Chapter 4

796 17 2
                                    

"THANK YOU, so much Kaizen!" Ani Alexis habang niyakap ng mahigpit si Kaizen. Niyakap din siya pabalik ng binata.

She's really thankful to Kaizen dahil sinamahan siya nitong mag perform sa stage. At dahil namimiss na niya ang kumanta sa harap ng maraming tao. She was born to be a performer.

Mabuti naman dahil pumayag si Kaizen na kumanta kasama siya. "Don't mention it." Ani Kaizen sabay gulo ng buhok ni Alexis.

Okay lang din para kay Kaizen dahil namiss niya rin ang stage. He loves music.

"You're really handsome without glasses." Namula agad ang pisngi ni Kaizen.

Agad nanglaki ang mata ni Alexis sa nasabi niya. Ugh. Why did I say that out loud?!

"Thank you. And you really look like a Goddess with or without glasses. You rock the stage earlier." Her cheeks flushed with his compliment and her heart skips a beat.

Ito ang unang beses na pinuri niya si Kaizen at hindi niya inasahang puriin din siya sa unang pagkakataon.

Kaizen is a very handsome man. Mabait at Matalino. Pero agaw pansin ang kanyang makapal na salamin kaya hindi agad napapansin ang kagwapohan nito.

ALEXIS won the talent show. She was the first nerd who joined a talent show. Walang nakakaalam kung sino siya maliban sa kanyang kaklase at nila Aries.

Ang kagandahan niya ay walang maiihantulad. Hindi kailangan ng dalaga ng make up para gumanda. Sadyang agaw pansin lang talaga ang kanyang salamin.

Even her classmates didn't recognize her. Basta nerd ka, para ka ng malubhang sakit na palaging iniwasan.

"Congrats, Alexis. See you tomorrow." Ani Kaizen pagkatapos ay ngumiti. Isang ngiti na nakakapatay. But Alexis didn't feel anything.

Naglalakad si Alexis ng tumunog ang cellphone nito, isang mensahe galing kay Aries.

Aries:

Hey Nerd, You have some explaining to do. Let's meet up at our school's bridge.

Nanlaki ang mata ng dalaga. Shocks! Nakalimutan niyang sabihin kay Aries na sasali siya sa talent show!

Hindi na nagreply ang dalaga at pumunta agad sa kanilang mini-bridge. Pagdating niya doon, nakita niya si Aries na nakatalikod. Kahit nakatalikod ito, alam ng dalaga na ito ay si Aries.

"Uhmm. I'm here..." Ani Alexis ng makalapit na siya kay Aries. Kagat niya ang pang ibabang labi. Nanginginig na ang kamay niya, hindi dahil kay Aries, kundi dahil sa lamig ng panahon.

Yep, she's not scared of Aries anymore.

Bumaling sa kanya ang binata na nakunuot ang noo. "Who are you?"

"Alexis?" Naguguluhang sabi ng dalaga. Wow naman.

Tiningnan siya ng binata sa ulo hanggat paa. Naiilang na ang dalaga dahil titig titig ang binata sa kanya.

"You're beauti– not wearing your glasses." Kumunot ang noo ng dalaga at hinawakan ang kanyang mukha. Nanlaki ang mata ng dalaga ng napagtanto niyang hindi pala niya suot ang kanyang salamin.

Suot parin niya ang white halter dress at nakasabit sa kanyang likod ang puting gitara na ginamit niya kanina.

"Yeah.. I uh- forgot." Nauutal ang dalaga. Hindi pa siya nakapagbihis dahil nagmamadali siyang pumunta kay Aries. Kaya pala nanginginig siya, naka halter kasi.

Enigmatic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon