Ayuh's POV
Umorder ako ng pizza yun lang tapos coke float. Sila naman ewan ko na. I don't care also.
Ngulat ako ng biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ko bigla akong nainis dahil si Zaide pala yon.
"Ano na naman?"
"Hindi pa nga eh.." nakapout na sabi niya.
Napalikit nama ako sa inis. "Araw-araw ba ang dalaw mo? Araw-araw ang init ng ulo mo eh.."
Hinarap ko siya. "Dahil yun sa'yo! Kaya huwag ka ng magtaka!" Inis na sabi ko.
"OUCH!!" Sabi naman ni Ciaza. Tiningnan ko lang siya bago bumalik sa pagkain. "Zaide, may gf ka na?"
Nabulunan naman si Jef. Pano ko nalaman yung name niya? Well, syempre sinabi niya!
"Type mo si Zaide noh?" Tanong ni Jef kaya namula talaga si Ciaza as in super pula ng pisngi niya. "Hahaha.. May nililigawan kasi yan eh.."
Tumaas naman ang kilay ko dahil doon. May nililigawan siya? Eh bakit nung tinanong siya ni Grandma sabi niya wala? Napakuyom ako ng kamao. Napakasinungaling talaga niya! Grabe gusto kong pumatay!
"T-totoo?" Parang iiyak ng sabi ni Ciaza. Nahihiya man si Zaide pero tumango siya. "Okay lang! Feelings change naman eh.."
Sa tingin ko, matagal pa bago yan mawala. Kilala kita Ciaza, sinong niloloko mo? Ako? Huh!
"Ikaw.." napalingon ako kay Dart ng magsalita siya at hindi ko inaasahang sakin siya nakaharap. "May boyfriend ka na?" Tanong niya.
"W-wala pa.." nahihiyang sambit ko.
Para namang nakahinga siya ng maluwag at ngumiti ng totoo. Napangiti naman ako dahil doon.
"Tch!"
Hindi ko nalang pinanasin si Zaide na kung ano-ano ang ginagawa. "Kung ganon.. Can I----"
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggg!!*
Hindi na naituloy ni Dart ang sasabihin niya ng biglang magring yung bell senyales na bumalik na sa kanya kanyang room.
"Uhmm.. Una na 'ko, guys. May gagawin pa kaming projects ng classmates ko." Sabi ko at naglakad na paalis sa canteen.
***
"Uy, Ayuh, next two weeks na yung sport fest, sasali ka pa?" Tanong ni Hannah habang gumagawa kami ng project.
Umiling ako. "Hindi na, magiging busy kasi ako ngayong buwan pala," sagot ko.
"Ahh.. Mabuti naman at nagsabi ka agad, hindi ko pa napapalista yung name mo."
Tumango naman ako habang itinatali ang ribbon sa ginagawa naming pink basket. "Ayan, tapos na!"
"Wait, eto pa oh," sabi niya at tinali ang ribbon sa likod ng basket. "Yaaan.."
"Wow! Ang ganda!" Sabi ng isa naming classmate ng makalapit at makita yung gawa namin.
"Syempre! Kami pa!" Sabi ni Hannah at tumawa ng mahina.
Pagkatapos ng klase sama-sama kaming tatlo nina Hannah at Ciaza. Naglunch kami sa school habang nagkukwentuhan.
Tawa kami ng tawa ng mapansin kong parang hindi mapakali si Hannah.
"Hannah? Okay ka lang ba?" Tanong ko pero hindi niya ito sinagot. Bigla siyang tumayo kaya nagtaka ako.
"U-uhmm.. Naalala kong tumawag pala sa akin si Papa kanina at sabi niya sabay raw kami maglunch!"
BINABASA MO ANG
When I Look Into Your Eyes [ON-HOLD]
Ficção AdolescentePaano kung ang dalawang taong nakamove-on na mula sa kanilang mga ex ay magkita? Pinagtagpo ng tadhana para mahalin ang isa't isa.. Kayanin rin kaya nila ang pagsubok na darating gayong may pag-asang balikan sila ng mga ex's nila?