Chapter 4

19 0 0
                                    

CHAPTER 4

Nagtagal ang usap-usapan sa pangyayari ng ilang araw. Itinigil na rin ni Chloe ang pangaasar sa akin, pero kapag tinitingnan niya ako ay parang gusto niya akong mawala sa mundo. Kahit papaano ay nagkaroon na ako ng ibang kaibigan, mga taong kinakawawa din ni Chloe. Sabi nila na nandyan lagi sila kung may kailangan ako dahil ako lang daw ang kauna-unahang taong bumangga sa malditang iyon, kaya parang may utang na loob sila sa akin. Nagkamali yata ako na may round two pa, dahil alam ni Chloe na marami na akong kasangga na di magaatubiling gawing pisikalan ang laban. Kahit papaano ay namayapa din ang buhay-eskwela ko.

Kahit tinulungan ulit ako ni Ethan ay wala pa ring nagbago sa turingan namin. Hindi na naman niya ako kinakausap, wala pa ring pansinan sa klase. Pero lagi ko siyang nakikita, at hindi pa rin nawawala ang pananayo ng mga balahibong pusa ko.

Buwan na ngayon ng Setyembre. Hindi ko napansin ang paglipas ng panahon. Malapit nang magsembreak at kailangan kong magaral ng mabuti lalo sa finals para ma-maintain ko sa scholarship.

Ang pangalawang linggo ng buwan na ito ay foundation week ng University. Lahat ng mga clubs ay naghahanda ng mga booths, pati rin mga food at game stalls. Abala ang lahat lalo na ang mga taong namamahala sa paggawa ng school paper dahil kailangan nilang malaman lahat ng detalye at magbigay ng report sa head nila.

Pero nagkaroon ng problema nang biglang nagkasakit ang school photographer. Dahil nga kaibigan ko ang president ay ako ang kanyang nilapitan para maging substitute photographer sa araw na iyon. Mahilig akong manguha ng pictures kahit sa cellphone lang, sumali na rin ako sa mga photo contest sa school. Kahit di ako naging first ay nakakuha naman ako ng special awards.

Nagsimula na akong manguha ng mga litrato sa iba’t-ibang lugar. Dahil din sa nakaatang na trabaho ay kailangang kong pumunta sa gaganaping concert na gaganapin sa school grounds mamayang hapon.

Habang nagsasaya at nakikijamming ang lahat sa tugtugan ay kumukuha ako ng mga larawan. Hindi ako mahilig sa genre na music na pinapatugtog, I’m more on oldies and love songs. Kaya nga sinasabi din nilang old fashioned ako eh.

Habang kumukuha ako ng larawan sa banda ay nahagip ng camera ang mukha ni Ethan. Naramdaman ko na naman ang muling pagbilis ng tibok ng puso ko. Pero bigla itong nanikip ng makita ko na may kasama siyang babae na halos magkadikit at nagtatawanan sa kanilang pinaguusapan. At matapos ng ilang minuto ay nakita kong hinalikan ng babae ang pisngi niya.

Jealousy filled me. Alam kong wala akong karapatang pagselosan siya dahil di naman kami. Pero masakit parin na malaman na may ibang pinagpopokusan ng atensyon ang mahal mo. I’ve always imagined myself being in his arms, so I felt that my heart was ripped apart.

Tumakbo ako papunta sa banyo para doon maglabas ng pinipigil na luha. Pagkatapos kong umupo sa cubicle at nilabas ang aking nararamdaman ay may narinig akong boses sa labas. Nakilala ko agad ang matining na bose ni Chloe at kanyang mga kasama. Pinaguusapan nila ang lalaking dahilan ng kalungkutan ko ngayon.

“I hate him! Lagi akong nagpapacute sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Akala ko tease lang pero taken na pala siya! Di naturingang mas maganda pa ako sa babaeng iyon!”

“Girl, bakit pa kasi humahabol ka pa sa lalaking iyan? Di ba nililigawan ka ni Mike, yung MVP.” Ang sagot naman ni Cindy, isa sa mga kaibigan niya habang naglalagay ng foundation.

“Wala kang pakialam sa ginagawa ko! I always get what I want, and who I want is Ethan!” Sigaw ni Chloe sabay labas ng banyo kasunod ng kanyang mga kasama.

Mga ilang minuto ang lumipas bago ako lumabas sa cubicle. Kahit papaano ay naaawa ako sa kanya. ‘Di pa rin siya sumusuko kahit nakita niya na may kasamang iba si Ethan. Alam kong mas deserve ni Ethan yung babae, dahil nakita ko kanina ang kaligayahan na nasa mata ng isa habang nakikipagusap sa kanya. Ikumpara mo lang kay Chloe na sigurado akong kapag naging sila’y walang aatupagin kundi ang sarili niya.

Naghilamos ako at tumingin sa salamin. Namumula pa rin ang mga mata ko at halatang galing sa pagiyak. I felt and look like a total wreck. Mukha siyang masaya sa babaeng iyon, If he was happy, I was happy for him. But I’d never actually be happy. Inisip ko ang mga pangyayari simula ng pumasok siya sa classroom hanggang sa mga oras na ito. Sa mga panahong naganap ay ito ang laging mga tumatanaw sa isip ko: Ano ka ba Isabel? Bakit kasi naibigay mo ang puso mo sa lalaking hindi naman ibibigay ang sa kanya? ‘Wag kang trying hard! Alam mong kahit kailan ay walang magkakagusto sa iyo, bakit ka naman aasa na ang isang gwapo at mayaman ay magkakagusto sa isang pangit at mahirap na tulad mo?

Nagpasimula na naman ng mga luha ang huling bahagi ng iniisip ko. Pero pinigil ko ulit ito ng bumalik sa isipan ko ang kailangan kong gawin. Kung hindi ako nagtagumpay sa isang aspeto ng buhay ko ay hindi ko papayagan na matalo ako sa isa pang bagay na mahal ko. Hindi ako makakakuha ng larawan kung nasa banyo lang ako.

Pushing the past happenings at the back of my mind and focusing on the task ahead, I took the camera and will fulfill my duties. I will self-loathe later and will find a way to live my life again. I hope.

FOREVER, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon