Chapter 3

36 0 0
                                    

CHAPTER 3

Habang binabalikan ko ang mga panahong iyon ay naisip ko na tama ang naging hula ko. Parang imahinasyon ko lang ang mga nangyari noong nakaraan araw. Hindi niya ako pinansin tulad ng dati na hindi kami magkakilala. Kung nakalimutan niya ang mga pangyayaring iyon ay nagkakamali siyang ganoon din ang gagawin ko. Nakatago na iyon sa isa sa mga memorable moments ng buhay ko. Kahit masakit na umasa na kahit papaano’y maging magkaibigan kami matapos ang pangyayaring iyon ay kailangan kong mag move on.

Napansin ko rin ang matinding pangaasar sa akin ng mga “It girls”. Sa una ay pahapyaw na tukso lang sa klase ang ginagawa nilang tatlo pero ngayon ay puros pagpapahiya at panlalait sa akin at sa aking kalagayan ko sa buhay. Mabuti na lamang at matagal ang aking pagtitimpi at malamang na pinatulan ko sila. Alam ko rin na teasing is an idiotic act at I won’t stoop down to their level that compose only of pinhead.

Habang kumakain ako kasama si Marge sa may canteen nang sumunod na araw ay nagulat nalang ako ng bigla akong lapitan ng tatlong maldita.

“Nerdy, ano itong naririnig namin na kasama mo si Papa Ethan noong isang araw at sumakay ka pa raw sa sasakyan niya!” ang sabi ni Chloe na galit na galit.

“Isabel? Bakit di mo chinika sa akin ito!” Si Marge na nagulat sa pahayag ng babae ay nagtanong sa akin at mukhang nasaktan sa paglilihim ko sa kanya.

Eh ano ba ang dapat kong ikwento ko sa kanila? I know on the outside that there’s nothing special that happened between us. Pero para sa akin ay espesyal ang nangyaring iyon that I would keep a secret for myself, unless na ikwento ni Ethan, which I doubt. He just was being a gentleman after the accident. Baka sabihin pa nila na plinano ko lahat at magmukha pa akong hahabol-habol sa kanya. Totoo naman pero di ko naman ginagawa ng lantaran.

Di ko sinagot si Marge at Chloe at nagpatuloy sa pagkain.

Nabigla ako ng bigla na lamang kinuha ni Chloe ang sandwich ko at itinapon sa basurahan. Natawa ang mga alipores niya sa likod at nag-apiran pa. “Now do I have your attention, you geek?” ang sarkastikong tanong ni Chloe sabay pagtaas ng isang kilay.

Lumampas na ang pagtitimpi ko sa babaeng ito pero di ko siya papatulan sa paraang gusto niya. Kaya kalmado akong umupo at isinandal ang likod ko sa silya. “Yan lang ba ang ipinuputok ng butsi mo? Napakababaw mo naman!” Napansin ko na biglang nanahimik ang canteen at lubusan nakikinig sa dayalogo namin. Wala na akong magagawa, nakapasok na ako sa ring, di na ako makakaatras. Di ko na kayang tanggapin ang mga insulto ng bruhang mukhang harina.

“It is not a simple thing! Everyone wants to have his attention, but he rejects them all! But you, a ugly poor nerd not only talks to him but had a chance to be close to him!”

Parang sinasabi ng bruhang ito na wala akong karapatan na maging malapit kay Ethan, ang kapal niya no! “You can pick anyone you choose, every man falls at your feet. Pero talaga yatang kulang ka sa pansin. Kailangan mo yata ng psychiatrist, nagkakadevelop ka yata ng mental disorder.” Ang sagot ko na kalmado pa rin sa panlabas pero sa loob ay nagpupuyos ako sa galit.

“What I want is for you to get out of my way! In the first place wala kang karapatan mag-aral dito, you are just a trash with uniform!” ang sagot naman ni Chloe na namumula na.

Natakot ako sa itsura niya, hindi dahil baka ipahiya niya pa ako kundi baka atakihin siya sa puso. Malay ko ba na baka may heart disease sya? Pero natutuwa din ako dahil minsan lang ako makaamanos sa babaeng ito kaya kailangan ko nang itodo. Hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan ako sa sinasabi nya dahil gagamitin niya iyong bala sa akin, kaya nananatili ang aking poker face.

“Who say’s I’m in your way? Chloe, pagaaral ang ginagawa ko, hindi paglalagay ng gawgaw at atsuete sa mukha. I’m not just some pea-brain who does not do anything but making them look a like Madame Auring. And on the trash thing, diba yun ung mga nakikita mo tuwing gabi sa kalsada? Mas mukha ka yatang ganon. Tingnan mo ang itsura mo at mga alipores mo, kamukha kayo yung nakikita ko sa Ermita! O baka kayo nga yon!” Ang sarkastikong pagtatanong ko na nagpatawa din sa mga taong nanunuod sa amin.

Napansin na ni Chloe na natatalo na siya sa labanang ito kaya ginamit niya ang alam kong huli niyang alas. “Isusumbong kita sa Daddy ko, you poor pig! I’ll make sure that you will be gone tomorrow. Magpaalam ka na sa school na ito!”Biglang natahimik ang lahat ng sinabi niya ito. Kumpare ng Daddy ni Chloe ang Dean ng school at malaki ang tsansang mangyari ang sinabi niya, pero nasa akin ang batas.

“Go ahead, be my guest. But I have the proof that will give me enough reason to counter your accusations.”Itinuro ko ang kamay ko sa buong canteen. “50 to 60 evidences that what I have done is self-defense. Tama ba ako guys?” Kinabahan ako na baka walang tumugon sa tanong ko. Lumipas ang ilang sigundo na katahimikan, namumuo na ang pawis sa batok ko pero di ko pinahalata iyon. Nobody wants to be the enemy of any member of Romualdez clan.

Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata ni Chloe na nagiisip na mananalo na siya. Susuko na sana ako ng may narinig akong sumigaw.

“I will testify for Isabel.” Came that same baritone I’ve always longed to listen.

Nagulat ang lahat ng nakita ang sinasabing punot-dulo ng gulo, si Ethan. Nagkatinginan kami at bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi na dahil sa takot. Nagkatinginan kami nang ilang sigundo nang isa-isang nagtaasan ang mga kamay ng ibang mga estudyanteng may lihim na inis kay Chloe pero natatakot magsalita. Pati rin ang mga canteen staff ay nagtaas din.

Nakita ko ang pamumula muli ng mukha ni Chloe dahil sa pagkapahiya at pagkatalo. Bigla na siyang umalis kasama ng mga kasama niya. Kawawa ang mga nakabangga niya dahil para siyang incredible hulk sa tinulak sila. Pagkaalis niya ay nagpalakpakan lahat ng tao at kino-congratulate ako. Pero alam kong di pa tapos ang laban, this is just round one.

Binalikan ko ng tingin ang lugar kung saan nandoon si Ethan, pero wala na siya. I felt a twinge of disappointment but it is overwhelmed by the happiness that consumed me for his previous action. Kung wala siya noong mga oras na iyon ay baka nasakatuparan na ni Chloe ang kanyang binabalak. Again he saved me, but I don’t want to give meaning to his actions. Maybe he is just as put up with Chloe as I am, I see him everyday practically dodging Chloe everytime she sees him. But the little chit just wouldn’t give up. Why does she force herself to someone when practically every guy in the school falls for her femine vile? I couldn’t give you any accurate answers to that. Maybe she sees him as a conquest or she wants to be more popular. I don’t know.

Matapos humupa ang mga tao ay bigla akong dinaluhong ng tanong ni Marge.

“Ang galing mo talaga girl! Tinalo mo ung bruhildang iyon. Kung di dahil kay Papa Ethan ay baka kick out ka na. Bigyan mo naman ako ng details, please…” ang pagmamakaawa niya sa akin na may puppy eyes pang kasama. Isa sa mga kinaiinisan ko sa kanya ang pagiging tsismosa, pero sa kabuuan naman ay mabuti siyang kaibigan kaya iniintindi ko na lang.

“Anong details?” Ang tanong ko pero alam ko naman ang isasagot niya.

“Yung juicy details, may something ba kayo ni Papa?”

“Anong ‘something’ ka dyan! Ung mga gusto mong detalye ay narinig mo na kanina. Tsaka kailangan bang may ‘something’ para tumulong? Naaawa lang sa akin iyon at ginawa niya rin iyon dahil para lumayo sa kanya ung sawang nagngangalang Chloe.”

“Pero bakit sobra yata kayong magtitigan kanina na parang nagrerelay ng messages sa isa’t-isa?” ang pagpupumilit ni Marge na makakuha ng impormasyon.

“Ano kami may telepathy? Tsaka ayokong magsinungaling sa iyo at sabihing meron. Iwanan na nga kita dyan, pupunta pa ako sa publishing office.” Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling pumunta sa School Paper office at iniwan ang nagiisip na kaklase.

May ‘something’ ba? Iyan ang tanong na gumugulo sa utak ko habang paakyat ng third floor. Wish kong sana meron, pero ayokong umasa at masaktan nang pagaasam ng wala. Kung meron man, bakit hindi niya ako lapitan and at least makipagkaibigan? Nakababa ng self-esteem ko ang kaisipang iyan. Pero bigla ulit tumaas nang maalala ko ang pangalawang tanong ni Marge. Kung wala kaming understanding, bakit ganoon na lang kami makapagtinginan sa isa’t-isa na para bang matagal na kaming magkakilala? Hay, nagjumble-jumble ang mga katanungang iyan sa isip ko sa mga nakalipas na oras.

FOREVER, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon