CHAPTER FOUR

138 42 9
                                    

(A/N: Salamat po sa mga naghihintay ng mga mababagal kong update. Mahirap lang po kasi at naka mobile data lang. ^___^v Sana subaybayan niyo parin.. Don't forget to vote and comment!)






Ayuh's PoV


"Ano ba?!" Singhal ko kay Zaide ng hilahin niya ulit ako. "Bakit mo 'ko hinila?"

"Para mapunta ka dito." nakangising sabi niya.

"Tigilan mo nga ang pagsunod sa'kin."

"I'm not. Anong akala mo sa'kin stalker mo?" Sabi niya habang inilalapit ang mukha sa'kin. Tumango naman ako. "Huwag kang assuming," bulong niya kaya itinulak ko siya palayo.

"Hindi ako assuming! Sadyang mukha ka lang talagang stalker sa galaw mo." Pangiinsulto ko.

"What?!"

"What, what, what, watawat!" Sabi ko at akmang aalis na ng hilahin niya ako sa braso. "Ano ba---bitawan mo nga sabi ako!" Inis na sabi ko.


Nagpumiglas ako pero sadyang malkas siya kaya hindi matanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kung hindi lang siya gwapo kanina ko pa siya sinipa sa mukha.


"May sasabihin ako sa'yo.." seryosong sabi niya na ikinatigil ko.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya.

Ngumisi siya.. "..Ang panget mo." Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bigla ko siyang pinagsusuntok. "Aray---ahh--ano ba! Masakit!"

"Bwisit ka! Hinila mo 'ko mula sa mga kaibigan ko dahil sasabihin mo lang 'yon?!" Inis na sabi ko at muli siyang pinaghahampas sa katawan.

"Masakit sabi, ano ba!" Sabi niya at hinuli ang kamay ko. Binawi ko naman ito agad, siya naman inayos niya ang damt niya. "Nagbibiro lang ako. 'Wag kang manghahampas ng basta basta!"

"Bwisit ka! Ay ewan! Talk to my hand!"

"Anong talk to my hand?!"

"Talk to my hand.." ulit ko.

"A-ano nga yun?"

"Ang bobo mo! I can't believe na nakaabot ka na ng senior high!" Mataray na sabi ko.

"What?!"

"What what what watawat!!" Sabi ko na naman. Natawa ako dahil parang hindi na niya ako maintindihan. Hahaha.. Ang bopols niya. Nakaka---ewan..

Tumalikod na ako at naglakad na ulit pero narinig ko pa siyang tinawag ako. "Hoy! Hindi ko po alam name mo! Oyy!!"


Napangisi ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Wala akong balak sabihin ang pangalan ko..

Dumaan ang mga subjects at recess na panay ang lingon ko kay Ciaza. Para kasing konti nalang ay iiyak na siya. Hindi rin siya makapagsalita ng tama. Puro utal lang ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Tinanong ko siya pero ang sagot niya palagi ay ayos lang siya. Tinalo niya pa ako ng mamatay si Daddy. Hindi ako naging ganyan, ano naman kaya ang dahilan ng babaeng 'to?

Nang mag CR siya saka lang siya ulit naging madaldal pero batid kong meron parin siyang problema. Pinipigilan niya nga lang ito dahil siguro ay alam niya na nagaalala ako.


When I Look Into Your Eyes [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon