Chapter 7

445 8 0
                                    

As usual, suot ni Alexis ang makapal niyang salamin, naka uniform, may backpack at bitbit ang kanyang mga libro habang naglalakad sa hallway. Typical nerd outfit.

Mas gusto niyang manatiling nakasalamin sa hindi malamang kadahilan. She's used to it now.

Nagtataka siya dahil walang ni isang tao sa hallway. Sa ganitong oras, dapat marami ng mga estudyante naglalakad, pero bakit mag-isa lang siya? Nagkibit-balikat nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nahulog lahat ang kanyang mga libro at napadaing dahil sa pagkadapa niya. Naramdaman niyang may sugat ang kanyang palad at tuhod.

May tumuklod sa kanya. Lumingon siya kung saan may nagtatawanan. Bumungad sa kanya sina Sophie.

"I thought ikaw 'yung pinush ko, Andrea! Iba pala. My bad." Ani Sophie at umalis kasama ang kanyang mga kaibigan na nagtatawanan.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Umupo siya sa sahig at nag simulang pulutin ang kanyang mga gamit. Kahit may sugat siya sa palad at may gasgas sa tuhod, binawalewala lang niya iyon.

Hindi na siya nagulat na si Sophie iyon. Sa dalawang linggo na walang pinapagawa sa kanya si Aries, palagi na siyang sinasaktan ni Sophie. Physically, mentally, at emotionally.

Nabigla siya ng may marahas na hinablot ang kanyang salamin. Kumunot ang kanyang noo ng nalaman kung sino iyon. Nakalimutan niya ang pangalan pero alam niyang Grade 9 ito.

Napapikit siya ng mariin at napayuko ng sinipa ang kanyang mga gamit. Why is he bullying her? Sa pagkaka-alam niya, wala naman siyang ginawang masama sa kanya.

"This glass is old. Is this your grandma's?" Wika ng lalaki. Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakayuko habang ang lalaki ay nakatayo.

Tumikhim ang lalaki at nilagay ang salamin sa harapan niya. Kukunin na sana niya ito ng biglang tinapakan ito. Napa awang ang bibig niya, habang naka tingin sa salaming wasak na wasak.

Alexis, I want you to take extra care of this glasses because I personally picked this for you. Alam mo naman na hindi tayo palaging nagkikita, that's why I bought this for you. Bigla niyang naalala ang wika ng kanyang ina.

Napahiyaw siya nang may sumipa sa kanyang likod! "Bitch." Wika ng babaeng sumipa sa kanya. Nagtawanan ang dalawang nanakit sa kanya at umalis na parang wala lang sa kanila ang nangyari.

Hindi siya makagalaw. Masakit ang likod niya. Gusto niyang umiyak pero walang luha ang lumabas. Manhid na siguro siya. Bakit ito ginagawa sa kanya?!

"My gosh. Why are you so clumsy, nerd? Is that your glasses? Clean it, you idiot! Baka ma ano pa kami niyan." Dinig niyang sabi ng isang maarteng babae. Naka upo parin siya at nakayuko. Hindi siya makagalaw dahil sa kirot na nararamdaman sa kanyang likod.

Dalawang sapatos ang nasa harapan niya at yumuko ito para makita ang mukha niya. "Oh dear, let me see your face." Anito at hinarap ang mukha niya. Kilala niya ang babaeng ito! Si Catherine Rivera.

Napatingin siya sa kanyang kanan ng sinampal siya bigla ni Catherine. Kumirot ito at namanhid. Ito ang unang pagkakataon na may sumampal sa kanya! Bakit?! Ano bang ginawa niya?!

"May mosquito eh kaya pinatay ko." Anito at tumayo. Kinuha ng kasama ni Catherine ang bag ni Alexis. Narinig niya ang pagbukas nito.

Hinulog lahat ang gamit niya sa kanyang harapan. Wala siyang magawa kundi titigan lamang ito.

Muli ay may dumungaw sa kanya, pero hindi na si Catherine. "Hey nerd, look at me." Dahan-dahan naman siyang tumingin sa babae.

"Is this your phone?" Tumango lang siya. "Your rich pala. Latest model ng apple eh." Tumingala siya dahil tumayo ito. Hinulog nito ang kanyang cellphone at tinapakan ng paulit-paulit.

Enigmatic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon