Chapter 1

1.2K 31 2
                                    

"Good Morning class, today we will discuss about the theory of The Fallens. Any questions?"

Nagulat ako ng biglang may matandang babae na maamo ang mukha ang pumasok sa loob ng classroom.

"Ma'am, theory? Kaninong theory po?"

"Tungkol saan po ang theory?"

"Proven po ba ang theory?"

"Ano po ang ibig sabihin ng The Fallens?"

"Kailangan po ba nating i-discuss 'yan?"

"Ma'am, importante po ba talaga 'yan?@"

Madami pa akong naririnig na tanong. Nakangiti lang ang aming guro. Ang creepy niya. Pero hindi naman creepy ang kanyang mukha. Ang ngiti niya, sobrang creepy. At bakit ang kalma niya? Hindi ba siya naiingayan? Parang sanay na sanay na siya sa nga tanong.

Tinaas niya ang kanyang kamay at tumahimik ang buong klase.

"Now, ako nga pala si Doloris Doreen Narillo. Tawagin niyo akong Teacher Doloris. At ako ang magtuturo sa inyo tungkol sa mga myths sa buong mundo."

Nagsitawanan ang isang grupo ng babae at lalaki. Namukhaan ko sila. Sila ang bumully sa akin kahapon.

"Teacher Doloris, I'm sorry but your subject sucks." Maarteng sabi ng isang babae at nagtawanan sila.

Napatingin naman ako kay Teacher Doloris na kalmadong nakatayo sa harap ng pisara.

"I don't care if you don't like my subject Miss Patricia Jean Mayhem. I don't care if you don't like me. My only mission here is to teach and explain why certain things happens." At tumingin si Teacher sa akin.

Napalunok ako. Bakit siya tumingin sa akin? Bakit parang may ibang ibig sabihin sa kanyang mga sinasabi?

Sumakit ang ulo ko. May mga ala-ala na namang pumasok  sa utak ko. Teka, bakit pamilyar din siya sa akin?

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Nagsimula ng magsulat sa pisara si Teacher Doloris. Narinig ko naman nag bulong bulongan ang mga kaklase ko kung paano nalaman ni Teacher Doloris ang full name ni Patricia.

Ahh, Patricia pala name niya. Isa siyang Mayhem? Sabi ni mommy, ang mga Mayhem raw ay may tinatagong secret. Dark secret.

Humarap sa amin si Teacher Doloris pagkatapos niyang iginuhit ang limang simbolo sa pisara. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar silang lahat sa akin. Isa narin ang simbolo noon ang simbolong nakita ko sa likod ng leeg ni Kaizen.

"Sinong naniniwala dito sa mga prophecy?"

Nagsitaasan sila ng kamay. Napatingin naman silang lahat sa akin. Doon ko lang napansin na ako lang pala ang hindi nag taas ng kamay.

"Hindi ka naniniwala sa mga prophecy, Ms. Dallas?" Tanong nj Teacher Doloris.

Nanlaki ang mata ko. Di ko sinabi ang pangalan o apelyido ko kaya paano niya ako nakilala?

Dahan dahan akong tumango. "Yes, Ma'am. I don't believe in prophecy. Mas naniniwala po ako na lahat ng nangyayari sa atin ay kagagawan ng sarili nating desisyon."

Napayuko ako dahil may naalala akong masamang nangyari.

"Tama ka na lahat ng nangyayari sa atin ay kagagawan ng sarili nating desisyon pero paano kung sasabihin ko sa iyo na lahat din ng ating desisyon ay nakatakda?

Kumunot ang noo ko. "Pati desisyon po nakatakda?" Hindi totoo yan. Hindi ko desisyon o ginusto ang mangyari iyon. Hindi.

"Oo. Pero hindi lahat. May mga desisyon na nakatakda na dahil iyon ang nakatakda na mangyayari habang buhay."

"So, parang nag reincarnate po ang isang tao at lahat ng kanyang desisyon ay paulit ulit dahil ito ay nakatakda na?" Tanong ng isa. Tumango lang si Teacher Doloris.

"Paano po natin masasabi na tayo'y reincarnation noon? Na itong buhay natin ngayon ay isang ulit na naman?" Tanong ko.

Ngumiti si Teacher Doloris. "Yan ang tatalakayin natin sa loob ng isang linggo. Before that, sinong may alam sa mga simbolo na nasa pisara?"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na sobrang gwapo.

"Sorry we're late Ma'am." Sabi ng isa habang nakangiti. May dimple siya sa right cheek niya at halatang play boy.

Nag bow siya ng konti kay Teacher Doloris pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Sumakit ulit ang aking ulo dahil may mga ala-alang pumasok sa isip ko.

Enigmatic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon