Chapter 5

30 0 0
                                    

CHAPTER 5

 Naibigay ko sa editor in chief ang mga larawang nakuha ko at natuwa ako dahil base sa reaksyon ng mukha niya ay natuwa siya sa mga nakuha ko. Ang bagay na iyon ay kahit papaano ay nakapagbigay ng kasiyahan sa akin dahil naalala ko naman ang mga nangyari noong nakaraang linggo. Ang ilang mga magagandang larawan ay mafe-feature sa school paper at magasin. At least may isang bagay sa buhay ko ang naging successful.

Habang naglalakad ako papunta sa klase ay narinig ko nanaman ang boses ni Chloe na mukhang nagwawala. Kalian ba mananahimik ang babaeng ito? Halos marinig na ng buong school ang alingawngaw ng boses niya, parang sirena ng bumbero! Natawa ako sa huling bahaging iyon at nagpatuloy maglakad sa classroom, pero nawala ang ngiting iyon and stop dead on my tracks ng marinig ko ang huling sinabi ni Chloe.

“Bakit hindi siya nagpaalam sa atin na pupunta siya sa France! Sandali pa lang siya rito ha! Paano na ako?” ang sabi niya habang pinulpok ang kamay sa lamesa.

“Hindi naman kayo ni Ethan ha? Bakit siya magpapaalam sa iyo?” Sabi ni Letty, isa sa “It girls” makalipas ang ilang minuto.

“SHUT UP! Bakit mo ako kinokontra ha! Baka ayaw mong maimbita sa party ko!” ang sighal ni Chloe habang pinanlilisikan ng mata ang kaibigan.

Hindi ko na naintindihan ang mga sunod na sinasabi nila. Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Wala na siya. Makakayanan kong hindi siya makausap hanggat nakikita ko siya, but this? Sabay ng pagkawala niya ay ang pagkawala ng kalahati ng puso ko. I’ve snapped out of my reverie when I heard the school bell. Pumasok na ako sa klase at umupo na sa armchair.

Hindi ako makapagconcertrate sa tinuturo ng professor. Lagi kong sinusulyapan ang upuan sa likuran at gustong siguraduhin na wala na talaga doon si Ethan. Hanggang matapos ang klase at nagaalisan na ang lahat para sa break ang di parin ako makagalaw sa pwesto ko. Dalawang salita lang ang nagta-taunting sa utak ko ng panahon na iyon. He’s gone.

Naramdaman ko nalang na may tumatapik sa balikat ko, pagkatingin ko ay nakita ko ang nagaalalang mata ni Marge. Nagsalita siya pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya nakiusap akong ulitin niya ang sinabi niya kanina.

“Ang sabi ko mukha ka yata nahipnotismo, nakatitig ka sa kawalan at may ilang beses na kitang napapansing pasulyap-sulyap sa inupuan dati ni Ethan. Sigurado akong alam mo na ang balita tungkol sa pagbalik niya sa ibang bansa.” Magdadahilan sana ako pero inunahan na niya ako sa pagsasalita. “Don’t deny it, alam ko na in-love ka sa kanya at siya ang dahilan kung bakit ka tulala kanina.”

“Adik ka ba? Anong may gusto? Oh, sige, to satisfy my curiosity, pa’no mo nasabi na hindi lang may gusto ha pero ‘in-love’ sa kanya?” Ang pagtatanggi ko pa rin sa sinasabi ng katabi ko.

“Oh sige, gusto mo pang mag-deny, simula kaya ng pagpasok niya sa klase ay lagi kitang nakikita na nakatitig sa kanya, pero di ko nalang pinapansin dahil ayaw kitang mapahiya. And you always had the dreamy eyes kapag naririnig mo ang pangalan niya. Meron pa nga akong listahan sa utak ko oh…” At sinabi niya pa ang ibang mga ebidensiya na tama ang hinala niya.

Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito ay nanlaki ang mga mata ko. Ganon ba ako kahalata? Ayon sa sinasabi niya ay mukha akong obsessed kay Ethan, pero ‘di naman ako nag-stalk sa kanya at hindi ako naglalagay sa locker room niya ng mga sulat pagibig ha? May ilang segundo kaming nagtitigan, ako ang unang kumalas. Bago ako nagsalita ay malakas akong nagbugtong hininga at tiningnan ang paligid kung may nakikinig sa amin, pero kaming dalawa lang ang nasa classroom at wala halos naglalakad sa may corridor.

“Girl, I can’t deny my true feelings for him. I’ve loved him since the minute he came here to our school. Eventhough I know that my feelings cannot be reciprocated, I’ve still hope that we can instead become friends. But now that he’s already gone, nawala na ang lahat ng pagasa kong mangyayari nga iyon.” Hindi ko naramdaman na umiiyak pala ako nang pinunasan ni Marge ang mukha ko ng kanyang panyo. Inaantay niya akong magpatuloy sa sinasabi ko. “Nakita ko din na may kasama siya dati sa concert nung foundation, alam mo parang napunit yung puso ko noong hinalikan siya ng babae.”

FOREVER, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon