Prelude

1.7K 25 0
                                    

Yakap ko ang aking sarili habang nakayukong naglalakad sa hallway. Basang-basa ang damit ko at amoy itlog ang buhok ko.

Dahil transferee ako at malay ko bang tradisyon pala dito na buhusan ng malaming na tubig at tapunan ng itlog ang mga katulad ko na nerd.

Hindi naman ako nag susuot ng salamin or naka suot ng damit pang nerd. Active lang naman ako sa recitation kanina kasi alam ko ang sagot at dahil dun nerd na ako.

Siguro nagpakamalan akong nerd dahil doon pero ayos lang, atleast hindi nila ako sinampal o kung ano pang bayolenteng kayang gawin ng isang tao, di katulad ng mga magulang ko.

Mas niyakap ko ang aking sarili dahil umihip ang malamig na hangin. Patuloy parin akong naglalakad na nakayuko. Alam ko namang wala akong mabubunggo dahil nag si-uwi an na ang lahat.

Napahinto ako ng may dalawang sapatos ang nasa harapan ko, kumunot ang noo ko at tiningnan ito.

Pag tingin ko palang sa kanya, sumakit bigla ang ulo ko dahil sunod sunod na mga ala-ala ang naala ko.

"Okay ka lang?" Hindi ako makasagot. Masakit talaga ang ulo ko.

"Okay lang ako. Nag kilala na ba tayo noon?" Tanong ko dahil sobrang pamilyar siya sa akin.

Hindi siya agad makatingin sa akin at parang na tense siya. "Hindi ah, ngayon lang tayo nagkita. Transferee ka diba?"

Kumunot ang noo ko. Familiar talaga siya, parang matagal ko na siyang kilala. "Ahh, Oo, halata naman diba?"

"Let me help you clean up." Sabi niya sabay hila sakin papunta sa hand washing station.

Siya pala si Kaizen Harrison, classmate ko.

Kaizen... First time kong nakarinig ng kanyang pangalan pero bakit pakiramdam ko buong buhay ko siya kilala?

"Kaizen, sigurado ka bang di tayo magkakilala?" Paniniguradong tanong ko sa kanya.

Agad naman siyang umiwas ng tingin at parang namutla.

"H-hindi ah. Ba't naman mo nasabi 'yan?" Nauutal niyang sagot. Bakit siya na-uutal?

"H-hindi k-kaya ako na-uutal. Sadyang malamig lang talaga ngayon?" Depensa niya.

Napahinto ako.

"Kaizen, wala akong sinabi na na-uutal ka." Sa isip ko lang iyon sinabi.

"H-huh? Ano, halata kasi sa mukha mo na nag tataka ka. Basta, mag kita nalang tayo bukas, nandito na kasi ang sundo ko." Paalam niya at unalis agad.

Nung tumalikod si Kaizen, may nakita akong maliit na simbolo sa likod ng kanyang liig.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit at may mga ala-ala ang biglang pumasok sa isip ko.

Ang simbolo na iyon... nakita ko iyon sa aking panaginip. At hindi ako nagkakamali. Kilala ko talaga si Kaizen, pero hindi ko alam kung bakit ko siya kilala.

Enigmatic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon