Chapter 9-11

27 0 0
                                        

CHAPTER 9

Pagpunta ko sa little office ay nasa opisina na siya. Napansin ko na may nakupo na rin sa isa pang desk na katabi ko. Siguro ay siya ang sekretarya niya. Pero sa tingin ko ay para siyang pupunta sa party sa suot niya! Nakapulang jacket na ang nasa loob ay sando na hindi na halos maitago ang kalakihan ng dibdib. Nakasuper miniskirt din siya na halos makita na ang kaluluwa. Kulay pula ang buhok niya at porselanang balat. Kung ganoon man magsuot ang mga sekretarya ay hindi talagang maiiwasan na magkaroon ng sexual harassment. Pero, sana ganoon din ako kaganda at sexy. Siguro ay napansin niya na nakatingin ako sa kanya na parang specimen kaya malakas siyang tumikhim.

“Miss, ikaw ba ang bagong assistant ni Sir?” Ang tanong niya sa akin. Kinilatis niya din ako mula ulo hanggang paa. Pero ayon sa reaksyon na nakikita ko sa mukha niya ay kabaligtaran iyon ng paghanga.

“Ah, ako nga. I’m Isabel Santos.” Hindi ko pinansin ang disgusto sa mukha niya dahil sa suot kong blouse at palda na nabili sa department store at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

“I’m Jane Fabian, Ethan’s secretary.” Kinuha niya ang kamay ko with well manicured fingertips.

Hindi ko nagustuhan ang walang awtoridad niyang pagtawag sa boss. Siguro ay higit pa sa pagiging sekretarya ang role niya sa buhay ni Ethan. Biglang nanikip ang dibdib ko. Kung ako man ay isang lalaki ay maakit ako sa kagandahan ni Jane, paano pa kaya si Ethan?

Pagkatapos naming makipagkamayan ay umupo na ulit ako sa pwesto ko. Wala tayong magagawa kung ganoon nga ang sitwasyon. Kailangan gawin ko nalang ang trabaho ko at huwag nang makialam sa kanila.

Trenta minutes ang nakalipas ay nagring ang telepono na direktang naka-line sa opisina ng CEO. Habang kinakausap ni Jane si Ethan sa telepono ay napapansin ko ang tila palambing na pagsasalita ng babae. Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay nagbalik ang dati niyang tinatamad na boses.

“Miss Santos, pinapatawag ka ni Ethan sa opisina nya, pronto.”

“Okay.” Pagkatayo ko at pagpunta sa opisina ni Ethan ay muli kong sinabi sa sarili ko na ilalagay ko ang aking professional exterior. Nasa tapat na ako ng pinto at kumatok, narinig ko ang pagsasabi niya ng ‘pasok’ kaya binuksan ko na ang pinto. Pagpasok ko sa opisina ay nakita ko siyang nakaupo at mukhang busy sa pagbabasa ng ilang mga papeles. Kahit malayo ako sa kanya ay nararamdaman ko pa rin ang aura niya. Full of power and arrogance. Di ko pa rin maiwasan ang reaksyon ng katawan ko sa kanya.

Ilang segundo ang nakalipas bago niya itinuon ang paningin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang meat inspection. Hindi ako mapakali sa pag-aasess niya sa akin. Matapos ang sa tingin ko ay mahabang panahon ay nagsalita na siya.

“Miss Santos, I want you to give me the financial records of this company for the past two years.”

“Ok Sir.” I said in my professional tone. “Is there anything else, Sir?”

“No, that’s all.” Ang sabi niya sa kalmadong tono.

Tumalikod na ako at lalabas na nang biglang tinawag ang pangalan ko. “Yes Sir?”

Napansin ko sa mga mata niya na mukha niyang may gusto siyang sabihin. Siguro ay magsosorry siya, pero in my disappointment ay di niya ito sinabi, bagkus. “Nothing, you may go now.”

Lumabas na ako at bumalik sa lamesa ko. The day goes on without any complications or wrongdoings.

*****

Nasa internet shop ako kinagabihan. Gusto ko talaga malaman kung ano na ang nangyari kay Ethan sa nakalipas na panahon. His full name is Ethan Edoard Riccardi Valdemor. Nakita ko ang profile niya sa website ng isang magazine. He is considered one of the most eligible bachelors in the world. Isang taon lang ang tanda niya sa akin. Iniskim ko lamang ang bahagi tungkol sa kanyang kabataan at binasa ang mga nangyari sa kanya last 6 years.

FOREVER, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon