Chapter 9

599 14 1
                                    

"Ooppss. My bad." Maarteng sabi ng isang babae at umalis kasama ang kanyang squad.

"Naku naku. Buhosan ko kaya siya ng tubig?! Urgh." Gigil na sabi ni Aubrey na matalim ang tingin.

Nasa cafeteria sila, nag rereview para sa exam next week. At 'yung babae kanina, binuhasan lang naman ang librong nirereview niya. Bait nila diba?

"Don't mind them." Walang ganang tugon ni Alexis habang nakatingin sa basang basang libro.

"What the hell? You're my best friend and I won't let that pass!"

Yep. They're best friends. Alexis trust her. Naglipas na ang isang buwan pero may nambubully parin sa kanya. Nerd siya eh.

"Sige ka. Mapapahamak ka lang." Banta ni Alexis at nagsimulang magligpit.

Ever since they became best friends, hindi na palaging poker face si Alexis. Dahil komportable siya sa kanya. Komportable naman rin siya kay Kaizen, ngunit iba parin pagdating kay Aubrey dahil parehas silang babae.

"Eh di parusahan nila ako. Pake ko." Sagot nito at pina ikot ang mata at tinulangan si Alexis sa pagligpit.

Mahinang natawa si Alexis. "You're so unbelievable. MCP ka pero kung makapagsalita ka para kang HCP."

Napa irap na naman si Aubrey habang tumatawa.

Ang ibig sabihin ng MCP ay Middle Class Pupil. Kung saan hindi sila nerd, hindi rin sila bully. Nasa gitna sila. Sila 'yung mga estudyanteng walang pake sa mundo. Maliban nalang kay Aubrey.

HCP naman ay High Class Pupil a.k.a The Bullies. LCP naman ang tawag sa mga nerd.

Umalis sila sa cafeteria at nagsimulang naglakadlakad bitbit ang mga basang libro.

"Sooooo, Lex. May communication parin ba kayo ni Aries? Hindi ko na kasi siya nakikita these days."

"Yep. I'm still his personal google. Kaya nga nagrereview ako para ma tutor siya sa exam nila next week." Kibit balikat niyang sagot.

Napahinto si Aubrey. "Say what? Akala ko nag rereview tayo kanina dahil exam natin next week?"

"Na move 'yung schedule natin. Next next week pa ang exam natin."

"Seryoso?! Yeeeeeeeessss! Oh! Si Kaizen oh. Kaizeeeeeeeen!" Sigaw ni Aubrey ng makita niya si Kaizen na nagbabasa sa ilalim ng puno.

"Ang ingay mo Aubrey." Kunot-noong sabi ni Kaizen habang tumatayo para salubungin ang dalawang babae.

"Grabe siya oh. Iwanan ko muna kayo, punta lang ako sa library. Ciao!" Anito at tumakbo paalis.

"Okay ka lang?" Alalang tanong ni Kaizen. Tumango naman si Alexis.

"Nakakabahan na ako." Wika ni Kaizen. Kumunot agad ang noo ng dalaga.

Nakakabahan ba ito sa papalapit nilang exam? Pero alam ni Alexis na matalino itong si Kaizen, kaya bakit ito kinakabahan?

"Hindi ako kinakabahan para sa exam kung 'yan ang ini-isip mo. Kinakabahan ako sa inyong dalawa ni Aries."

Tumaas ang isang kilay ng dalaga.

"Come on! Halos isang buwan na kayong hindi nagkikita at bukas magkikita na kayo ulit! Hindi ka ba nakakabahan?!" Hindi mapakaling tanong ni Kaizen.

Walang emosyon ang mukha ng dalaga at kalmado lang habang naka tingin kay Kaizen na halos mag-wala na.

Bakla ata itong si Kaizen.

Sa totoo lang, kinakabahan narin siya. Hindi niya lang ito pinapakita. After one month, magkikita na muli sila.

"Ang ganda mo talaga." Biglang wika ni Kaizen.

Napahinto si Alexis sa pagbabasa at agad napatingin sa kanya.

"I mean, ang ganda ng librong binabasa mo." Anito at pekeng tumawa.

Binalewala nalang ni Alexis ang narinig ag binalik ni ang atensyon sa libro. "You don't like Greek Mythology." Seryosong wika ng dalaga.

Na alarma naman si Kaizen at napapikit. Oo nga pala. He hates greek mythology.

"Ang ibig kong sabihin, maganda ang page cover ng librong binabasa mo. Si Demeter 'yang nasa gilid diba? Si Zeus tapos si Poseidon at 'yang nasa gitna diba si Percy 'yan?" Napa atras si Kaizen nang tumingin sa kanya si Alexis.

"You hate Greek Mythology."

"Yes, but I used to loved it before."

"So, why hate it now?"

"Because... because..." kinagat ni Kaizen ang pang ibabang labi. Mahirap sabihin.

Pinagmasdan lang ni Alexis ang kinakabahang Kaizen.

"Because of a friend." Anito at huminga ng malalim, tila nabunotan ng tinik. Ito ang tanong na palaging iniiwasan ni Kaizen.

"Aries." Nanlaki ang mata ni Kaizen sa sinabi ng dalaga. Hindi iyon tanong. Sumeryoso agad ang mukha ng binata.

"Yes. Dahil sa kanya. I think you know why."

Dahan dahang tumango si Alexis. Kaizen hated Greek Mythology because of Aries. Hindi niya alam ang buong detalye pero alam niyang matalik na magkaibigan ang dalawa noon.

"Please don't ask why." Kaizen pleaded.

"I won't."

"You're not curious?"

"I am."

"So, why not ask for a detailed explanation?" Naguguluhang tanong ni Kaizen sa walang emosyong Alexis.

"Kasi sabi mo, "please don't ask why", edi hindi." Simpleng sagot nito.

Napa face-palm nalang si Kaizen.

"Problema mo? Sabi mo 'wag mag tanong eh. Kaya di ako nag tanong."

"Bakit hindi mo ako pilitin?"

"Bakit naman kita pipilitin?"

"Kasi curious ka?"

"Oo, I'm curious pero sabi mo don't ask."

"Pilitin mo nga ako eh." Ngumuso si Kaizen.

"Okay. Anong nangyari sa inyo ni Aries?"

"I- I can't tell you." Umiwas ng tingin si Kaizen.

"K."

Umasim ang mukha ni Kaizen at nagdabog.

Ngumuso ito, "Pilitin mo nga ako Alexis!"

Nagtagpo ang kilay ng dalaga, "Sabi mo di mo kayang sabihin!"

"Pakipot lang 'yun. Pilitin mo ako." Ngumuso pa ito lalo.

"What happened between you and Aries?"

Nagpakawala ng malalim na hininga si Kaizen. "It's complicated, pero Alexis. I really can't tell you right now."

Tumayo si Alexis sa at sinumalang tahakin ang daan paalis.

"Ooyyy! Hintay!"

Binalewala ng dalaga at nagpatuloy lang sa paglakad.

Napahinto ang dalaga nang may marinig siyang ingay at parang may nakatingin sa kanya tila pinagmamasdan siya.

Lumilinga siya hanggang naabutan siya ni Kaizen.

"Bakit ka huminto?" Takang tanong nito.

"Kasi sabi mo hintayin kita." Sarkastikong sagot nito.

Enigmatic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon