Ayuh's POV
"Gotcha!"
"Ano ba!" Inis na singhal ko sa kaniya.
"Hahahahahahaha!!" Tawa niya. Nababaliw na siya. Dapat pala hindi ko siya kinausap o hinayaan man lang na hawakan ako kanina.
"Mahilig ka talagang manghila, ano?" Sabi ko.
Tiningnan niya naman ako. "Anong mahilig manghila?"
"Tsk! Ano na naman ba kasing kailangan mo?" Tanong ko. Agad naman siyang lumapit sa'kin. "Mahilig ka rin palang lumapit?"
Bigla naman siyang lumayo sa'kin at humawak sa batok niya. "May itatanong kasi ako sa'yo kanina bigla mo nalang akong iniwan.."
"Ano ba kasi 'yon?" Iritang tanong ko.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya na ikinagulat ko. So, gusto niyang malaman ang pangalan ko? "Kasi... Hindi ka naman nagpakilala sa'kin!"
"Huwag mo nalang alamin.." sabi ko habang nakatuon ang mata sa paligid.
"Gusto kong malaman.." sabi niya pero hindi ko iyon pinansin, akmang maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. "Sabihin mo, bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo?"
"Wala akong panahon sa'yo. May importante pa akong gagawin." Sabi ko pero hindi niya tinanggal ang kamay niya sa braso ko. "Pwede bang binatawan mo ko?"
"Ayaw.."
"Bitaw.."
"Magtutuos pa tayo.."
"A-anong----magtutuos?!"
"Dahil sa'yo kaya ako napahiya!"
"Dahil sa'kin----napahiya ka?!"
'Teka, kanina lang eh okay kami. Anong nangyari dito?'
"Oo! At gusto kong gumawa ka ng paraan para makabawi sa pagpapahiyang ginawa mo sa'kin!"
Ano bang sinasabi nitong lalakeng 'to? Kailan ko siya pinahiya?!
"Excuse me. Hindi ko nga alam kung pinahiya ba kita o ano eh. Pinahiya nga ba kita?"
"O-oo! Dun sa bahay niyo!"
"Your name is Zaide, right?" Sabi ko. Natigilan siya bigla.. Sabi na nga ba eh, bobo rin 'tong isang 'to.
"P-pano mo nalaman ang---"
"Aish! Nagpakilala ka sa'kin.." hindi makapaniwalabg sabi ko.
"Oo nga pala.." wala sa sariling sambit niya. Napailing ako at akmang tatanggalin sana ang kamay niya sa braso ko ng mahuli niya ang kamay ko. "Huwag ka ng magtangka! Hindi ko 'to tatanggalin.." nakangising usal niya pa..
Taas noo naman akong nagpakita ng tapang sa kaniya. "Tatanggalin mo, o ako ang magtatanggal?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "Baka kapag ako ang magtanggal pati daliri mo ay matanggal pa sa mga kamay mo.."
"Tss.. Kailangan pati daliri ko sa kamay tatanggalin mo?" Tanong niya. Ngumisi ako bago tumango. Nakita ko naman siyang nagmake face kaya natawa ako. "B-bakit ka tumatawa?!"
BINABASA MO ANG
When I Look Into Your Eyes [ON-HOLD]
Teen FictionPaano kung ang dalawang taong nakamove-on na mula sa kanilang mga ex ay magkita? Pinagtagpo ng tadhana para mahalin ang isa't isa.. Kayanin rin kaya nila ang pagsubok na darating gayong may pag-asang balikan sila ng mga ex's nila?