Chapter 6-8

42 0 0
                                    

CHAPTER 6

6 YEARS LATER…

Napakarami ang nangyari sa buhay ko sa mga nakalipas na taon. Fortunately, I graduated Summa Cum Laude in my course Bachelor in Science in Business Administration. Best Friend ko pa rin si Marge, na ngayon ay nagtratrabaho na sa office ng tatay niya. Gusto niya sana ako ipasok sa kompanya nila pero tumanggi ako. Kahit kaibigan ko siya ay ayokong magmukhang may backer kaya nakapasok sa trabaho. Naiintindihan niya naman ang sitwasyon ko at sinabing nandyan lang siya kung kailangan ko ng tulong.

At ngayon nga ay nagtratrabaho na ako bilang isa sa mga assistant sa Marketting Department in one of the top business firms dito sa Pilipinas. Sa bahay naman, kahit di ko na pinapayag ang nanay na magtrabaho dahil nadiagnose na may sakit siya sa puso noong nakaraan taon ay nagtitinda pa rin siya. Ayoko na siyang kontrahin dahil alam kong di rin ako mananalo.

In other words, I have a good job, good health and financial stability. Bad in love life nga lang…

Ang huli kong inisip ay nakapagbigay ng malaking buntong hininga sa akin.Kahit nakapagbawas papaano ako ng timbang ay wala pa ring nakikipagusap sa akin maliban na lamang sa mga taong may kailangan sa trabaho o yung mga naging kaibigan ko sa trabaho tulad nina Anne at Charlie. Homosexual si Charlie kaya hindi mo masasabing gusto niya ako other than friendship.

Hindi pa rin ako nagsuot ng contact lens kahit na alam kong kaya ko nang bumili nito. Nasubukan ko na kasi ito dati at nagkaroon ng iritasyon ang mga mata ko. Kaya kahit sa opisina ako nagtratrabaho ay pinagbibintangan nila akong teacher.

When people see me for the first time, they always had first impressions, just as everybody had before. Sinasabi nila na mukha daw akong mataray, masama ang ugali at mayabang. Pero nawawala ang mga impresyong iyon kapag nakilala nila ako ng maigihan. Nagkakaroon ako ng satisfaction kapag nagkakamali sila ng pagkakakilala nila sa akin at eventually nagiging mga kaibigan ko sila.

*****

Isang araw, habang ginagawa ko ang presentation para sa annual earnings ng kumpanya, nagulat ako ng makita ko ang unti-unting pagbagsak ng sales. Kakausapin ko sana ang manager namin na si Mr. Lopez pero inunahan na ako ng mag-announce ng emergency meeting ang higher boss, kasama lahat ng board of directors at staff ng kompanya.

Nagtataka ang lahat sa inanunsyong meeting na iyon dahil madalang magkaroon ng major meeting ang taas. Pero may suspetsya na ako sa dahilan ng meeting na iyon. Naupo ako sa bandang harapan kasama si Anne at Charlie. Matapos ng ilang introductions ay nagsimula ng magsalita ang presidente.

“Everybody knows about the recently financial crisis, no one is exempted from this disaster, even our company loss a lot of money and partners. But fortunately, one company offered help by merging San Jose Company with Rialto.” Lahat ay nagulat sa sinabi at nagalala na mawalan sila ng trabaho pero nagsalita ulit si Miguel San Jose. “You should not worry, because everybody will keep their jobs, and I will still be in the company as the president but Mr. Riccardi will be your new CEO.”

Matapos ang ilan pang pagsasabi ng mga concerns tungkol sa merging ay idinimiss na kami. Pagkatapos kong umupo sa cubicle ko sa upisina ay nagisip-isip ako.

Nakakagulat ang merging na ito, lalo na ang Rialto ang gumawa nito. Kilala ng lahat na isa ito sa mga sikat na kumpanya na nagmamayari ng mga shopping malls hindi lang sa Pilipinas kundi sa Europe. Kahit naririnig ko lang ang pangalan niya ay alam kong kilala si Mr. Ethan Riccardi na notorious pagdating sa business niya. Ethan. Ang pangalan na ito ay nakapagpabangon ng mga ala-ala ng aking nakaraan. Si Ethan ba na kilala ko dati ay si Mr. Riccardi?

I dismissed that thought as absurd. Maraming Ethan sa mundo, it is just a coincidence na pareho sila ng pangalan ng bagong CEO. For all I know, he is just a grumpy old man who thirsts for more wealth and power. But still that name brought a lot of sad memories…

FOREVER, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon