Chapter 2

42 0 0
                                    

CHAPTER 2

Tiningnan ako ng resident nurse. Pagkatapos sabihang uminom ng pain killers at huwag masyadong gumalaw para madaling gumaling ang pananakit ng katawan ay lumabas na ako ng examination room. Inaasahan kong wala na si Ethan sa waiting area kaya laking gulat kong nang makita siya na nakatayo sa isang sulok.

“Thank you pala ulit sa pagdadala mo sa akin sa clinic.” Ang sabi ko sa kanya nang mapansin niya ako at lapitan. Gusto ko sanang sabihin na dapat di na niya ako dapat hinintay pero ayoko naman magmukhang assuming. Tama na ang pagkapahiya ko sa araw na iyon.

“You’re welcome, san ka ba nakatira?”

“Sa San Isidro? Bakit?” Ang gulat kong tanong. Inaasahan kong magpapaalam na siya sa akin. Bigla ang pagbilis na tibok ng puso ko sa maaari niyang isagot.

“Malapit lang ang lugar niyo sa amin, ihahatid na kita.”

“Hindi mo na dapat gawin iyon, sapat na yung pagtulong mo sa akin. Baka maabala pa kita” Ang pagpupumilit ko. “Tsaka di mo naman ako kilala ah?” Pero kilalang-kilala kita at in love nga ako sa ‘yo ang dagdag ko sana pero pinigil ang sarili.

“Hindi mo ako inaabala, tsaka pauwi na rin naman ako eh noong nakita kita, may inayos lang ako na papeles… And on the second matter, I’m Ethan by the way” Sabi niya sabay alok niya ng kamay.

Pinapagana ko ang isip sa mga nangyayari. Si Ethan Valdemor gusto akong ihatid sa bahay kahit di ko naman siya inuumbliga! Gusto kong magsisigaw sa tuwa! I must have died and gone to heaven.

Narinig ko ang pagtunog ng lalamunan niya at napansin kong nakatitig ako sa mga kamay niya. Bakit lagi nalang akong nagmumukang tanga sa harapan ng lalaking ito? Pilit kong nilagyan ng laway ang tuyo kong lalamunan.

“I’m Isabel Santos.” Sabay hawak sa kanyang nakalahad na kamay.

Parang may elektrisidad na bumalot sa buong katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Bigla kong nabitawan ang kamay niya at tiningnan ko siya kung naramdaman niya din ang naramdaman ko. Pero seryoso pa rin ang itsura ng mukha niya, baka di niya napansin o natago niya ang naramdaman.

“Okay, Isabel umalis na tayo.” Ang muling sabi ni Ethan makalipas ang ilang sandali.

*****

We drive all the way in silence. Hindi pa rin ako makapaniwala na katabi ko ang lalaking pinangarap ko, pero hindi ko kailanman maabot. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya at ang madalas na pagbangga ng aming katawan tuwing dumadaan sa lubak ang sasakyan. Ayoko pa sanang umuwi at magtagal ang byahe pero nakita ko na ang daan papunta sa amin. Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay. Matagal ang katahimikang naganap, wala kahit isa sa amin ang nagsasalita. Pagkatingin ko sa kanya ay nakatingin din siya sa akin. Ako na ang bumasag ng tensyong alam naming pareho na bumabalot sa sasakyan.

“Maraming salamat ulit, sorry kung hindi na kita maiimbitahan dahil malalim na rin ang gabi.” Tiningnan ko ang orasang nagsasabing lampas alas nuebe na. Idinahilan ko na lang ang oras pero sa totoo lang ay nahihiya kong ipakita ang bahay ko. Baka ay laitin din niya ang aking kalagayan. Gustong manatili sa isipan ko na siya ang taong may humility, not the other way around.

“Okay lang iyon, baka hinahanap na ako ni Daddy.” Pagkasabi niya ng sa kanyang ama ay parang nagdilim ang mukha niya pero bigla itong nawala na inisip ko na maaaring imahinasyon ko lang iyon. “Sa susunod ay tumingin ka sa dinadaanan mo at pagkapasok mo sa inyo ay mag-pahinga ka na.”

Nagulat ako sa huli niyang sinabi. Kahit pautos niya ‘yong binanggit ay napansin kong nasa mga mata niya ang gentleness na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Lalabas pa sana siya para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan pero pinigilan ko siya.

“Wag mo nang gawin nyan, magmumuka akong prinsesa. Kaya kong pagbuksan ang sarili ko.” Ang sabi ko na nakangiti. Paglabas ko ng sasakyan ay inantay ko munang makalayo ang sasakyan niya sa aking paningin bago ako pumanhik sa apartment na tinitirhan namin ng nanay.

Pagkasarado ng pinto ay sumandal ako sa likod nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa sa pinakapangit at pinakamasayang araw sa buhay ko ay nangyari kanina lamang. Para akong nakahiga sa ulap at nakangiti sa hangin. Nasa gayon akong sitwasyon ng makita ako ng aking ina.

“Mukha ka yatang nasisiraan ng bait Isabel! Bakit mukha kang binigyan ng isang milyon dyan at nakangiti sa kawalan?” Ang sabi ni Nanay Teresa. Mataba at maliit, may salamin nakasabit sa leeg at nakaduster. Apatnapung tatlong gulang ang aking ina, pero dahil sa hirap na naranasan ay nagmukha siyang sikwenta anyos. Siya lamang ang bumuhay sa aming apat hanggang nakapagtrabaho si Ate Marifel at kinasal ang dalawa ko pang kapatid. Kahit naranasan ng husto ang hirap ng buhay ay lagi pa rin itong masaya at nananalig sa Diyos. Utang na loob ko sa kanya ang labing-walong taon ng buhay ko at proud ako na sabihing siya ang aking nanay.

“Wala lang ‘nay, may nakita lang akong nakakatawa.” Ang tangi kong idinahilan sa kanya at naglakad sa loob ng bahay.

Bunggalow style lang ang aming bahay. Magkasama ang hapag-kainan at sala. Nasa likod ng ang kusina at ang banyo’y nasa tabi ng aming kwarto. Nagsasalo kami sa kwarto na double deck na gawa sa kahoy na nagsisilbing kama. Pagkatapos ikasal ng pangatlo kong ate ay kami na ang magkasama sa kwartong ito.

“Talaga lang ‘nak ha? Bakit ka ginabi ng husto? Yung lalaking nasa sasakyan ba ang may dahilan?” ang sabi niya habang hinaghanda ang pagkain sa mesa. Nagbihis muna ako bago ko ako nagpaliwanag sa kanya.

Nakita niya pala ang sasakyan mula sa bintana sa taas, ni hindi ko man lamang napansin. “Ma, tinulungan ko po si Grace, yung president ng school paper para sa monthly publication nila. Tsaka yung lalaking naghatid sa akin eh kaklase ko lang.” At pahapyaw kong pinaliwanag sa kanya ang mga pangyayari.

“Ganun ba ‘nak? Sa susunod ay magpaalam ka muna sa akin kung magpapagabi ka at hindi ako magalala.” Sumagot ako ng “Opo” at kumain na.

*****

Habang nakahiga ako sa kama mga isang oras ang nakalipas ay nagsalita mula sa baba ng kama ang aking nanay.

“Isabel, alam mong alam ko kung ano yung nararamdaman mo. Alam ko ring iba ang ngiting nakita ko sa iyo kanina, para iyon sa naghatid sa iyo. Sinasabi ko sa iyo, magingat ka lalo na sa mga mayayaman na iyan. Hindi ko naman sinasabi na masasama silang tao, pero halos lahat ng mayayaman na kilala ko ay masasama ang ugali. Matalino kang bata at alam mo ang tama at mali. Hindi kita laging mababantayan, at ayoko kitang masaktan.” At pinalibutan ng katahimikan ang buong kabahayan.

Gusto ko sanang sabihin ang aking nararamdaman pero alam kong tulog na si nanay. Alam kong tama ang sinasabi niya. May sixth sense si nanay pagdating sa mga anak niya. Pero paano ko pipigilan ang puso ko? Hindi ko naman sinadyang mapamahal sa kanya. At alam ko na huli na namin iyong paguusap ni Ethan. Hindi dahil sa ilang oras kaming magkasama ay magbabago na ang turingan naming sa isa’t-isa. Langit at lupa pa rin ang aming agwat. Pero pwede naman mangarap diba?

Napuno ang ilang oras ng gabi ko na nasa panaginip ang lalaking may tsokolateng mga mata.

FOREVER, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon