Chapter 8

588 11 0
                                    

Nakatingin lang si Alexis kay Aries habang ginagamot ang mga sugat nito.

Bakit tumitibok ang puso niya? At kay Aries pa talaga?

"Why are you helping me?" Napahinto si Aries at sinalubong ang matang kasing lamig ng yelo ni Alexis.

"Because–" gusto ata kita "–you're my personal google." Anito at umiwas ng tingin.

Napangisi ng mapait ang dalaga. Tama nga siya, niligtas lang siya dahil personal google lang siya. Bakit umasa siya na may gusto ito sa kanya?

"Thank you." Walang emosyong wika ng dalaga. Bakit ba siya umasa? Ang sakit.

"You should be thankful. Pasalamat ka hindi kita hinayaang mamatay dun."

"Alexis! Alexis! Alexis! Alexis are you okay?!" Tumatakbo si Aubrey patungo sa kanya. Pawis na pawis ito at nag-alala.

Niyakap ka agad ni Aubrey si Alexis. "Tell me, who bullied you?! I swear I'm gonna kill them!" Mangingiyak nitong sabi.

Tulala lang si Alexis habang yakap siya ni Aubrey. Bakit ito nag-alala para sa kanya?

Namilog ang mata niya nang tumulo ang luha ni Aubrey. Bakit ito umiiyak?

"Bakit ka umiiyak?"

"You made me worried!"

"Why?"

"Because you're my friend! I know you don't trust me enough but for me, you're my best friend!" Wika nito at yumakap ulit kay Alexis.

Alexis smiled sincerely and hugged Aubrey back. Ito pala ang feeling kapag may kaibigan. Gumaan ang pakiramdam niya sa hindi malamang kadahilan.

"Thank you for worrying but this is nothing."

"Anong nothing?! You better tell me who did this to you! I swear I'm gonna–"

"Tumahimik ka nga Aubrey. Ingay mo." Sita sa kanya ni Damon na kakarating lang kasama si Wayne.

"Are you okay?" Tanong ni Wayne. Tumango lang si Alexis.

Napunta lahat ng atensyon nila nang agrisibong bumukas ang pinto at lumabas doon si Kaizen na namumula.

Napahiyaw si Aubrey at namilog naman ang mata ni Alexis nang sinuntok ni Kaizen si Aries. Natumba naman si Aries sa lakas ng suntok ni Kaizen.

Namumula si Kaizen. Galit-galit na ito.

"Ano?! Masaya ka na?! Masaya ka na dahil binully na si Alexis?! Alam mo namang bawal pero–"

Napapikit si Alexis dahil sinuntok ni Aries sa Kaizen, dahilan kung bakit natumba ito. Napatingin siya kay Aries, namumula ito at putok ang labi.

"Sa tingin mo masaya ako ngayon?! Sorry ah. Nakalimutan ko kasi ang pesteng rule. Sa tingin mo ginusto ko itong mangyari?!" Sigaw ni Aries.

Akmang susugurin ni Kaizen si Aries ngunit pinigilan siya ng dalawa.

"Gago ka pala eh. Bakit hindi mo siya pinotrektahan ha?! Personal google mo siya ngunit hindi mo siya pinotrektahan!"

"Hindi ko alam Kaizen! Hindi kasi sila kumikilos kaya akala ko hindi nila aawayin si Alexis!"

"Putangina mo! Binantayan mo sana si Alexis! Tingnan mo kung anong nangyari sa kanya! Kasalan mo ito Aries!" Gigil na gigil na sabi ni Kaizen.

"Bakit ba galit na galit ka ha?! Hindi ka naman ka ano-ano ni Alexis–"

"Kaibigan ko siya! Hindi kasi ako kagaya mo na kayang mang-iwan ng kaibigan!"

Namilog ang mata ni Alexis. Anong pinagsasabi ni Kaizen?

Sinuntok ni Damon si Kaizen. Namumula na rin ito at galit. Sumalampak sa sahig si Kaizen.

"Gago ka ba Kaizen?! Sinong nang iwan ha?! Diba ikaw! Ikaw ang umalis sa grupo natin!"

Ang palaging walang emosyong mukha ni Alexis ay napalitan ng pagtataka. Anong pinagsasabi nila? Anong nang iwan? Mag kaibigan ba sila?

Napatingin si Alexis kay Aubrey na namumutla at pinagpapawisan. Napatayo siya nang muntik na itong matumba.

"Aubrey!" Sigaw ni Alexis ng tumumba ito, buti nalang nasalo ni Wayne.

Naalala ni Alexis na takot pala si Aubrey pag may nag-aaway. Mau trauma na ito.

"Kaizen." Malamig na sabi ni Alexis. "Thanks for worrying but I'm fine."

"Bakit ba kayo nag susuntukan? Kayo ba ang nasugtan? Kayo ba ang na bully?" Malamig na sagot niya sa kanila.

"Pero Alexis, kasalanan ito ni Aries—"

"Walang kasalan si Aries, Kaizen. Nakalimutan niya ang rule. Tao siya. Nagkakamali." Malamig parin ang boses nito.

Napangiti sa isip si Aries.

"Why are you defending–"

"I am not defending him Kaizen. Shut up. Ikaw Aries." Tumingin siya kay Aries na ngayon ay inosenteng naka tingin sa kanya.

He looks so adorable. Pero pinigilan ni Alexis ang kanyang sarili. Seriously? May gana pa siyang magpuri?!

"Bakit ang tagal mong dumating? Akala ko you'll protect me?" Napalunok naman ng laway si Aries.

"Alexis I'm sorry. Di ko kasi alam na–"

Napahinto ito ng tumayo si Wayne habang karga ang walang malay na si Aubrey at simulang umalis.

"Why are you doing that?" Ani Damon.

"Should I let her die here?" Sagot ni Wayne.

"'Wag kanang magpaliwanag Aries. It's okay." Ani Alexis at hinawakan ang kamay ni Kaizen para sundan sina Wayne.

"Bakit ka ba nag-alala sakin ha?" Tanong ni Alexis kay Kaizen habang ginagamot niya ito.

"Malamang kaibigan kita. Pero bakit mo kinampihan si Aries kanina ha? Gusto mo ba siya– Aray! Dahan dahan lang!" Napahawak si Kaizen sa labi niya.

"Pinagbintangan mo kasi siya. Nakalimot 'yung tao. Nobody's perfect Kaizen, you know that." Bumuntong-hininga na lamang si Kaizen.

"I have a question–"

"I don't want to talk about it."

"Hindi pa ako tapos, Kai."

"Oo, magkaibigan kami dati nila Aries."

"Hindi 'yan ang itatanong ko. Pero ikaw mismo nagsabi niyan ha."

"Ano ba ang tanong mo?"

"Wala."

"Ako, Alexis. May tanong ako."

"Ano?"

"Ba't ang misteryoso mo?"

"Kasi si Alexis ako."

"Magaling. Nasagot mo. Ang galing."

"Ang ingay niyo." Reklamo ni Wayne na nasa gilid lang pala.

"Pake mo?" Asik ni Kaizen. Irap naman ang sinukli ni Wayne.

Isa pa itong si Wayne. Misteryoso rin.

"Excuse me. Hinahanap na kayo ni Aubrey. Pwede na kayong pumasok." Nakingiting sabi ng nurse.

Enigmatic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon