Marami sigurong typos, pagpasensyahan at pagtiisan. Thanks, love lots ko kayo!!
***
Zaide's PoV
Kinakabit ko ang botones sa polo ko habang nakaharap sa salamin ng biglang magring ang phone ko. Kukunin ko na sana ito ng hindi ko sinasadyang mahulog ang towel na nakapatong sa ulo ko. Mabilis ko itong pinulot at saka sinagot ang ikalawang tawag.
Zas calling..
"Hello?"
"Nasan ka!?"
"N-nandito sa kwarto ko. Bakit ka ba sumisigaw!?" Inis na sabi ko.
"Alam mo namang ayaw kong tumatawag ng ikalawang beses 'di ba?!"
"Tsk! Bakit ba kasi?"
"Magbihis ka ng pormal para sa lamay."
"Woah! Wag namang ganyan, di porket tumawag ka ng dalawang beses ipapaburol mo na 'ko! Parang di kita kapatid ah?"
"Psh! Wag ka ngang maraming satsat! Gwain mo nalang!"
"Eh bakit nga kasi!?" Naiinis na ko dito sa kapatid kong 'to. Kung hindi ko lang kapatid eh..
"Psh! Namatay na kanina ang CEO ng Fujita Company. Dadalaw tayo ngayon doon sa burol."
"Ah ganon ba? Busy ako eh.."
"Talaga!? Maghanda ka narin pala at baka isunod kita!"
"Oo na! Oo na! Magbibihis na ako ULIT!!"
"K, Sayonara!"
Translation: 'Bye!'
Inend niya na ang tawag. Namatay na ang CEO ng fujita company? Ang bilis ah. Isang beses ko palang siyang nakita at nakilala ko siya agad. Mabait siya kaya nakapagtataka naman na mawala siya agad sa mundo. Tsk, kawawa naman.
Balita ko maganda at sexy ang panganay niyang babae. Naiimagine kong makikilala ko siya mamaya. Wew! Gwapo ko talaga..
"Haist! Kung tutuusin pinanganak na akong gwapo eh. Pero bakit gumagwapo parin ako? Grabeng biyaya naman ito God. Haha!"
Mukha akong tanga. 0__0?? Tss..
Nagbihis agad ako ng pormal. Yun sabi ni Zas eh. Kung hindi lang siya mas matanda sa akin kanina ko pa siya sininghalan ng mas malakas sa sigaw niya. Tsk, kawawa ako sa Ate ko eh.
Pagkabihis na pagkabihis ko sakto namang tumawag si Dart. Kahit naiinis ako sa kaniya ay sinagot ko parin.
"Oh? Kailangan mo?" Sarcastic na tanong ko.
"Brad, sorry na nga diba? Di makalimot?" Natatawang sabi niya kaya nainis talaga ako.
Bumuntong hininga ako. "Sinong hindi makakalimot sa ginawa mo? Pinahiya mo ako sa harap ng nililigawan ko. Kaibigan mo ba talaga ako bro?" Inis na tanong ko.
"Oo naman! Pinsan ko lang naman kasi ang nililigawan mo at kilala kita. Sa huli papaiyakin mo ang Pinsan ko Zaide. Not her, okay?"
"Eh siya trip ko eh. Pakialam mo ba!?" Medyo pasigaw na sabi ko.
"Chill ka lang! Kahit wala ako dyan alam ko ng umuusok na ang ilong mo brad.. walang sigawan.."
Buti alam mo!
"Fine, para makabawi ka. Samahan mo ko."
"Samahan saan? Busy ako eh.."
=___=
BINABASA MO ANG
When I Look Into Your Eyes [ON-HOLD]
Teen FictionPaano kung ang dalawang taong nakamove-on na mula sa kanilang mga ex ay magkita? Pinagtagpo ng tadhana para mahalin ang isa't isa.. Kayanin rin kaya nila ang pagsubok na darating gayong may pag-asang balikan sila ng mga ex's nila?