawawala wala na kaming magagawa pa doon. Swerte nalang ni Lola Jes at hindi siya nagkaka cancer.
Si Lola Jes ay Lola ni Daddy. Yes, Great Grandmother ko siya at buhay parin hanggang ngayon. Hindi nga siya nagkaroon ng cancer biniyayaan pa siya ng mahabang buhay. Siguro mga 100+ na siya? Ewan hindi ko na matandaan.
"Parating na raw si Lola Jes. Nagmamadali siya na makapunta rito. What should we gonna do?"
"We'll wait here?" tanong ni Mommy.
"No, baka mapano siya. Sunduin ko nalang siya-"
"Yuriko! Yuriko, apo ko! Huhuhu, jusko!" si Lola habang papasok siya sa kwarto ni Daddy.
"Lola, dahan dahan po. Baka mapano kayo.."
"No! No! No! Yuriko apo! Gumising ka.. Kailangan ka ng mga anak at asawa mo! So stand up! Kore ga hassei suru koto wa dekimasen!" paghagulgol ni Lola habang nakaluhod at hinahampas si Daddy.
Translation: 'Hindi 'to pwedeng mangyari!'
"Grandma, tama na po.. We understand.."
"No, you don't have to understand Mellisa. Bakit ba kasi sa ating pamilya pa!?"
"Grandma, alam mo naman kung bakit.." sabi ni Tito Yushiko.
"Hajahajahaja.." iyak ni Lola.
Wala akong nagawa kundi ang tumungo at umiyak. "Lola, we used to understand this right? Tanggap naman po namin eh.." sabi ko na mismo.
Kakaonti nalang kami kung mapapansin niyo. Mga sampu nalang siguro kaming nabubuhay na magpapamilya. Ang iba nasa Japan, Korea, at Amerika. Dinala nila ang mga pamilya nila malayo sa amin. Dahil akala ng ibang kapamilya at kamag-anak namin ay mawawala ang pagkakaroon ng cancer sa pamamagitan ng paglayo sa pamilya.
BINABASA MO ANG
When I Look Into Your Eyes [ON-HOLD]
Teen FictionPaano kung ang dalawang taong nakamove-on na mula sa kanilang mga ex ay magkita? Pinagtagpo ng tadhana para mahalin ang isa't isa.. Kayanin rin kaya nila ang pagsubok na darating gayong may pag-asang balikan sila ng mga ex's nila?