CHAPTER THREE

212 40 17
                                    

Ayuh's PoV

Isang linggo na ang nakalipas ng ilibing si daddy. Marami ang dunalo ng ilibing si Daddy. Marami ang umiyak, marami ang 'di makapaniwala, at higit sa lahat marami ang hindi tanggap ang nangyari kay Daddy. Nangunguna na roon si Grandma, iyak siya ng iyak at hindi na siya napigilan nila Mommy. Kahit si Mommy at Tito Yushiko ay hindi rin matanggap. Ganon din ang mga Pinsan nila Daddy.

Dumating si Lola Leizel at Lolo Yasho ang Mommy at Daddy ni Daddy. Nasa Japan kasi sila nakatira, kami lang ang nandito sa Pilipinas. Iyak ng iyak si Lola Leizel at Grandma kaya naman pati ako ay nasasaktan.

Ngayon, balik school na 'ko. Kahit ayaw ko pa ay pumasok talaga ako sahil isang week akong hindi nakapasok. Wala rin akong ganang makinig pero pinipilit kong makasagot ng maayos tuwing ako ang tinatanong ng Lecturer namin.

"Huy, Ayuh. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ciaza kaya nabalik ako sa wisyo.

"Hmm.." tango ko.

"Parang hindi eh.."

"I'm okay. Don't worry.." pilit ngiting sabi ko.

"Parang hindi! Tingnan mo nga, kanina pa 'ko dito satsat ng satsat akala ko nakikinig ka pero hindi naman pala! Sure kang okay ka?!"

"Psh! Don't ask me.. Halata mo naman sigurong hindi ako okay dahil sa nangyari.. Nagtanong ka pa?"

"Hmp! Anong kakainin mo?" Tanong niya kaya napansin kong paounta na pala kami sa Canteen.

'Aish! Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang recess na pala at papunta na kami ng Canteen!!'

"K-kahit ano nalang.." sabi ko at binilisan ang paglalakad patingong canteen.

Nang makarating kami ay agad kaming umupo sa table kung saan kami palagi. Siya na ang kumuha ng mga pagkain kaya naiwan akong mag-isa. Masyadong malaki ang canteen na ito para sa mga istudyante.Kung ilan ang rami ng mga estudyante dito ay dalawang beses pa ang laki nito. Parang pati outsiders ay pwedeng pwede rito.

Nahagip ng mata ko ang tatlong lalaking papasok sa canteen. Hindi, sa gilid sila dumaan at hindi ko alam kung bakit. Nanlaki ang mata ko ng medyo mapaharap sa akin ang mukha ng isang lalaki. Nasa gilid siya kung saan siya ang una kong makikita.

Siya yun.. Yung nakabangga ko sa bahay. Kung ganon, may posibilidad na makita ko ang lalaking iyon?

Hindi nga ako nagkamali dahil kasama niya ang lalaking iyon. Ang anak nila Mr. and Mrs. Yoshioka. Yung Zaide Simon.. Tsk! Mabuti nalang at nasagilid siya at hindi niya talaga ako makikita. Hindi niya ako nakikita. Maski yung kaibigan niya ay hindi ako napapansin.

Hindi ko akalaing dito rin siya pumapasok. Malamang, hindi ko pa siya nakikita nung mga nakaraan na pagpasok ko rito.

Nagulat ako ng hindi ko napansing nalapag na pala ni Ciaza ang mga pagkain kaya napaayos ako ng upo. Umupo siya at naglibot libot muna ng tingin. Nagtaka ako dahil don.

"Anong tinitingnan mo?"

Sumilay ang ngiti sa labi niya ng parang nakita na niya kung sino ang hinahanap niya. "Ayun.. Siya yung lalaking nakita ko roon sa bahay niyo. Yun oh!" Sabi niya na agad ko namang nilingon.

O___O

"Siya!?" Gulat na tanong ko.

Tumango naman siya habang nakangiti. "Ang gwapo niya, diba? Hihihi.."

Napaiwas agad ako ng tingin sa tinitingnan niya. Napangiwi rin ako ng wala sa oras.. "Anong gwapo dyan? Naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

"O-oo naman! Bakit hindi ka ba nagagwapuhan sa kaniya?"

When I Look Into Your Eyes [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon