CHAPTER 1
I fell in love.
I didn’t know why it happened, I didn’t know how. I just did.
But I know that this feeling is wrong. Really, really wrong. Because I fell in love with someone that I know that will not return that love. And because we live in different society.
Marami na akong nakilalang may itsura, pero di ko alam kung bakit sa kanya pa tumibok ang puso ko ng ganito. Na nananayo ang aking balahibo kapag napapadaan siya sa grupo namin. Na parang kumpleto na ang araw ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti, kahit di sa akin nakatuon ang ngiting iyon.
Nagsimula ang damdaming ito noong pumasok siyang late enrollee sa klase namin. Dahil nga mayaman ay napayagan pa rin itong makapasok. Ayon sa pagkakarinig ko ay kakauwi niya galing Amerika dahil nakipagburol sa kamamatay niyang lolo. Kaya pala napansin kong tila wala siyang buhay noong pumasok siya ng klase, pero di iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Tulad siya ng mga leading man sa mga romance novels na nababasa ko, akala ko’y wala ganoong lalaki pero nagkamali ako.
Ethan Valdemor. Pinagsamang karangyaan at mala-adonis na pagmumuka. Matangkad, moreno, matikas ang katawan, matangos ang ilong at mga matang kulay tsokolate na parang gusto mong malunod kapag nakatitig ka rito.
Ang ama ay kilalang haciendero at nagmamayari ng sikat na business firm sa Pilipinas, ang Valdemor Enterprises. Ayon sa mga narinig ko sa mga iba kong kaklase ay isang Pranses at kilalang fashion designer sa Paris ang nanay niya. Nagiisang anak lang ito at ang tanging tagapagmana.
Kaya lahat nalang ng babae sa klase ay halos di magkamayaw ng pagpapacute sa kanya. At ang swerte nila kung lalapitan niya. Pero alam kong di ko magagawa iyon, kahit na ganito ako ay may pride pa rin naman ako. Tsaka alam ko na kahit magsirko ako sa harapan niya ay hindi niya pa rin ako papansinin.
Kahit kolehiyo na ako ay may grupo-grupo pa rin kami. Masasabi mong ako yung grupo ng mga nerd, laging nagbabasa, laging nagaaral. Kaya ako yung nilalayuan, sinasabing out. Hindi nila kasi naiintindihan ang pagpupursige kong magaral dahil sila’y may kaya sa buhay at ako’y tanging sa scholarship umaasa. Swerte na nga lang at inabot ako ng 3rd year sa Business administration major in Marketing.
Ang tanging masasabi ko sa akin ay ako ay nakasalamin, slighty chubby pero matangkad naman kaya hindi akong nagmumukhang bola, morena ang kutis at may hugis-pusong mukha. Para sa akin ay hindi ako maganda, ‘di tulad ng mga kaklase kong mistisa, pero sabi ng nanay ko ay nasa akin ang gandang Pilipina lalo na kung tatanggalin ko ang salamin ko at mag cocontact lens. ‘Di ko naman magagawa iyon dahil sa bukod na pangmaitainance noon ay ayoko nang makadagdag gastusin pa sa pamilya.
Apat kaming magkakapatid, pero tanging ako lang ang nakatuntong ng kolehiyo. Ang nanay ay nagmamay-ari ng pwesto sa palengke, ang tatay ko naman ay iniwan kami bago pa ako ipinanganak kaya hindi ko rin siya nakilala. May asawa na ang dalawa kong kapatid na babae at nasa ibang bansa naman ang panganay namin, isang OFW sa Qatar. Siya at ang nanay ko ang nagtutulungan para makapagtapos ako ng kolehiyo, masasabi nating sa akin nila tinutupad ang mga naudlot nilang pangarap.
Mahilig akong magbasa at mangolekta ng mga romance novels, kumanta, sumayaw. Kahit imposible ay nangangarap ako ng happy ending tulad ng mga nababasa kong nobela, where the hero sweeps her lady off her feet and brings her into his castle and will make her happy forever. Kahit sobrang cliché na ng mga ending na ito ay hindi pa rin maiwasan na manalangin ako na sana maging katulad ako ng babae na may tall, dark and handsome prince na magmamahal sa’yo ng lubusan at paliligayahin ka all the days of your life; na tatanggapin ako sa panlabas na anyo, the one that will not jugde me according to my social status but my personality, the one that will love me just as I am.
BINABASA MO ANG
FOREVER, MY LOVE
Teen FictionNa love at first sight na si Isabel kay Ethan noong college siya, pero biglang umalis si Ethan. After 6 years, magbabalik pa ba ang damdaming iyon ni Isabel? At mararamdaman na ba ni Ethan ang pagibig sa puso niya?