forever (chapter 12)
“Nay, sorry po kung ngayon lang ako tumawag. Nag-stuck yung elevator, may problema daw sa wiring.” Hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang kasama ko. Bago ako lumabas ng building ay tinawagan ko muna ang nanay. Delikado kung gagamitin ko ang telepono sa labas, alanganin na ang oras, mas mabuti na kung magiingat.
“Mabuti tumawag ka. Nagaalala na ko sa iyo. Mag-ingat ka alanganing oras na, mag taxi ka na lang.” Sabi ni nanay sa telepono.
“Opo, sige nay…” Binaba ko na ang telepono.
Matapos lumabas ng building ay pumunta na ako sa may waiting shed. Dito nag-papark ang mga taxi kaya nagtataka ako kung bakit wala sila ngayon. Malapit din ito sa police headquarters so at least it’s safe.
Ilang beses na akong kumakaway sa mga taxi ng dumadaan pero di nila ako pinaparahan. Bakit? Mukha ba akong holdaper? Narinig ko ang kulog sa langit. Kailangan ko nang magmadali, baka abutan pa ako ng ulan.
Pero bago pa ako nakasakay ay bumagsak na ang malakas na patak ng tubig na mula sa kalangitan. Hindi pa naman ako nagdala ng paying ngayon, paano na iyan? Sumilong ako sa waiting shed. Lalo akong mahihirapang sumakay.
Sa gitna ng ulan ay may napansin akong sasakyang papunta sa direksyong kinatatayuan ko. Akala ko didiretso na ito, pero sa gulat ko ay huminto ito sa harap ko.
Mas lalo akong nagulat nang magbukas ang passenger door at nakita ko ulit siya.
“Sakay na, ihahatid na kita.”
“Sir, ‘wag na po, okay lang ako. Magaantay na lang ako ng taxi.” Pero ayon sa reaksyon ng mukha niya, hindi ako mukhang okay. Mukha akong basang sisiw. Tsaka ayokong maging malapit sa kanya, lalo lang tumitindi ang torture sa akin.
“It’s almost midnight, wala nang masyadong dumadaan na sasakyan dito. And its Ethan.”
More on practicality ang dahilan kung bakit niya ako papasakayin sa sasakyan niya. Tsaka may point siya doon. Lalo pang hihirap ang pagsakay ko kung umuulan. Pumasok na ako sa sasakyan niya. Kung maganda ang exterior ng sasakyan, lalo na ang loob nito.
Leather seat at sleek furnishings. Isa ito sa mga ebidensiya ng kinalalagyanan namin, pero ‘di ko maiwasan ang paghanga.
“Where do you live?” Sabi niya pagkatapos kong magsuot ng seatbelt at pinaandar na niya ang sasakyan.
“Sa San Isidro.” Sinabi ko sa kanya ang address ng bahay namin. Nang tumango siya ay dagdag ko. “Ah, thank you.” Tumango ulit siya at ngumiti.
“Do you have the feeling of déjà vu? Parang nangyari din ito ng dati.” Sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
“Huh?” Ninanamnam ko ang mga pangyayari at hindi ko napansin ang pagsasalita niya because I am currently entoxicating myself from his closeness and his male scent. Inulit niya ulit ang sinabi niya sa akin kanina.
“Yes.”At sinabi ko sa kanya kung kailan huli itong nangyari, noong hinatid niya ako mula sa aking pagkakadisgrasya sa school six years ago.
Napangiti lang siya habang sinasabi ko iyon. How I wish that his smile was for me not at me. Dahil malayo-layo pa ang byahe sa bahay ko ay inihilig ko muna ang sarili ko sa leather seat.
*****
Naramdaman ko nalang na may yumugyog sa akin. “Isabel, saan ko idederetso ang sasakyan?” Napapitlag ako sa kinauupuan ko at hindi sinasadyang maumpog ang ulo ko sa ulo ni Ethan. Nahilo konti ako sa impact, napaungol din siya.
“I’m so sorry…” Hinawakan ko ang ulo niya. Ang tanga-tanga ko talaga!
“Okay lang ako. Ikaw?” Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
FOREVER, MY LOVE
Teen FictionNa love at first sight na si Isabel kay Ethan noong college siya, pero biglang umalis si Ethan. After 6 years, magbabalik pa ba ang damdaming iyon ni Isabel? At mararamdaman na ba ni Ethan ang pagibig sa puso niya?